Monalya
"KINUHA namin ang atensyon niyong lahat dahil naramdaman namin ang muling pananalakay ng mga kampon ni Hazarda. Ayon sa pangitain namin, nagbabalak ang mga ito na sakupin ang mundo na katabi natin."
"Oh… see? Tama ang hinala natin na magbibigay ng impormasyon ang mga Zinerships patungkol doon sa mga halimaw na sumalakay kanina sa atin sa labas ng kalawakan," ang sabi ni Spacia.
Ang Earth- ito ang mundo na tinutukoy ng Zinerships na sasalakayin ng mga halimaw.
"Kailangan nila ng mga dugo ng baklang inosente sa mundo ng mga tao upang muling mabuhay si Hazarda. Hindi natin hahayaan na mangyari iyon."
"Tama! Kawawa ang mga gay nation kapag ginawa nila iyon," ang linya naman ni Starsa.
"Wow? Nakita mo na sila? Nakarating ka na sa Earth? Eh, hindi pa naman ata?" ang tanong ko rito.
"Feel ko lang. Malakas ang feeling ko! Hindi kagaya niyo. Feel so insensitive."
"Nakita rin namin sa pangitian namin ang paglabag ng isang mandirigma sa mahalagang kautusan ng ating lahi." Sa isang kamay ng isang Zinership ay may nalikha roong liwanag. Nais ko nang lumubog sa lupang kinatatayuan ko nang makita ko roon ang aking sarili.
Ito mismo ay noong kinain ko ang pinagbabawal na prutas sabi ni Spacia at Starsa.
Tumingin sa akin ang dalawa kong kaibigan. Bakas ang pangamba roon. Hindi lang sila ang napatingin sa akin dahil bumukas ang malakas na liwanag at tumapat iyon sa akin.
"Isa siyang kasalanan!"
"Hindi niya ba alam ang kautusan?"
"Wala na ata sa katinuan ang isang iyan?"
Ito lang naman ang halimbawa ng mga salitang binabato sa akin ng mga nasa paligid ko.
"Grabe naman kayong man-judge! Hindi niyo naman alam ang buong kuwento! Shut-up!" ang sigaw sa kanila ni Spacia.
"Tama! Itahimik niyo nalang ang bibig niyo!" partner sila ni Starsa kaya ito ang sinabi ng isa.
Kahit na nakagawa ako ng pinagbabawal na aksyon, naramdaman ko na mahalaga ako dahil sa ginagawang pagtatanggol sa akin ng mga kaibigan ko.
Nakalulungkot lang dahil sa dinami-rami mong nagawa. Iyong isang pagkakamali mo lang ang siya nilang makikita at tatatak sa isip nila.
"Hoy. Ano ba kayo? Pabayaan niyo na sila," pagpapahinto ko sa dalawang kaibigan ko. "Remember, you are what you respond to. Kapag patuloy lang natin silang pinatulan, nagsasaad lang ito na mapang-husga rin tayo katulad nila."
I remember everything will be revealed in time. Ito na nga ang oras na iyon.
"Magsitahimik ang lahat!" ang pagpapatahimik sa kanila ng Zinership."Nag-usap-usap kaming mga Zinership sa kung ano ang magandang gawin sa paglabag niya." Tinuro ako ng isang matanda. Lumapit sa akin ang mga armadong mandirigma at hinawakan ako sa aking magkabilang braso.
"Don't hurt her, ha!? She's gold. Remember that!" Narinig kong sigaw ni Starsa. Ngunit, hindi naman sumagot ang mga guwardya. Dinala nila ako sa harapan ng mga Zinership. May nakatutok sa akin na isang camera kaya kitang-kita ako ng lahat sa big screen na nasa harapan namin.
"Nagdesisyon kami na ikaw ang ipapadala namin sa mundo ng mga tao upang pagbayaran mo ang ginawa mong kasalanan. Hindi ka makababalik rito sa Buwana hangga't sa hindi natatapos ang panggugulo ng mga halimaw. Kailangan mong mapigilan ang kanilang misyon na muling buhayin si Hazarda. Failure to finish this mission successfully will lead for you to live on Earth being a normal person, and will never have a chance to go back here."
