ANG salitang gula-gulanit at kawalan ng pag-asa, sa mga oras na ito ay hindi magiging wasto upang ipaliwanag ang nararamdaman ng matandang si Sita. Hindi niya kaya na makita sa walang malay na sitwasyon ang kaniyang kaisa-isang apo. Naranasan na niya ang mawalan ng mahal sa buhay nang pumanaw ang mga magulang ni Monie ilang taon na ang nakalilipas ngunit iba ang dalamhati’t kirot na dulot sa kaniya ng kalagayan ng kaniyang apo sa kasalukuyan. Ang mga sakit ay paulit-ulit na rumaragasa, at katulad ng tubig sa daragatan na hindi mauubos kailan man.
“Panginoon, bigyan Mo ako ng palatandaan na muli Niyong ipagkakaloob ang buhay ng aking apo. Huwag Niyo na siyang pahirapan ng matagal kung sa huli, babawian niyo na rin siya ng buhay,” ang kaniyang samu’t dalangin, nakapikit ang mga mata, gayundin ay hawak ng mahigpit ang kamay ng apo kung saan nakaturok ang mga suwero.
Tanging silang dalawa ang naiwan sa silid. Pagpaalam sandali si Alfred na bibilhan ng makakain ang kaniyang Lola Sita. Hindi pa rin siya naghahapunan, pauwi pa lang siya nung nakita niyang nakahandusay ang kawawang katawan ng kaniyang kaibigan.
“Malugod kong tatanggapin kung ako nalang ang Inyong kukuhain. Buhay ko, kapalit ng buhay ng apo ko. ”
Hindi man ganoon kalakas ang pangangatawan ni Sita ngunit matagal pa ang ilalabi niya sa mundo. Nasasabi niya lang ito dahil wala na siyang maisip na paraan, wala na rin siyang magagawa buhat nang wala na siyang kakayahan pang magbanat ng buto.
“Masyado pang bata ang apo ko upang maranasan niya ang mga bagay na ‘to. Sa edad niya, dapat ay nasa paaralan siya, nagpapakadalubhasa sa isang bagay nang sa gayon makahanap ng trabaho na matunog sa lipunan.”
Minulat niya ang dalawang talukap ng kaniyang mga mata, nasilayan niya ang mukha ng apo na may tapal na puting benda. Naisip niya, kanina lang bago umalis si Monie ay nakaukit sa mukha nito ang malapad na ngiti dulot ng maliwanag na pag-asang bitbit niya sa kaniyang buhay. Hindi man nag-aaral ang kaniyang apo sa paaralan ngunit marami itong pangarap. Ngunit ngayon, ang pangarap na buhay na ninanais ng kaniyang apo, may mas malaking nakahadlang upang ito ay maisakatuparan.
Hindi rin nagtagal, bumukas ang puting pintuan ng silid, iniluwa nito ang lalaking si Alfred. Mayroon siyang bitbit na dalawang baso ng kape, at isang paper bag na naglalaman ng mainit na pandesal.
“Kape po tayo, lola Sita,” ang nakangiting alok niya sa matanda. Kinakailangan lamang niyang panatilihin ang pagngiti kahit pagod na at puyat dahil hindi magandang tignan kung pagtutugmain mo ang nararamdam ng iyong puso at ng ekspresyo ng iyong mukha. Ibinaba niya ang mga bitbit niya sa lamesa. Binukasan ang mga ito at inabot kay Sita ang isang basong naglalaman ng inuming tutulong upang tumibay ng kanilang loob at magising ang kanilang diwa.
“Nag-abala ka pa, iho.” Inabot ito ng matanda at naupo naman si Alfred sa upuang nakaharap sa kaniya. “Hindi ka pa ba uuwi sa inyo? May trabaho ka pa bukas, hindi ba? Hindi ka pa rin nakakapagpahinga, baka naman ikaw na ang magkasakit niyan sa susunod.”
