Kinuha nito ang kamay ko at isinuot niya ang isang singsing sa palasingsingang daliri ko, habang nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya na walang imik. Samo't saring emosyon ang aking nararamdaman habang isinusuot niya ang singsing sa daliri ko. Magkahalong tuwa at saya dahil sa kabila ng pakikipaghiwalay ko sa kaniya ay mas lalo pa itong nag-effort. Hindi ko alam kung tama pa bang ituloy pa namin ang aming relasyon, kahit hadlang ang mga magulang nito? Hanggang sa mga oras na ito ay halos hindi pa rin mai-proseso ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko ay naumid ang dila ko dahil hindi ko maapuhap ang sasabihin ko rito. Nakatingin lamang ako sa kaniya. "Looks good on you." Saka lamang ako nahimasmasan ng magsalita ito. "Ano ang ibig sabihin nito?" tila nalilito ko

