Chapter 8: Planned Invasion

2166 Words
Planetang Bombarya “ANG matagal na panahong paghihintay ay dumating na sa katapusan. Ito na ang oras upang buhayin, maghari ang ating panginoon- Viva Hazarda! Pumalakpak at pumadyak kung kayo ay masaya! Ha-ha!” Nagtipon-tipon ang kampon ng kadaliman sa kalawakan, sila ay namamalagi sa planetang tinatawag na Bombarya. Every letter has a corresponding meaning according to their specifics. B- urnik, O- toko, M-akati, B- ugilan, A-ttack, R- eto, iyong pogi, ah?, Y- akapin mo ako, A- sim, kilig. Charot lang ito, syempre! Si Hazarda, siya ang nagpasimula ng Planetang Bombarya. Nagpalaganap siya ng lason sa buong kalawakan. Lahat ng mga sakim, at humihiling ng ganid na kapangyarihan ay umanib sa kampo nila, at napasailalim sa kapangyarihan niya. Ang mahigpit nilang kalaban na pilit pumipigil sa kanilang sakim na hangarin ay ang mga nilalang sa Bunawa, sila ang mga mandirigma sa kalawakan. “Limpak na dugo ng mga baklang mortal ang kailangan ng ating panginoon upang siya ay mabuhay. Dugo ang nararapat nating makuha upang matupad ang paghaharing inaasam nating makamtan. WAHAHA!” Malakas ang tiwalang pumupuno sa kanilang dibdib. Ang buong akala nila, ganoon lang kadali para sa kanila na maisakatuparan ang kanilang misyon. Lingid sa kanilang kaalaman, isang pagsubok din ang naghihintay sa kanila sa mundo ng mga tao, ang pagsubok na ito ang hahadlang sa kanilang mga plano. Mabuti na sa mga oras na ito, magpakasaya na sila hangga’t maaari, kanila nang lubus-lubusin ang sandali. “Excitrued na aketchiwa konitchiwa maka-keeta ng mga tunay na fah-fah!” ang bulong ng isang gusgos bulahos na baklang mukhang inaagnas na anay ang itsura, gayundin ay may amoy bagong na nabulok at inuuod. “Me too maymi--- same thought. The first thing I’ll do there is to obtain white spermie cells of my fafa bois. You know, I have forecasted that they are so godly handsome and I can’t wait na nga, ih! Gusto mo umalis na tayo, ngayon? Sasapakin ko nalang lahat ng aangal! Tumba lahat!” Narinig naman siya ng nilalang na amoy putok dahil natuyuan ng pawis, nagpolbo, at nag-cologne kaya iyan. Pinutok for Leynie! “Very goodie mima kong lima ang keepyas! Pa-touch ako sa isa later, ha?” “Sure-sure! Basta’t gumet ka ng flagpole nek? Then ay ijurot mo ng todo hangga’t pakanta akis ng nashugi nang dahil sa inyez?!” ang wika nito na tila kinikiliti siya ng tatlong lalaki na wala sa tamang pag-iisip. “Kasing haba ng flag pole ng national hero ng mga pinoy na si Jose Rizal sa Luneta Park?” ang tanong ng nilang halimaw. Hindi pa siya nakuntento at may padagdag pa, kinabog niya ito ng sobrang lakas. Kung susumahin, kung ginawa niya ito sa tao, baka nadurog na ang mga kalamnan nito sa katawan. “Mas bet ko mima iyong Eifel tower ng Dubai!” Tumama siya sa katabi niya dahil sa lakas ng pagkakakampas ng kausap niya. “Bobo ka, talaga! Nakapag-aral ka ba? Daming excellent university sa ating bansa pinili mo lang talagang maging less no? Sa Paris iyon. Minsan try mong mag-invest sa cognitive development, ha? Hindi sa puro susuhan! Salot ka sa planetang ito!” Dahil sa lakas ng pag-uusap nila at mga pisikal na harutan hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng mga nakatataas ang kanilang daldalan kaya’t maghintay sila ng nararapat na parusang nakahandang ipataw sa kanila. “Hoy, Fakerelie at Vidyacolie dahil sa kaingayan niyo kayo ang gagawin kong leader ng mga aklang halimaw na sasalakay sa Earth for tuyiz vidyow. Kayo munang two ang mauuna roon at may two pang susunod, kuha niyo?” ang siyang mensahe ng itim na anino. Hindi man direktang makita ang wangis nito gayunpaman, ang napakalaki at boong-buo niyang boses ang naghahayag ng matinding kapangyarihang matagal na niyang tinataglay. “I-gie, tweetah! Blessing din talaga ang kaingayan ko. I am beyond thankful for this ability. In all fairness, leader ‘yarn ng mga halimaw? Dream starts to align sa ating mga paths! Very excited na akis na maka-hawak ng daks na notalya evaaa!” Lubhang kasiyahan ang dinulot sa kaniya ng narinig mula sa anino, ambis na kabahan at matakot sa misyon