Humigop ng kape ang binata bago sagutin ang tanong ng matanda. “Baka po magpahinga muna ako sa pagpalaot. Madalang na po ang mga huli. Nadagdagan po kasi ang mga naglalayag nitong mga nakaraan,” ang sagot ni Alfred. Gawa-gawa lamang niya ang dahilan na ito dahil ayaw niyang iwan ang matanda na nag-iisang nagbabantay sa kaniyang kaibigan. Mas magandang pakinggan kung dahilan ay pulidong sinulsihan.
“Wala na akong naging balita sa panginigsda simula nang pumanaw ang lolo ni Monie…” ang wika ni Sita. “Eh minsan ayon, naririnig ko lang kayong dalawa ni Monie sa tuwing nagku-kuwentuhan.”
“Pero sipag at tiyaga lang din po talaga ang siyang puhunan para sa uri ng trabahong mayroon ako,” ang saad ng binata. “Hangga’t may dagat naman po at habang may isda, sigurado pong may trabaho, hindi nga lang po araw-araw ay pasko kaya’t may araw na matumal at hindi laging jackpot.”
“Alam mo, may iba ka ring obligasyon sa buhay. Hindi mo obligasyon na bantayan kami ng apo ako pero tatanawin kong habang buhay na utang na loob ang lahat ng kabutihang ginagawa mo sa amin, hindi lang ito ngayon.”
Mas malalim ang tama ng pasasalamat kapag sa matatanda mo ito narinig na nanggaling.
“Gusto ko naman po ang ginagawa ko lola, hindi po utang na loob iyon.” Ngumiti ang binata at saka hinati sa dalawa ang malambot na pandesal at saka ito sinawsaw sa mainit na kape. Totoo ang sinabi ni Alfred, kailan man, hindi dapat tumatanggap ng kapalit ang utang na loob, ito ay kusa mong binigay sa tao. Kung may balik man, magpasalamat at maging masaya, kung wala naman, makuntento at patuloy na magbigay ng tulong.
“Natutuwa ako sa iyo Alfred at nagpapasalamat sa panginoon, kahit lumaki ka nang walang magulang at walang naggagabay sa iyo ay hindi naligaw ang iyong sarili sa tamang landas na kailangan tahakin. Lumaki ka ng may sariling disposisyon sa buhay. Naniniwala ako na kahit saan ka marating, hinding-hindi magsasawa ang panginoon na bigyan ka ng pagpapala,” ang mga matatalinhagang salita ni Sita sa binata.
Matapos ang pag-uusap ng dalawa, binalot ng katahimikan ang paligid habang nilalasap nila ang init ng kape na tutulong upang muling mabuhay ang patulog na nilang diwa.
“Maaari po kayong umiglip saglit, lola. Ako na po ang bahalang magbantay kay Monie.” Napansin ni Alfred na tila napapapikip na ang matanda. Hindi na tumalab pa ang enerhiya ng kape rito.
Makatutulog pa kaya ang matanda gayong katatapos lang nilang magkape? Hindi ba mas nakagigising ito ng diwa? Baka ganoon lang talaga ang eyes niya? Puppy eyes, joke.
“Alfred, pala-biro ka rin pala. Kung gusto mo pala akong patuluging bata ka, dapat ay hindi mo nalang ako pinagkape. Napansin mo sigurong napapapikit na ako, no? Ganito lang talaga ang mata ng lola Sita mo.” Nakuha pang magbiro ng matanda. Dito na siguro nakuha ni Monie ang pagiging masiyahin niya sa buhay.
“Parang kasalanan ko pa ho, lola?” Nakisabay si Alfred sa kulay na gustong ibahagi ni Sita sa puntong ito. Pabiro ang pagkakabigkas at mababakas pa rin ang lubusang paggalang.
“Minsan.” Natawa si Alfred sa naging sagot ng kaniyang lola.
“Patawad na po, lola. Huling kape na natin iyan dito dahil po bukas ay gigising na si Monie.”
Muling bumukas ang pinto ng kuwarto, pumasok dito ang isang doctor.
