Muli niyang tinawagan ang numerong ginamit ng kaniyang ina, pero hindi na ito makontak. Huminto siya sa gilid ng daan upang tawagan ulit ang numerong iyon pero naka-ilang dial na siya ngunit out coverage area na ito. Naging palaisipan tuloy sa kaniya ang sinabi nitong surpresa. Ano kayang surpresa iyon? Muli niyang idinial ang numero na iyon ngunit bago pa man niya pindutin ang call button ay biglang tumawag ito. At nagtaka siya dahil ibang boses ang narinig niya. "Dexter, I know you've been waiting for my call, right?" Kumunot ang kaniyang noo dahil ang buong akala niya ay ang kaniyang ina-inahan, kung kaya't muli niyang tiningnan ang numerong iyon sa screen ng kaniyang cellphone. "Did I surprise you?" Tumawa ito. "Oh, come on, Dexter, I'd love to see this girl suffer." Nang s

