Lumipas pa ang mga araw at naging buwan ay halos malapit nang matapos ang pagpapagawa sa bahay. Marami rin akong nasagap na chismis mula sa aming mga kapitbahay tungkol sa pagpapaayos nito. Madalas naririnig ko sa kanila na gold digger daw ako. Minsan naman naririnig ko rin sa kanila na kaya ipinagawa ang bahay ay dahil ibenenta ko na raw ang aking puri. Minsan parang gusto ko na silang patulan dahil sumusobra na sila sa mga maling paratang nila sa akin. Kaya lang pinipigilan ako ni Dexter na 'wag ko na lang patulan dahil wala namang katotohanan ang mga pinagsasabi nila at sayang lang ang laway at oras sa mga taong walang magawa sa buhay. Kasalukuyang nasa labas kami ng bahay ni Myrna dahil tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga halaman niya. At isa pa ay linggo ngayon at wala akong p

