Habang naiwan silang dalawa ng kaniyang ama sa parking area ay siya namang pagdating ni Melissa, sakay ng sasakyan nito. Nang makita ni Melissa ang mag-ama ay agad na itinigil niya ang kaniyang sasakyan at bumaba rito. "What happened here?" tanong niya sa mga ito lalo na nang makita niyang bahagyang pumutok ang labi ni Dexter. "Who did this to you?" Hindi umimik si Dexter dito at tinabig pa nito ang kamay ni Melissa na gustong hawakan ang kaniyang labi. "What's wrong with you?" "It's none of your business." "Really, Dexter? Alalahanin mo kapag hindi ka tumupad sa usapan, mawawala ang kompanyang ito sa inyo." "I don't care!" Sumakay si Dexter sa kaniyang sasakyan, ngunit bago pa man niya maisarado ang pinto ay pinigilan ito ni Melissa. "Why are you doing this, Dexter?" "Hindi mo b