Ha!? Ang tindi naman ata ng parusang ibibigay nila sa akin?
"Sandali! I just wanna ask queries, wala po bang choices?" ang pagsabat ko as I know I have the freedom of speech and expression.
Desisyon sila. Sila na ang gumawa at nag-provide ng parusa para sa akin. It'll be immersive kung both parties are belong in the decision making process.
"The table of decisions is locked for any objection! Zinerships do what is best for their fellowmen. For you to be aware, malaking kasalanan ang na-commit mo and it's not just a piece mistake that you can erase using your saliva or tears. A huge sin requires a thrilling and challenging punishment as stated in our oral laws!"
Shaina all, memorized ang oral laws!
"Hindi ko po alam na mali ang nagawa ko. Kung alam ko pong mali iyon ay hinding-hindi ko ito gagawin," ang paglaban ko.
Hindi ko kayang iwan ang planetang kinalakihan ko. Hindi ko nga alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa Earth. Until I can make objections, I will do it no matter what happens.
Tumawa ang mga Zinerships. May nasabi ba akong nakatatawa? I didn't say any joke. Itong mga oldies na ito. Lumang life requires lumang joke.
"Ignorance is not a valid excuse in our laws. You are given time to study them. Committing them unknowingly is your mistake. It's your fault for not spending enough time on getting familiar with them!" ang sagot ng isang Zinership.
But they didn't understand that ignorance is bliss. Sometimes, having awareness about things leads to sadness and the feeling of being unfulfilled.
"Pero---"
"Wala nang pero-pero! Dalhin na iyan sa hawla at ipadala sa mundo ng mga tao oras na makarating roon ang mga halimaw."
Naramdaman ko muli ang pagkapit ng mga magagaspang at naglalakihang kamay sa aking maliit na braso. Halos malusaw na ako sa tingin ng lahat ng naririto.
Nakita ko si Starsa at Spacia pero hindi ko na sila binigyan pa ng sapat na atensyon dahil mahahawa lang ako sa kalungkutan nila.
"Huwag ka nang umangal dahil para sa iyo rin ang parusang ito. Para sa mga tao sa ibang mundo. Ngayon ay hindi mo pa makikita ng malinaw ang rason ngunit darating ang araw na magpapasalamat ka dahil ikaw ang napiling ipadala roon."
Nagkaroon ako ng kakaibang pag-asa dahil sa tinuran ng guwardyang nakahawak sa kaliwa kong braso.
"I don't deserve this, kuya. Pakawalan niyo na po ako, please."
"Ays! Huwag nang makulit."
"Okieee. Madali naman po akong kausap."
Yinakap ko nalang ang malimig na rehas dahil sabi nila ay huwag na raw akong maging makulit.
"Kuya!" Tinawag ko si kuya bago siya tuluyang umalis.
"Ano iyon?" ang tanong niya nang naka-kunot ang noo.
"Babauhin ko ang advise mo! Hihi," ang sagot ko. This time ay naging suplado na siya at hindi na ako nagawang pansinin pa.
Okay. Your left words will stay.
Alfred
"DOC, kayo na po ang bahala sa buhay ng kaibigan ko," ang sabi ko sa doktor bago nila tuluyang ipasok sa emergency room si Monie.
Hindi ako makapag-isip kung paano sasabihin ito kay lola Sita sa paraan na hindi siya magugulat at masasaktan. Alam kong mataas na ang presyon no'n. Sigurado ako na labis siyang malulungkot kapag nalaman niya ang sinapit ng apo.
"Tiwala ka lang sa Kaniya boi! Ang lahat nang nangyayari ay may dahilan." Naramdaman ko ang pagtapik ng mama sa braso ko. Ang bait niyang tao. Hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.
"Sige... maiwan na kita rito at hinihintay pa ako ng mga anak ko. Gordon nga pala para sa susunod nating pagkikita, alam mo na ang pangalan ko," ang pagpapakilala nito.
"Alfred po, sir. Maraming salamat po talaga sa tulong niyo. Kung hindi kayo dumating, baka wala nang buhay ngayon ang kaibigan ko. Pagpapalain din po ng Diyos ang kabutihan niyo," ang saad ko rito.
Minsan nga, mas handa pang magbigay ng tulong ang mga wala kaysa sa mga mayroon. Sa dinami-rami nang naggagandahang sasakyan na kaninang dumaraan wala manlang ni isa sa kanila ang naisipan na hintuan ako. Itong si Kuya Gordon ang may mabuting puso na nagbigay ng oras niya para tumulong.
"Oh basta! Don't forget to pray to our Lord. He will provide. Saka, relax ka lang diyan. Instrument ni Lord ang mga health professionals na mag-aalaga diyan sa kaibigan mo. Maaari ka ring humingi ng tulong pinansyal kay mayor. Ito lang ang tulong na kaya kong ibigay. Wala e, kapos din tayo," ang saad pa nito.
Hanga rin talaga ako kay manong Gordon. Magaling siya sa pagsasalita ng Ingles. Ako nga ay hindi nakatuntong ng sekondarya kaya limitado lang ang alam ko pagdating sa wikang ito.
"Napakalaking tulong na po ang naibigay niyo. Sapat na po ito, at sobra-sobra pa. Mag-iingat po kayo pauwi, manong Gardon. Salamat po ulit.”
"Oh siya... sige't tutuloy na ako."
Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang kumaliwa upang puntahan ang truck niyang naglalaman ng mga basura.
Punong-puno ang isip ko ngayon. Kaibigan lang ako ni Monie pero labis akong nag-aalala sa kaniya dahil wala namang gagawa nito para sa kaniya. Wala na siyang mga magulang, at wala namang kakayahan ang kaniyang lola upang gumawa ng paraan.
Maya-maya ay nakita ko ang nurse na lumabas sa emergency room. Lumapit ako sa kaniya upang tanungin kung ano na ang kalagayan ng kaibigan ko.
"Ms. ano pong nangyari sa pasiyente?" ang tanong ko.
"Kayo ho ba ang kasama nung dinala sa emergency room?"
"Oo. Ako nga po."
"Okay. Huwag po kayong mabibigla, ha? Iyong kaibigan niyo po ay nabangga ng isang mabilis na sasakyan. Malakas po ang naging impact ng pagtama at mas na-damage ang ulo niya. Ayon po kay Doc, comatose po siya as of now."
Hindi ako nakapagsalita dahil sa narinig ko. Hindi deserve ni Monie na magkaganito! Sinong putang-ina ang bumangga sa kaniya at hindi manlang siya nagawang tulungan!? Walang kaluluwa at puso ang tarantado!
"Maiwan ko na po kayo, sir. Matapos po ang ilang examinations sa pasiyente, ililipat na po siya ng room. For the meantime po, puwede po kayong magpahinga at maghintay sa waiting area. Bigyan ko nalang kayong follow up updates," ang wika ng nurse.
Frederick
"ARE you drunk?" ang tanong sa akin ni mom oras na makababa ako ng kotse.
Really? She's been waiting for me to come home? Palibhasa, I'm only child kaya ako lang ang focus niya.
I kissed on her cheeks kaya naamoy niya ang hininga ko. "Sweetie. You lied to me again, you said, you'd be having trainings. When your dad gets to know this, magagalit na naman sa iyo 'yon."
Nawala ang mood ko nang marinig ko ang sinabi niya. I and dad made a fight last time I get drunk. Matanda na ako. Nasa legal age. I have my own mind to think. Hindi na dapat parati silang naka-intervene sa mga decisions ko.
"Okay, mom. Isumbong mo nalang po ako kay dad para magalit siya ulit sa akin." Naglakad ako papasok ng bahay. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.
"Your dad only wants the best for you kaya nagagalit siya when you went home late."
Nagagalit siya because he wants me to enter politics which I personally hate- that's the real reason. Since I decided to enter into the military, naging cold na ang mood sa akin ni dad. I only chose what makes me happy. Sana maintindihan nila iyon.
"Okay, mom. I'll just take a sleep."
I don't want to make arguments right now. Ang sakit ng ulo ko dahil kasi sa baklang nabunggo ko kanina. One more reason, may party pa later.
"Okay, son. I love you."
She is the only one who loves me, dad doesn't.