Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nagkaintindihan na rin kaming dalawa. Umuwi na rin ito sa condo unit niya ng gabing iyon dahil hindi ako pumayag na dito siya matutulog sa bahay, lalo na at wala siyang matutulugan dito. Kaya lang ay may isa siyang kondisyon sa akin, papayag lamang siya na umuwi kapag doon ako pansamantalang matutulog kasama ng mga kapatid ko sa bahay ni Myrna habang hindi pa naaayos ang bahay. Natuwa naman si Myrna sa naging pasya ko lalo na at matagal niya nang sinasabi sa akin iyon na doon na lang kami tumira sa bahay niya. "Akala ko ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo na doon matulog sa bahay niyo," ani Myrna habang tinutulungan ko siyang magsarado ng kaniyang tindahan. "Hindi na. Talo ako sa inyong dalawa, eh," natatawa kong sambit. "Dapat lang. Pero ala

