Chapter 6: Shattered and Thrilled

2372 Words
ISANG katok pa lang ang ginawa ni Alfred, naging matagumpay na ito upang makuha niya ang nag-aalalang atensyon ng matanda. Mabilis niyang hinayag ang kaniyang sarili patungo sa tahanan ng kaibigan nang mailipat na ito sa ibang silid. Nagpaalam siya sa nurse at nakiusap na kung maaari ay umuwi siya sandali upang ipagbigay alam ang kalagayan ng kaibigan sa kasama nito sa buhay. Naging mabait kay Alfred ang pagkakataon. Pinangako ng nurse na babantayan niya si Monie dahil hindi naman full-sched ang round niya sa hospital para sa sandaling ito. Hindi na niya ginamit pa ang kaniyang mga paa biglang moda ng transportasyon upang makarating dito. Sumakay siya ng tricycle upang mas mapabilis ang pagbabalita sa matanda nang nangyari. Nalalapit na ring kumagat ang liwanag sa dilim. Sigurado sa isang daan porsiyento na uumagahin siya kung hondapepen lang ang gagamitin niya. "Monie, apo? Ikaw na ba ‘yan?" Nang marinig niya ang tinig ng matanda ay lungkot ang bumalot sa kaniyang kamuwangan. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pakirot ng sintido niya dahil hindi niya malaman kung paanong approach ang gagawin sa mahinang matanda. Nag-iisip siya ng paraan na hindi ito mabibigla. Dahan-dahan pero tiyak pa ring masasaktan. Pain is part of life. One of the constant things, human can't avoid. "Kaya mo ito, Alfred. Kailangan malaman ni lola Sita ang totoo. Dahil kung hindi ngayon ay kailan?" ang sabi ng baklang kahoy sa kaniya. Napatingin siya rito at napaisip. Tama nga naman ang sinabi nito. Si Alfred ay may kakayahan na makipag-usap sa amunang uri ng kahoy. Bata pa lang siya nang madiskubre niya ang kakayahan niyang ito ngunit hanggang ngayon, hindi malinaw sa kaniya ang dahilan sa likod ng kakaibang abilidad. Sa una, inisip niya na baka nasisiraan na siya ng bait ngunit nagtuloy-tuloy ito hanggang sa masanay siya at naging normal nalang ito sa kaniya. "Ayan na, bubuksan na ni lolita Sita ang pintuan. Tatagan mo ang sarili mo. Huwag ka ring panghinaan ng loob. Kontradikto tuloy sa mga naglalakihan mong bukol sa braso! Hmmm... naku, papisil mamaya ha! Hindi na ako makapagpigil, grrr!" "Malandi talaga ang isang kahoy na ‘to. Nakuha mo pang magbiro sa ganitong sitwasyon? Sarap mong ipanggatong ha!" "At bakit, ako? Gatong yourself! Not me!" “Mas chose ka ng faith! Appealing ka raw na masunog!" "Stop that dalawang bukbuking kahoy. Pinapagulo niyo ang isip ni Aflred. Anyways, Alfred kevs mo iyan!" "Salamat sa inyo mga 'tol! Oo, tama kayo. Kaya ko nga ito." Pinaniwala niya ang kaniyang sarili. “Iyong sa lambot ng pagsasalita ko? Tatawagin mo akong tol? Gusto ko nalang masunog!” ang wika ng baklang kahoy. “Edi miss? Okay na tayo riyan?” Maya-maya lang ay narinig niya ang pag-ingit ng pako, tanda lang ito na natanggal na ang kandado ng pintuan. Bumukas ang pinto gamit ang pag-slide at tumambad sa kaniya ang nakayukong matanda. "Oh, anong ginagawa mo dito, Alfred? Hating gabi na. Akala ko, ikaw na si Monie," ang bungad ni Sita sa binata. "Oh siya, anong kailangan mo't napunta rito ng ganitong oras?" Hindi agad nakapagsalita si Alfred. Pinanghinaan siya ng loob nang marinig muli ang pangalan ni Monie. Ramdam niya na kanina pa nag-aalala ang matanda sa apo. "Hoy, iho? Na matanda ka ba? Bakit hindi ka makapagsalita?" Huminga nang malalim si Alfred bago sumagot. "Ah, lola... may sasabihin po ako sa inyo." "Ano iyon? Halika't pumasok ka muna sa loob at maupo. Hindi magandang tanawin na dito tayo nag-uusap sa labas sa ginta ng gabi." Pumasok sila at umupo sa silyong halos wala nang tibay at para nang bibigay kapag nilikot mo ang iyong katawan habang ika'y nakaupo. "Lola---" Nagsimula na siyang magsalita. "Si Monie nga po pala..." "Ah, ang apo ko ba ang pinunta mo rito? Pasensya ka na iho, wala pa siya hanggang ngayon. Kumikirot talaga ang sintido ko't balakang dahil kanina ko pa iniisip kung saan siya nagpunta. Hilo na nga rin ako kaiikot dito sa kubo," mahabang sagot ng matanda. "Ay, shet!" ang sigaw niya. Paano ba naman kasi ay tinusok siya ng upuan sa kaniyang puwetan. "Sabihin mo na Alfred nang makaalis ka na sa upuan. Ang bigat mo, gosh! Bibigay na ako ilang minuto nalang!" "Kumain ka na ba? Bakit parang namumutla ka at wala sa sarili?" ang tanong sa kaniya ng matanda. "Teka nga lang, ikukuha kita ng maiinom nang mahimas-masan ka." "Sabihin mo na, Alfred. Now na! Kapag hindi mo ginawa, ako ang magsasabi bahala ka!" "Huwag na po, lola. Si Monie po kasi na aksidente," ang bigla niyang saad. "Huh? Anong sinabi mo? Naaksidente ang apo ko?" Tumango siya. "Sabihin mong nagbibiro ka lang, Alfred!" Rumagasa ang malungkot na ekspresyon sa pagkatao ng matanda. Tila minamaso ang puso ni Alfred, dinudurog ng paulit-ulit sa tuwing masisilayan niya kung gaano katas ang prosiyento ng pighati mayroon sa mga mata ng matanda. "Hindi ho, La. Kaya po hindi pa siya nakauwi ngayon ay dahil may hindi magandang nangyari sa kaniya. Nakita ko po siyang walang malay kanina habang papauwi ako. Dinala ko siya sa hospital at ayon po sa sabi ng doctor, nabunggo siya ng mabilis na sasakyan at mas naapektuhan sa nangyaring aksidente ang ulo niya. Comatose po si Monie, La. Hindi pa po tiyak ngayon kung hanggang kailan ito magtatagal." Saglit na ginawang bato ng binata ang maawaing puso niya at hinayag nang may tapang ang buong storya na kailangan malaman ng matanda. Awang-awa si Alfred ngayon sa nakikita niya ngunit sa kabilang banda, lumuwag ang nararamdaman niya dahil tuluyan na niyang nasabi ang nararapat niyang sabihin. "Diyos ko, ano ang nangyari sa apo ko?" Bumagsak ang maninipis na luha sa kawawang mata ng matanda. "Tama lang ang ginawa mo, Alfred. Nararapat lang ang ginawa mo. Karapatan ng matanda na malaman kung ano ang nangyari sa apo niya," ang sabi ng kawayan sa ibubong. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang pakiramdam ng matanda dahil wala pa siyang karanasan sa mga ganitong eksena. "Samahan mo ako sa apo ko, Alfred. Gusto ko siyang makita." Ito lang ang tanging paraan na alam niya upang mapagaan ang mabigat na pakiramdam ng matanda. "APO ko, sino ang may gawa nito sa iyo?" Humagulgol na wika ni tandang Sita sa kaniyang apo nang makita itong nakahiga sa puting kama na walang malay at may mga aparatong pang-medisina na nakatusok sa katawan. “Bakit napakabilis ng mga pangyayari? Kaninang umaga lang ay napakasaya mong nagpaalam sa akin bago ka magtinda ngunit ngayon, anong nanygyari sa iyo apo ko?” Alam niya na malaki ang uubusin sa mga bayarin sa hospital. Ito ang isa sa labis na nagpapasakit sa sintido niya- ang pag-iisip kung saan kukuhain ang pambayad sa mga gastuhin para sa gamot ng kaniyang apo. "Kung hindi lang sana agad humina ang aking katawan. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho at umuwi ng gabi. Nabigo ko ang pangako ko sa iyong ina na aalagaan kita at bibigyan ng magandang buhay." Hindi ko masisisi ang nararamdaman ngayon ni Sita kung bakit niya nagagawang ibaling sa sarili niya ang sinapit ng apo, minsan sa ganitong punto, maiisip natin na may mga pagkukulang din talaga tayo. "Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo, lola. Wala pong may gusto nang nangyari.” Hinimas ni Alfred ang likod ng matanda. Kumakalam na ang sikmura ng binata pero hindi na sumasanggi sa isip niya na kumain. Hinahayaan niya lang ang pagkalam nito dahil totoo nga na lilipas din naman ang gutom maya-maya lamang. "Mabuti nalang at nand'yan ka, Alfred. Kung wala ka ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.” "Nandito lang po ako, La.” Ngumiti siya sa matanda. “Isa pa, huwag niyo na po masyadong intindihin ang gagastusin sa mga gamot ni Monie. Maaari po tayong humingi ng tulong sa Munisipyo--- kay Mayor." Mahigpit ang kapit ng matanda sa kamay ng kaniyang apo. Ayaw niya itong bitiwan dahil hindi siya mapapakali kapag nawalay ito sa kaniya. "Pagtibayin mo ang loob mo, apo. Nandito lang kami sa tabi mo. Kung naririnig mo man kami sa mga sandaling ito. Parati mong tandaan na mahal na mahal ka ng iyong lola Sita. Labanan mo ang pagsubok na ‘to," ang pagkausap ng matanda sa apong mahimbing ang pagkakatulog at suntok sa buwan ang kasiguraduhan kung naririnig nito ni isang salitang binigkas niya. "Paano natin malalaman kung sino ang gumawa nito sa kaniya? Kailangang pagbayarin ng tao na iyon ang kasalanang ginawa niya," ang bigkas ni Sita kay Alfred. Naghihimutok ang dibdib niya dahil walang puso ang taong may gawa nito sa apo niya. Halang ang kaluluwa at wala nang natitira pang pagmamahal sa mundo. Hindi niya alam ang isasagot sa matanda. Wala silang sapat na ibidensya upang malaman kung sino ang driver nang sasakyang bumungo kay Monie. Madilim ang daan, walang CCTV. May ilan ilaw nga ngunit kumikislap-kislap naman at hindi malinaw ang tanglaw. "Maaari po tayong makipagtulungan sa mga Pulis lola.” Bigay niya ng pag-asa sa matanda kahit walang kasiguraduhan kung malalaman din ng mga alagad ng batas kung sino ang nagmamaneho nang hindi niya malaman kung anong sasakyan ang bumangga sa kaibigan. Frederick "IT's been a long time, Fred. Fate hasn’t yet failed to answer my prayer. You’re here, and I heavenly deeply miss your softest and most alluring touch.” Si Krizzelle agad ang sumalubong sa akin nang makababa ako ng kotse ni Kyller. Katulad nga ng sinabi ni Kyller kanina. He picked me up. Malalaman pa ni mom na umalis ako kapag nagdala ako ng sarili kong car. Krizzelle is wearing an alluring dress which not a new thing for her. She kissed me on my right cheek, wala naman akong naramdaman na emonsyon doon. Hence, nung nilapit niya ang dibdib niya sa akin, there I felt the two bouncy blessings. "Oh! Mamaya na 'yan, bros! Let's drink first before letting the fire burn," ang makahulugang sabi ni Kyller. "Hold your grudges, tol." She tapped Krizzelle on her shoulder. Nag-smirk nalang sa kaniya ang babae. "You're such an interrupter in my precious moment, Kyller." Krizzelle's eyes rolled at him. “Next time, be mindful about someone else business.” Kyller laughed at what Krizzelle stated. "Am I interrupter in my own party? Naks naman!" He claps sarcastically. "Let's go, Fred. Mauna na tayo sa garden." Kinuha niya ang kamay ko. "Good. Mauna na kayo. I'll stay here. Need to welcome other guests." We walked straight to the garden kung saan mangyayari ang drinking party. "You still remember