ay pagkasabik ang lumamon sa kaniya handog nang mayamang imahinasyon. “Ackkk. Ang bait talaga ng dark forces sa universe. They heard our wishes. Ngayon ito na. Ipatapon niyo na po kaya kami ngayon din!” Ang nagtatalon naman na wika ng isa. Lumuhod pa siya at nagpasalamat sa binanggit niya kaninang dark forces daw. “Bruhaaah! Umayos na kayo, ita-transform ko na kayo bilang reyna ng mga engkanteez, bet niyo iyorns? Huwag niyo kaming dadalhin sa kabiguan dahil mako-krompal kayo ng siyam!” “Ahtrueee, Lordie!” “I pledge to bring honor and pride to this planet. Let Hazarda live again!” At ang lahat ng nilalang ay inulit ng ilang beses ang sinabi ng halimaw. “Let Hazarda live again! Let Hazarda live again!” “SIGURADO na po kayo sa desisyon niyo lola?” ang tanong ng Doktor kay Sita. Balak na ng matanda na ilabas ang apo mula sa hospital. Buo na ang desisyon niya at hindi na ito mapipigilan pa. Isang lingo na ang lumipas ngunit wala pa ring nakikitang pagbabago sa kondisyon ni Monie. Kung ano ang kalagayan nito nung unang araw ay ganito pa rin ito hanggang ngayon. Isang linggo lang din ang suportang pinansyal na kayang ibigay ng kanilang punong bayan, kapag lumagpas na sila sa nakalaang panahon, ang ibang gastusin ay hindi na sagot pa ng tanggapan ng Alkalde. Marami rin ang nangangailangan ng tulong at hindi sila. Hindi man buo sa loob ni Sita ang gagawin niyang desisyon ngunit wala na siyang magagawa pa. Hindi na niya kaya pang ipagamot ang apo dahil siya ay nangangailangan din ng gamot na hindi maaaring hindi siya iinom dahil ito ay maintenance na. “Dok, ano pong ginagawa niyo kay Monie?” ang gulat na tanong ni Alfred na ngayon ay kadarating lang sa hospital, dumaraan siya rito parati bago tumungo sa kaniyang trabaho. Wala siyang alam ngayon sa mga nangyayari, at naghahari ang kalituhan sa kaniyang isip. Hindi sumagot ang mga health workers at patuloy lang sila sa pagtanggal ng isang parato kay Monie dahil hindi na ito kailangan ng pasenyte. Tumingin siya kay Sita. Nakita niya ang matanda na humihikbi. “Lola? Ano pong nangyari kay Monie?” kinakabahang tanong niya. Sana lang ay hindi tama kung ano ang iniisip mo Alfred. Hindi ko kakayanin na mawalan ng mabait na kaibigang katulad ni Monie. “I-uwi ko na siya sa bahay, Alfred. Wala akong ipangtutustos sa kaniya. Tapos na ang isang linggo palugid ni Mayor. Sa bahay ko nalang hihintayin na magising ang apo ko,” ang nakakaawang sagot ng matanda. Gumaan ang nararamdaman ni Alfred nang mapagtantong buhay pa ang kaibigan niya. May ibang dahilan kung bakit nagaganap ngayon ang kasalukuyang nakikita niya. Ngunit hindi siya sang-ayon sa kung ano ang kaniyang narinig. Sa isip niya, baka mas lalo lang lumala ang kondisyon ng kaniyang kaibigan kapag hindi nabigyan ng sapat na atensyong medikal. “Dok, hindi ho ba makasasama sa pasyente kung hindi siya matutukan dito mismo sa loob ng Hospital?” ang tanong niya sa Doktor. Mas nakababawas ng bigat sa dibdib kung ano paliwanag na kaniyang maririnig mula sa doktor ay tunay na kaaya-aya. “Buo na po ang desisyon ni lola, Sir. Siya po ang kaanak, siya po ang masusunod, sir.” Hindi siya sinagot ng doctor sa mismong tanong niya. Dito napagtanto ng binata na alam na niya ang sagot sa tanong niya, hindi na kailangan direkta pang sabihin ng doktor upang tapalan ang kirot sa kaniyang dibdib. “Lola, hayaan pa po natin si Monie dito ng isang Linggo, tutulungan ko po kayo sa gastusin, pipilitin ko pong makahanap ng sapat na salapi huwag lamang po kayong mag-intindi. Ako na po ang gagawa ng paraan. Ito nalang po ang tanging hiling ko sa inyo.” “Hindi na, Alfred. Sobra na ang naitulong mo. May sarili ka ring buhay at kailangan mo ng perang pinaghirapan mo. Sabi ko nga sa iyo na hindi mo kami obligasyon na tulungan. Isang linggo na tayo rito pero wala namang nagbabago sa kalagayan ng apo ko. Baka sa bahay ay magkaroon pa ng himala.” Mapapansin na naawa rin ang mga nurse sa kalagayan ng matanda, ngunit wala ring magawa ang mga ito dahil empleyado lang sila na sumasahod ng kakarampot. Gusto man nilang tumulong ngunit hindi ito sasapat para sa magiging bill sa