Monie's POV
Ito na nga at tinanghali na ako sa pagtitinda. Hindi ko pa naubos ang mga puto. Matumal ata ngayon. Ano kaya kung partneran ko nalang ito ng dinuguan? Tutal naman ay tanghaling tapat na, gagawin ko nalang itong ulam at ititinda ko. Charembang! Baka mawalan pa ako ng mga loyal customers kapag ginawa ko iyon. So, ano ba pang eksena ko ngayon? Adi uuwi na ngunit bago iyan ay bibili muna ako ng ulam sa palengke. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakaka-tikim ng paa ng manok ni lola. Favorite pa naman naman iyong dalawa.
Nag-desisyon akong tumungo sa palengke upang bumili nga ng naturang ulam. Halagang 50 pesos lang bibilhin ko dahil baka wala nang matira pa sa akin, bibili pa ako ng gamot ni lolayta. Hindi na ako sumakay pa ng tricycle, dagdag gastos lamang ito dahil sa pamasahe. Kaya ko naman maglakad with poise and grace no, isa kaya akong manlalakad noong panahon ng martial dito sa Pinas. 2 years old pa lang ako noon ay nakikibahagi na agad ako sa mga welga. Charembang! Hindi pa ako pinapanganak nang time na iyon. Siguro ay masaya pa sila nanay at tatay na magkasama that time. Panahong sila pa ang buhay at ako pa ang wala sa mundo ngunit ngayon ay baligtad na. I missed my lovely parents. Huhu. Sadly, I can no longer touch their physically body hence, their souls are still in here- watching and guiding me.
Oo nga pala, mukhang maaga pa naman kaya sasaglit muna rin ako sa Sementeryo bago tuluyang umuwi galing sa palengke. Kakayanin kaya ng mga soft feet ko ang pagagawin nilang paglalakad? Hmmm... I think so yes! Kiber na kiber!
“Sakay!?” Huminto sa akin ang isang mamang tricycle driver at tinanong niya kung sasakay daw ba ako.
“Hindi po kuya, wala pong pera. Hobby ko po ang paglalakad. Knows mo iyon?” pagtanggi ko. Nakita na niya ngang naglalakad ako e, tatanungin niya pa ako.
“Sige. Bawal na ang sabit ngayon. Ang mahal ng gasolina!” sigaw nito sa akin. Muli, ay pina-andar ang motor at umalis na. Shuta. Akala ko naman ay libre.
May ugali si kuya. Nag-tatanong kung sasakay ako tapos noong tumanggi ako ay nagalit siya? Ano ba ang dapat kong gawin? Kapag tinanong ay dapat sasakay agad ganern? Desisyon ko ito, manong! Huwag mo akong pina-pakialaman dahil sinisigurado ko sa iyo, magkakagulo tayo. Pala-desisyon ka e. Hindi naman ako ang may control ng price hike ng gasolina. Kung maka-say ka sa akin akala mo ako ang secretary sa SRP ha! Charembang!
Ano ba kasi ang bibit ko na ito? Pabigat ka girl. Ihahagis ko na sana ito ngunit naisip ko na ito pala ang paninda ko. Bawal iyan, wala kaming kakainin ni lola kapag tinapon ko ito. Hihi.
Maingay sa paligid. Mga ingay na gawa ng mga tao, sasakyan at ilang huni ng mga ibon. Hindi rin sobrang tindi ng sikat ng araw at katamtaman lamang. Siguro ay nahiya sa akin dahil naglalakad lang ako ngayon. Medyo naging introvert ang araw na sinagan ang maputi kong balat.
Umuunlad na ang aming bayan, dahil sa pagpasok ng administrasyon ni mayor Harake. Maraming mga establishments ang nagsusulputan. Mga ilang companies na hiring, as I can see sa mga posters sa poste pero nakakalungkot dahil hindi naman ako nakapagtapos ng college kaya hindi ako qualified sa mga lists of works.
Visible na nga ang mga progress sa paligid ngayon pero, nakakalungkot dahil palala na rin ang pollution na hindi lang nakakasama sa kalusugan nating mga tao kung hindi pati na rin, kay mother Earth. Paunti-unti nang nawawala ang green livings dito pero maganda pa rin naman ang lugar at sana ay mapangalagaan nga talaga ito ng maayos ni mayor sampu ng mga alagad niya.
“Ate, kulitas! Bigyan mo ako ng halagang 50 pesos ng paa ng manok! Samahan mo na rin ng luya lang dahil may iba pa kaming sangkap sa bahay. Bilisan mo at marami pa akong pupuntahan,” salita ko kay ate nang makarating ako sa pamilihang bayan. Dumiretso agad ako sa kaniya dahil siya lang naman ang kasundo kong tindera rito. Ang iba ay nakaka-away ko minsan, ang mamahal kasi ng tinda nila. Wala manlang empathy sa mga mamimili. Oh, hindi niyo kinaya ang empathy ko no!
“Tamang tama ang dating mo Monie dahil wala nang natitrang paa ng manok! Kakaubos lang. Sorry ka.” Nalungkot ako sa sagot niya. “Ayon oh, naunahan ka na ni ale, ang tagal mo kasi.” Tinuro ni ate Kulitas ang babaeng may bitbit na puting supot. Siya ang nakasalubong ko kanina. Bruhilda siya! Inunahan pa ako. Grr...
“Ano ba iyan ate. Wala na ba talaga riyan? Baka naman ayaw mo lang akong pagbilhan?” paninigurado ko habang sinilip-silip pa ang storage niyang plastik.
“Bakit hindi naman kita pagbibilhan, Monie!? Kung gusto mo ay sa iyo nalang itong mga kuko ng paa ng manok. Gawin mong bopis. Ibibigay ko nalang sa inyo. Ayaw mo noon at makakatipid ka pa!” alok niya.
Ano raw kuko ng paa ng manok? Aba at gagawin niya pa talaga kaming aso ni lola no. Kahit libre ay hindi ko kukuhain iyan. Hindi kami basurahan no. Parang ganoon kasi ang dating sa akin ng attitude niya.
“Oh, ano ayaw mo? Mamili ka nalang ng iba,” tanong pa nito.
“Hindi naman kasi kami pusa or aso ate kulitas. Next time nalang ako bibili. Mag-iitlog na pula nalang kami ni lola para maka-tipid tipid dahil ang mamahal ng bilihin ngayon. Salamat, ate Kulitas! Mabuhay ka!” nakangiting paalam ko sa kaniya. Nagbigay diin pa talaga ako sa mahal ng bilihin para marinig ng ibang tindera dito. Tamaan ay huwag magagalit. Excuse me!
It's my right as a customer na tumanggi dahil pera ko ang ipambibili ko at hindi sa kanila. Mura nga ang mga bilihin kay ate Kulitas pero minsan ay may attitude siya. Baka may problema lang siya ngayon or sobrang stress pero I assure you, mabait siya may times lang talaga na ang sarap palipitin ng leeg niya at kaldagin ang bungo niya. Charembang!
Dahil wala naman akong business na gagawin dito sa palengke ay go-gora na ako sa Sementeryo to visit my parents. Habang nasa daan ako ay may biglang sumabay sa aking paglalakad na puting van. Medyo kinabahan ako kaya binilisan ko ang paglalakad ko. Baka mamaya ay kuhain pa nila ang internal organs ko at ibenta. Uso kaya iyon. Hindi niyo ba alam?
“Psttt!” Ayan na nga at may bumaswit na sa akin pero hindi ako lumilingon. Kailangan ko mag-mabilis dahil alam kong galing iyon sa puting van na nakikisabay sa akin.
“Psttt!!” Ayan na naman siya at bumaswit na naman. Bakit ba kasi walang dumaraan ngayon dito? Bakit ako lang mag-isa? Ako lang ba ang pinagpalang nilalang ngayong oras? Shuta! Ka-imberna iyon.
Huminto ang saksayan sa gilid ko pero hindi pa rin ako lumilingon. Look straight lang dapat mga mami.
“Kapag hindi ka tumigil kakabaswit mo sa akin ay puputulin ko iyang dila mo!” Sigaw ko rito. Nag-desisyon na akong lingunin ito dahil naiirita na ako sa kaniya, ang intimidating ng presence niya. Nagulat ako sa nakita ko nang makalingon ako.
“Mayor? Ano pong ginawa niyo riyan!?” gulat na ani ko. Si Mayor ang sakay nang sasakyan. Shuta. Akala ko kasi ay kung sino e. Pero bakit huminto sila sa akin? Natipuhan ba ni Mayor ang kurba ng katawan ko? Charembang!
Napangiti si Mayor sa akin at napangisi naman ang driver nito na kamukha ni cell.
“Pasensya na po mayor, hindi ko po alam na kayo po pala iyan, akala ko po ay ang mga illegal na grupong nangunguha ng mga bata,” hingi ko ng pasensya. Gosh, ang guwapo ni Mayor sa malapitan. Artistahin ang dating niya. Nakakaloka!
“Wala iyon,” sagot ni Mayor. Naramdaman ko ang pagiging mabuti niya dahil sa tono ng pananalita niya.
“Kaya kami bumabaswit sa iyo kanina dahil itatanong ni mayor kung ano ba ang laman ng bitbit mong styro sa bewang mo,” saad ni kuyang driver sa akin.
“Ahh.... jusko. Akala ko po talaga ay kung ano na. Putong puti po mayor ang laman nito. Tinda ko po. Bibili po ba kayo? Murang mura lang po. Two pesos each. Sulit na sulit po ang pera niyo dahil sa halagang dalawang piso ay makakatikim ka na ng malinamnam at masustansyang putong puti,” magiliw na saad ko matapos ay binuklat ang putong natira at pinakita iyon sa kanila.
“Kaso, medyo malamig na po iyan. Hindi po kasi naubos kanina e,” medyo nahihiyang ani ko pa.
“Mayor, mukhang masarap nga ah!” saad ni kuyang diver kay mayor matapos ay bumaling sa akin. “Matagal tagal na ring hindi nakakain si mayor niyan kaya bibilhin na naming lahat.”
Puro siya nalang ang nagsasalita, naging pipi na ba si Mayor? Charembang!
“Talaga po!? Naku, maraming salamat po!” Muntik na akong mapatalon sa sobrang tuwa at mabuhat ang van na sinasakyan nila. Sa wakas ay hindi ako zero ngayong araw. Sabi ko naman sa inyo iyan na hindi ako umuuwi ng zero.
Nakangiting tumango sa akin si mayor kaya nalaglag ang panty'ng suot ko. Hahaha. Charembang. Hindi, maingat kong nilagay ang mga puto sa plastik at inabot ko iyon sa driver.
“30 pesos lang po mayor,” magalang na saad ko.
“Ang mura naman. Mukhang masarap iyan ah,” salita ni mayor. Ayan sa wakas at narinig ko na sa malapitan ang boses nito. Nakaka-ngisay shuta.
“Hihi. Budget friendly lang po talaga iyan mayor!” nakangising wika ko. Hindi ko maipaliwanag kung kinikilig ba ako dahil kay mayor or dahil sa naubos na ang putong puti ko? Bahala na nga. Kahit ano na riyan.
“Bordok, bigyan mo nga muna siya ng 500. Wala akong cash ngayon. Balance ko muna sa iyo. Oks ba iyon?” saad ni mayor sa driver niya. Bongga naman ng name, Bordok.
Wait, tama ba ang narinig kong halaga ng salapi? 500 daw!? Gosh, baka ma-kiss ko silang dalawa due to sobrang tuwa. Walang atubili ay mabilis na dumukot si kuyang driver sa wallet niyang maraming laman. Kumuha ito ng limang daan at inabot sa akin.
“Thank you po! Malaking tulong po ito sa amin ni lola,” masayang ani ko. Hindi na ako tumanggi no. Sayang ang blessings.
“Sige na. Mukhang makulimlim ang langit ngayon, baka abutan ka pa ng ulan sa daan,” paalam nila mayor. Nagpasalamat ulit ako sa kanila at naglakad na baka nga abutan pa ako ng ulan.
Siguro ay sa susunod na araw nalang ako bibisita sa puntod nila nanay. Maglalakad nalang ako pauwi nang mabilis hangga’t hindi pa bumubuhos ang ulan. Sa palagay ko ay malakas ito dahil kakaiba ang dilim ng kalangitan. Malaki ang paghakbang ng aking mga paa. Sobrang ligsi ko ngayon dahil may hawak akong five hundred pesos na bigay ni Mayor. Ang bait na ni Mayor tapos ang guwapo pa niya. Siguro ay guwapo rin ang anak niyang lalaki kung mayroon man.
Walang naglalakad sa paligid dahil sa ibang kanto na ako nadaan pa-short cut pauwi sa amin. Madalang lang na may dumaan dito, ewan ko ba kung ano ang dahilan. Para hindi ako ma-bored ay sinasabayan ko ng kaunting himig ang paglalakad ko hanggang sa naramdaman kong tumalsik ako ng sobrang lakas, kakaibang kirot at hapdi ang siyang agarang sumakop sa aking katawan at paunti-unti ang paligid ko ay naging sobrang dilim sa aking paningin.
ITUTULOY…