what happened in us to that pool?" ang tanong nito sa akin nang mapadaan kami sa pool nila Kyller. What she tries to say, I f*cked her here months ago, I think. Tsk. Napaghahalataan ang babaeng 'to na na-miss niya ang aking heavenly service. "Bro, I thought you couldn't come. Lasing ka raw kanina sabi ni Kyller," bati sa akin ni Vhon, katabi niya si Icary na kasalukuyang may kandong-kandong na chikababes. I can’t help but think of something that is now starting to have its life under the shorts of Icary. My two other f*cker friends… actually, we're five, hence sadly one had passed away that early. "Yeah. Napalaban lang sa camp kanina," ang sagot ko. We have this very unique way of greeting each other. They're an asshole but they are all good. We're taking the different fields. Mas diverse, mas ok at omniscient. "Kaya hindi ka na papayagan ni tita na umalis. Qouta na raw ang tiyan mo sa alak ngayong araw!" ang sabi ni Icary. "Nope. Dad is merely my concern." "Hey, Krizzelle! Naunahan mo pa ako, here? Iba talaga ang lively ng energy mo when you get informed that Fred is also gonna be here." Sumulpot sa tabi namin si Pauline. Kaibigan ni Krizzelle. What to be expected? She's also wearing a lustful dress. May class but seems that she's trading herself to the guys around. "Yes! Maupo ka na nga lang d'yan. Pa-late late ka pa," Krizelle stated. "Hmmm..." Nakita ni Pauline na walang kasama si Vhon ngayong gabi kaya gumuhit ang seductive smile sa kaniyang mga ngiti. "Do you have a partner tonight, Vhon?" "None so far. Ready to be my partner?" Vhon smirked and gave this girl a wink. “Yas! No objections.” Tumabi si Pauline kay Vhon. Her legs are placed in a position that will make Vhon h*rny. "I'll behave tonight, don't worry." Ang laki ng boobs ni Pauline. I am sure, Vhon’s night will be a fantasy. Good luck to his manho-d. Wala akong ganang makipagkuwentuhan ngayon dahil gusto ko nalang uminom. The party hasn't yet started but my phone rings continuously. I saw that it's my mom. Fuck! She gets informed na umalis ako? Sinabi siguro nang mga magagaling sa guwardya sa bahay. Sometimes, they are threat to my freedom. “Excuse me, bros.” I made a distance to my friends to answer her call. "What is the blood in your car?" ang tanong kaagad ng nanay ko oras na masagot ko ang tawag. Shet! Naalala ko na naman ang nabunggo ko. May dugong naiwan doon? I forget to check if there are traces left dahil sa kalasingan, and being careless. I should have cleaned that. Mom has seen it. I need to think of an escape kahit nasa alanganin na tayo. "Go home now, and let's talk about it before your father has to know about this one. Please, honey. Alam kong nakila Kyller ka at pupuntahan kita diyan kapag hindi ka umuwi.” My night was being interrupted because of that accident. This is a serious matter. Kailangan ko nang umuwi dahil kapag nalaman ito ni dad ay lalo akong malilintikan. I have no f*cking idea kung ano ang puwede niyang magawa sa akin. "Where are you going?" "Hoy tol, saan ka pupunta?" ang tanong ng mga kaibigan ko. I saw that slut’s face--- mukhang nalugi at natalo ng malaki sa gambling. Sorry… hope, there will be next time- a lot. "I need to go home." Nakita ko si Kyller sa labas. Hinitak ko siya at pinilit na ihatid ako babalik sa amin. I know, he felt weird at my odd behavior. I have no time to make a discussion, there's a scratch to be settled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD