Matalim ang bawat titig nito sa akin at tila puno ng pagnanasa ang kaniyang mga mata. Lumapit ito sa akin at walang kaabog-abog na sinakop nito ang aking mga labi. Pilit kong inilayo sa kaniya ang mga labi ko dahil hindi ko nagustuhan ang ikinikilos niya, ngunit pilit niya pa rin akong hinahalikan. Dahil sa inis ko ay nasampal ko ito. "Ano ba!?" sigaw ko rito. Mabuti na lang at umuulan pa rin kaya naman hindi maririnig sa labas ang malakas kong sigaw. At sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtaasan ko ito ng boses pero hindi ko iyon pinagsisihan. Bigla naman ako nitong binitiwan. "Sorry, babe. Na carried away lang ako." "Carried away?" mahina akong napatawa. "Ang sabihin mo baka ginawa niyo na 'yan ng kasama mo kaya gusto mo ring gawin sa akin." Lumakas ang kabog ng dibdib habang sin