“Magandang gabi. Maaari ko ho bang makausap ang pamilya ng pasyente?” ang seryosong wika nito.
“Ano ho iyon, doc?” ang kinakabahang tanong ni Sita.
“Nay, alam niyo naman po siguro kung ano ang kalagayan ng apo niyo? Kasalukuyan po siyang walang kamalayan sa mga nangyayari sa paligid niya. May mga nakita ko kami na mga brain fractures sa ulo niya dulot ng pagkaka-aksidente.” Pinakita ng doctor ang resulta ng test ni Monie. Hindi man nila maintindihan ang nakasulat dito gayunpaman, malaking tinik ang dumaon sa dibdib nila nang marinig ang sinabi ng doctor.
“Tatapatin ko na po kayo hanggang mas maaga, hindi po namin alam kung hanggang kailan tatagal ang kalagayan ng apo niyo. Sasabihin ko na rin po sa inyo na malaking pera po ang kinakailangan upang sustentuhan ang mga gamot na kailangan ng apo niyo. Nay, kakayahan ho ba kayong bayaran ang expenses dito sa private room? Or ita-transfer namin kayo sa ward? Kahit na ganito, huwag po tayong mawalan ng pag-aga dahil gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya,” ang mahabang paliwanag ng doktor.
Sa puntong ito, sinampal ng katotohanan si Sita. Mas lalong nagpabigat sa kaniyang pasanin ang inani ng doktor. Mahirap maging mahirap. Mahirap sila at sa lahat ng pagkakataon, they have no rights to access to a good healthcare system in the country. Ang mahirap, maghihirap hanggang sa huling pintig ng kanilang pulso, patuloy silang makapagkakaitan ng mga pribelehiyo dahil hindi sila ang tunay na prayoridad ng gobyerno--- paghihirap, pagdurusa at kaguluhan, ito ang pangunahing dulot ng mga ganid at kurakot na nakaupo sa pamahalaan.
Masasabi mo talaga, democracy takes as an advantage by greedy politicians. They will not literary prioritize education for the profoundest reason, bobo lang ang boboto sa kapwa niya bobo. If educational system in the country is excellent, at pro-masses ang mga government programs, maraming makakapag-aral, mabubuksan ang kanilang isipan sa mga maling ginagawa ng mga tawaling ito, sa puntong ito, mababawasan ang mga boboto sa kanila.
May posibilidad ka pang makaligtas ngunit dahil sa mahirap ka, huwag ka nang umasang mabubuhay ka pa kapag tinamaan ka ng sakit na magastos- ito ang realidad na paulit-ulit isasampal sa iyo kahit na saang panig ka man ng mundo. Nakalulungkot, basic rights turned into luxuries that merely rich can afford.
Frederick
“WHAT happened to that stained blood in your car?”
Fuvk! This is what I thought. She’s standing right after when you open the door of our gate.
“I don’t know. Maybe, just street animals na pagala-gala sa gabi,” ang dahilan ko. I really can’t recall what happened. I chose to forget that. I do not want to engage in trouble. Ano ba kasing ginagawa ng baklang wala sa sarili sa daang madilim? I think he’s out of his mind. Sinira niya pa ang gabi ko which is to be enjoyed.
“You know what happened, Fred! Clean it up yourself!” ang sabi ni mom. She raised, it’s imparting that she’s serious. I can see that she’s afraid when dad gets to see this one. I know, she’s just concerned about my being.
“Okay fine,” ang pagsunod ko. I love her kahit pasaway ako. Ayaw kong makita na malulungkot si mommy kapag nagtatalo sila ni dad sa tuwing nakakagawa ako ng mga pasaway na aksyon. You can do it, Fred, clean it up na tapos maligo ka na rin to wash your f-cking hot body.
“Go inside after you are done cleaning your mess. Magpahinga ka na. You have scheduled for trainings. You must learn to prioritize your things.” Tumalikod siya at pumasok na sa loob ng mansion.
I don’t know what time it is right now. Maybe, mag-umaga na? 1 AM or what? Pumunta na ako sa parking area. Umupo ako sandali dahil biglang kumirot ang sintido ko. Marahil dahil ito sa pinaghalong puyat at disappointments.
“Sir Fred, bakit nandito kayo sir?” Narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Si Pizzaro, ang family driver namin. He was my driver before but hindi na ngayon dahil kaya ko nang mag-drive, driver nalang siya ni mom.
“Bakit gising ka pa boss?” ang tanong ko sa kaniya habang hinihilot ang sintido ko. I call him boss dahil siya ang nagturo sa akin to drive. Mahusay siyang mag-drive ng kahit anong sasakyan. Hindi naman sila mayaman, experience ang nagturo sa kaniya na matutong mag-drive ng mga sasakyan ng mga mayayaman, base lang sa kuwento niya sa akin.
“Hindi pa nagre-reply girlfriend ko, sir. Galit ata sa akin, hindi ko kasi pina-score noong huling nagkita kami.”
Gago! Ang babaw ng dahilan ni boss. Napatawa nalang ako at sinuntok siya sa hita niya.
“Huwag kang magpapa-apekto sa babae, boss. Ang dami-rami diyan sa paligid. Ilan ba gusto mo? Ikukuha kita ng tatlo gabi-gabi,” ang tumatawa kong sabi.
“Sigurado ba iyan, sir? Hindi na ako tatanggi kaso baka umasa lang ako?”
Ay, gagi? Did he take it seriously?
“Sige, deal! Basta linisan mo ang car ko? Nakabundol ako kanina ng pusa kaya may mga shed ng blood sa gawing left part.” Good idea, Fred! Ang talino mo talaga! Ngayon, ang gagawin mo nalang ay matulog at magpahinga na.
“Parte ‘yan ng trabaho ko, sir kaya hindi mo na ako kailangan na utusan pa, pero iyong pangako ay pangako kahit na anong mangyari?”
Sabagay, tama naman siya, parte ng trabaho niya ang paglilinis ng mga sasakayan namin ang kaso nga lang, mom wanted me to clean my mess by myself.
“Don’t worry, I still give you, girls. Tell me when you will need them, ha?” Nahihiya pang sumagot ang loko akala mong virgin, e. Baka nawala na sa isipan niya na nahuli ko siyang may ka-s$x before sa kanilang head quarter, threesome pa nga. Ang tindi niyang umatake, tila isang leon na hayok na hayok sa mga laman na kaniyang nilalantakan ng mga oras na iyon.
“Kaya mo na ba ang foursome ngayon, boss?” ang nakangisi kong tanong sa kaniya. Ang loko ko ngayong gabi. Natatawa nalang ako sa sarili ko. I chose to make myself happy kaysa malungkot ngayon kasi hindi ako nakapag-party. Nawala na rin ng pagkirot ng sintindo ko dahil kay boss. Magaan kasi siyang kausap simula nung bata pa ako. Huling-huli niya ang ugali ko kaya’t lagi kaming nagkakabiruan.
Kumamot siya ng ulo niya, at ngumisi. May itsura rin si boss kaya hindi na nakakapagtaka, marami rin ang nabibingwit niyang babae kagaya ko. Mana sa akin e. Tsk.
“Depende sa sitwasyon, sir. Siguro isagad na natin ng lima kami? Threesome pa lang nakakaya ko pero bukas naman ako ng mga posibilidad at explorasyon basta ikasasaya ni Manoy,” ang sagot niya at kumindat pa ang mokong.
“Tindi mo, boss!” Tumayo ako sa pagkaka-upo. “Palinis nalang po?” Tumango siya sa akin. “Bukas may apat na babae ka sa akin bilang pabuya. Matulog ng mahimbig nang may lakas upang humalinghing.” Mahina akong natawa at saka sinabayan ng pagsuntok sa braso niya bilang pagpapaalam.
“Oh saraaap, tames!”
Loko!