hospital ni Monie. Sa isang linggong nasa Hospital si Monie, unting-unti nang natanggap ni Sita kung ano man ang sasapiting kapalaran ng kaniyang apo. Ipagsasa-Diyos niya nalang ang lahat ngunit hindi siya mapapagod na gawin ang mga bagay na kaya niya na makatutulong sa kaniyang apo. “Kung magtatagal lang tayo dito, Alfred. Tataas lang nang tataas ang bill, kahit siguro kaapo-apuhan mo ay nagbabayad pa rin sila.” Naging matigas ang loob ni Sita. Kahit anong pilit ni Alfred sa pag-aalok ng tulong ay hindi ito namayani. Buo na ang dedesisyon niya na alagaan ang kaniyang apo sa kanilang kubo. Matapos matanggal ang mga aparato sa katawan ni Monie, sinakay siya sa Municipal Service upang ihatid sila sa kanilang kubo. Frederick “YOUR assigned military instructor messaged me that you are doing well at the camp,” my dad stated after slicing that grilled pork he ordered. We’re having family dinner here at one of the finest restaurants in the city. I guess, this night is something to be treasured since this is my first time hearing good words from dad since I took a different path and did not take AB Political Science or BS in Public Administration. Saying this multiple times, he pushed me to become a public servant like him. You can see mom’s expression, she is very proud of me. She’s the one who always stands up for my welfare, for what is best for me but what I feel right now is manifested through her heartfelt genuine smile. I witness her right hand tapping my dad’s back. “Thanks, Dad. I promise to do more, to be more.” As they say, actions are more powerful than words, but the combination of the two is unbeatable. You are doing your set plans and then manifesting good energy to attract better your dream destination. “Don’t promise something, commit on achieving great things,” nakangiti nitong wika. We toasted a wine. Then, he speaks again, “I’ve heard the news about what happened to Sitio Lethargic Lane, may naaksidente nung nakaraang linggo, may natanggap kaming liham sa opisina namin.” Sitio Lethargic Lane? Shet! Ayon ba iyong daan kung saan may nabunggo akong tae? Tao pala, gagi. So, nakarating pa pala ang balitang ito sa office ni dad? Therefore, that person truly exists in the world. “What happened to that person?” ang tanong ni mom kay dad. Hindi ko dapat ipahalata na may alam ako sa nangyari. Hindi ko naman sinadya iyon at isa pa, I do not have guts to help him on his bad condition. He had fault too, may normal pedestrian lane but chose to walk there. He chose his fate. Wala na akong magagawa roon. “As stated in the letter, that person is in a coma.” F*ck, Alfred! Huwag ka sanang pahirapan ng konsensya mo dahil sa ginawa mo. You should have helped him. Hindi marahil naging ganito kalala ang sitwasyon. Sana, sana lang talaga ay hindi ko na ito maulit pa. My mind tries to debate me with topics about morality. Did it think that I’ll be in a dilemma because of this? No, not this time! Tinungga ko ang wine ko, at hinayaan ko nalang na mag-usap silang dalawa ni dad. “Nagpadala na kami ng tulong sa Pamilya. Nakakaawa, dalawa nalang sila ng lola niya. Wala nang other source of income, iyong apo nalang ang inaasahan at nagkaganoon pa. Marami rin ang humingi ng tulong sa opisina. Hindi maaari na siya lang ang pagtutuunan ng pansin.” “Your job puts a lot of burdens on your shoulder that are not any more yours to carry, hon. When will you give up your position? Your focus stays on us?” ang tanong ni mom kay dad. I cannot sometimes understand dad, too. We do not need money anymore. Our family is financially secured since my Lola passed on him all his properties. Ang dami-rami niya tuloy obligations. Wala na siyang enough time para sa amin since I was a kid. “Alam mo naman na ito ang gusto ko, ang tumulong sa mga tao. Ang nakalulungkot lang sa parte ng pagsisilbi, kapag hindi mo matulungan lahat ng humihingi ng tulong sa iyo. I will give up on being a public servant kung ready na si Alfred to take my position.” The last line he said is more shivering than his news. Never, Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD