Frederick
“MR. Harake? We can escort you going to home.” Narinig kong alok sa akin ng isang helper dito sa camp. I didn't mind him, and merely continue walking. Anong tingin niya sa akin? Don't I have feet to walk in the car and drive until I get home? F*ck! I am not weak! I'll be a great soldier someday and this alcohol won't be a threat for me to get home safely.
‘I can carry myself, lol!’ ang sabi ko sa isip ko dahil wala na akong energy pa to state that verbally to him.
“Talaga namang medyo pasaway rin talaga ang anak ng mayor.” I heard him whispered. I have no time to turn my back. Makunsumi siya sa akin ‘til he can bear it ‘cause I don’t care about the fact of him existing in the world.
“May tama lang iyan ng alak kaya ganiyan. Pabayaan mo nalang.” Alam kong may lumapit sa kaniya na isa pang asungot.
But he’s maybe right or wrong? Who knows!?
Malinaw pa sa akin kung nasaan ang parking lot ng camp, it means ay hindi pa ako lasing. Marunong pa sila sa akin. Mom ko nga hindi ako kayang pakialaman. Sila pa kaya? Nah… wrong peeps!
“Hey sir, I’m going home. Thanks for this treat. I highly enjoyed the drinks.” Nakasalubong ko pa si sir Camiguin. Siya ang nag-alok sa akin na uminom. Mukhang hindi naman siya nalasing. I remember, kaunti nga lang pala ang ininom niya. Baka mag-contradict sa mga meds niya.
“Have a safe ride our future general!” ang paalala nito. “There will be a lot of next time.”
“Salamat, sir!” Sumaludo ako before opening the door of my car, it is part of the everyday culture naming mga trainees, forget yourself na but do not forget this one.
Gen. Camiguin stays here. Hindi na niya kailangan pang umalis. I know he misses his family, especially his wife when the boredom of the evening invades his manhood; hence, there are women to fling around. Don't settle for just one. It might hurt you in the end.
That's my philosophy about pleasure.
I opened the engine of the car and started driving. I won't be honest with my mom if I tell her that there was a practice or a workout that happened. The reality--- only finest drinking was we did. We merely tested the endurance of our intestine.
Pagabi na rin pala. Sa dami naming nainom ay hindi na namin namalayan ang paglipas ng oras. That's what enjoyment gives to everyone. It lets time passes without even being aware of it.
Sakto naman habang nasa kalagitnaan ng daan, biglang bumuhos ang malakas na ulan. What to do when the rain starts dropping while you're riding a car? Turn on the music and listen to the songs of your favorite singer.
That's what I did. Mas maganda ang ritmo ng biyahe kapag may kanta kang naririnig, isn't? I feel that it somehow lessens the alcohol in my body. I feel more lively again to drive and make hedonism later.
Napatingin ako sa phone ko nang tumigil ang kanta. Someone is calling me. Using my left hand ay kinuha ko ito. I saw the name of Kyller. Ano na naman kaya ang trip at balita ng gagong ito?
“Hey, bro!? Where are you? We'll pick up you at exactly at 8 PM. Nandito sila Krizzelle, and her friends sa house. Daming pleasures. Tatames ng mga chikababes!” he said sa kabilang linya. Alam kong napadila pa ang mokong sa pagsasalita. He does it frequently, btw.
Gag* na manyak pa. Tanging babae na naman ang nasa isip ng mokong na ‘to. Nagtaka ka pa talaga, Fred? What’s new to your friends? Okay. Being honest, we are all bullshit with huge dream!
Why don't I grab the offer? Palay na ang lumapit sa manok. Nandoon si Krizelle--- that hot medicine student and also a campus crush. Well, I f****d her many times before. I think it will be repeated this night.
Get your ass ready, babe.
“Sure, bro. I'll have to take a nap first before I go para may energy si junjun sa battle later,” ang sagot ko. Nahalata siguro niya na lasing ako dahil sa paraan ko ng pagsasalita.
“F*ck you, bro. The alcohols have f*cked you, again. Lasing ka na pala. Baka you f****d multiple sluts na kanina tapos mamaya ay i-score ka pa ulit?” Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
Ang bastos ng bibig ng isang ito.
“Oh, just pick me up. Baka mapasarap ako ng tulog. Bahala na! Bye, asshole!” Binaba ko na ang linya ng tawag.
Kyller is f*cker since he born. He taught me about some pleasurable earthly things that I shouldn’t have known. That's why now, we are both f*ckers!
I continue driving in this short cut road. I am not that familiar at this, nadaan na ako dito pero iyong maliwanag pa. Sounds odd.
Bogsh!
Halos mapabitiw ako sa makina ng sasakyan nang may natamaan akong malaking tae---tao pala. I saw him at the side mirror. Lalaki siya? But look at his clothes, he's faggot!
Nah. He belongs to the trashes!
Mukhang hindi naman siya napuruhan kaya sa tingin ko ay okay lang siya. Mamaya lang magigising din iyan. Mas lalo lang akong nahilo dahil sa ginawa niya.
KANINA pa hindi mapakali ang matandang si Sita dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nakauuwi ang apo niya. Ito nalang ang natitira niyang pamilya kaya labis ang pag-aalala niya dahil baka mamaya, kung ano na ang nangyaring masama rito.
“Hindi naman umuuwi nang gabi ang apo ko. Alasdies na ng gabi. Wala pa rin siya? Saan kaya nagtungo ang batang iyon. Nag-aalala na talaga ako sa kaniya.”
Halos nga maikot na nito ang masakip na kabahayan na gawa sa mga matatalim na buho. Matagal na itong nabuo kaya naman dahil sa mga patuloy na pagdagsa ng ulan- makikita na ang pagkagupok ng mga kahoy.
Hirap na sa paglalakad ang matanda, kung mapapansin ay halos kapantay na ng kaniyang ulo ang bewang nito dahil sa nakayuko kung siya’y maglakad. Unat mo naman iyan kapag may time! Hindi niya rin nalamayan kung saan niya nailagay ang tungkod na ginawa sa kaniya ng binatang si Alfred dahil naging ulyanin na rin ito at naging makakalimutin sa ilan mga bagay.
“Hindi ako makatutulog ngayong gabi hangga't wala ang batang iyon.”
Sanay na siya na hindi nakatutulog ng mahimbing tuwing gabi dahil naging balintuna na ang kaniyang katawan. Madalas, sa umaga siya nakatutulog ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Sa mga oras na ito, buhay na buhay ang diwa ng matanda.
Hindi maganda ang kutob ni lola Sita. May bumabagabag sa dibdib niya na kung anong bagay na hindi niya maipaliwang--- ang hatid sa kaniya nito ay walang iba kung hindi kaba.
Lumapit siya sa maliit na altar sa may tabi ng salaminan at ng kaniyang maliit na radyo na regalo sa kaniya ng kaniyang apo.
“Simula nang dumating ako sa mundong ito. Wala na akong piniling sambahin at pag-alayan ng aking katapatan kung hindi kayo lang. Sana sa pagkakataong ito, pakinggan Niyo ang aking munting hiling. Nawa ay mali ako sa aking nararamdaman. Sana ay maayos ang kalagayan ng aking apo,” ang saad nito sa Diyos ng mga tao na patuloy niya pa ring sinasamba kahit na kailan ay hindi pa Ito nagbigay ng himala sa kaniyang buhay.
SA kabilang banda, katatapos lang mangisda ni Alfred. Bumaba siya sa bangka at pinagkatali ito ng mabuti sa malaking tipak ng bago na nabuo dahil sa mga natural na prosesong nagaganap sa mundo. Nang masigurado niyang nakatali ng maayos ang kaniyang bangka ay tuluyan na siyang umalis bitbit ang kaniyang mga nahuli.
Katulad ni Monie, naglalakad lang ang binata pauwi sa kaniyang kubo. Matagal na siyang namumuhay ng mag-isa sa buhay. Normal lang sa kaniya ang paglalakad ng mahaba. Masipag ang lalaking ito. Kayod kung kayod ang prinsipyo niya sa buhay.
May prinsipyo siya na ayaw niyang iparanas sa magiging anak niya ang hirap ng buhay na dinanas niya nung bata siya hanggang ngayon. Kaya naman kahit kaunting salapi ay mayroon na siyang naitabi para sa kaniyang future.
Minabuti rin niyang dumaan sa maikling daan upang mapabilis ang paglalakad. Kahit madilim na ang paligid, hindi natatakot si Alfred dahil likas na hasado na ng pahanon ang tibay ng loob niya.
Ngunit...tumindig ang balahibo niya sa katawan nang makita niya ang isang tao na nakasandusay ang walang malay na katawan sa gilid ng kalsada. Mas kinabahan siya nang mapagtanto niya ang kasuotan ng taong ito.
‘Ito ang suot ni Monie nang magkita kami kaninang umaga.’
Nakita niya rin ang bayong nadala nito na tumalsik sa kaliwang bahagi ng daan.
“Tang-na!” ang kinakabahangbusalsal nito. Upang matiyak niya ang hinala niya ay naglakas loob siya na inangat ang nakahilatang katawan.
“Monie!? Anong nangyari sa iyo?” Tila binuhusan ng kumukulong tubig ang dibdib niya dahil sa sakit na nararamdaman nang makita ang sinapit ng kawawang kaibigan.
Kumapit sa mga kamay niya ang dugo sa ulo ni Monie. Wala na siyang ibang naisip kung hindi galit at paghingi ng tulong. Hinakawan niya ng mabilis ang pulso nito upang matiyak kung may buhay pa ang kaibigan. Nagkaroon siya ng pag-asa nang marinig niyang may pintig pa ang pulso nito.
“Babalikan kita riyan, manghihingi lang ako ng tulong.” Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa kabilang daan kung saan maraming dumaraan na sasakyan.
Doon ay nagsisigaw siya at ginawa ang buong makakaya para lang makuha ang atensyon ng ibang tao. Wala na siyang paki-alam kung malatin siya at kung ano man ang kasalukuyang itsura. Buhay ang kaniyang ililigtas at oras ngayon ang nakikipagtunggali sa kaniya.
'Panginoon, huwag Niyo po sanang pabayaan si Monie. Kailangan pa ho siya ng lola niya. Kailangan pa siya ng mundo,' pagsasamo nito sa kaniyang isipan.
Bumukas ang pagpapala ng panginoon nang huminto sa kaniya ang malaking truck na naglalaman na mga basurang nakolekta sa bawat baranggay.
“Ano ang nangyari sa iyo, boi?” ang tanong ng mamang driver. Siya lang ang tanging lulan ng malaking sasakyan.
“Tulungan niyo po kami parang awa niyo na. Na-aksidente po ang kaibigan ko,” ang pagsusumamo ni Alfred habang hinahabol ang sariling hininga.
“Sus! Wala akong pake sa kung ano man ang dahilan mo dahil tutulungan kita kahit na anong mangyari. Ano pa bang hinihintay mo? Sakay na!”
Napangiti siya dahil sa kabaitan ng driver. Marami pa rin talagang mabubuti sa mundo. Dali-dali niyang itinuro ang kinalalagyan ng kaibigan.
“Kapit ka lang Monie, dadalhin ka na namin sa hospital.” Katulong ni Alfred ang driver na maingat na sinakay si Monie sa unahan ng truck ng basura.
“Manong bilisan natin!” ang kinakabahang saad nito pero kailangan niya pa ring ikalma ang sarili.
“Kalma ka lang boi, your friend's life is in the safe hands,” ang wika ng drayber at kinindatan ang binata. “Napaghahalataan ka tuloy na may gusto sa kaniya dahil sa aksyon mo ngayon. Take it easy,” ang pang-aasar pa ng driver. Ibig niya lang bigyan ng ngiti sa labi ang binatang si Alfred.
“Ay, wala po, ah. Babae po ang gusto ko,” ang pagtatakip ni Alfred.
“Wala kang maloloko rito, boy!” Ngumisi nalang ang driver dahil lalaki rin siya katulad ni Alfred. Boy’s instinct, kumbaga.