Taken Away

1320 Words
Nang nag-anunsyo na paalis na ang barko, mahigpit na yumakap si Eve kay Nick. "Ma-mimiss kita," bulong niya habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Hinaplos ni Nick ang buhok niya, pinipilit itago ang lungkot sa mga mata. "Sandali lang ako. Pagbalik ko, aalis tayo rito. Pangako." Hindi naman siya magtatagal sa Cebu, mga dalawang araw lang naman pero pakiramdam niya ang hirap umalis nang hindi kasama si Eve. Ilang sandali pa'y tinawag na ang mga pasahero ng barko. Kinailangan na niyang magpaalam. Dumampi ang labi ni Nick sa noo ni Eve, mariin. "Aalis na ako," aniya. "Sige love. Mag-iingat ka," sagot ni Eve, pilit pinipigilang pumatak ang mga luha. Muling nagyakap ang dalawa bago siya tuluyang sumakay sa barko. Nanatili si Eve sa pier hanggang sa mawala si Nick sa paningin. Pinanghahawakan ni Eve ang pag-asa sa kaniyang puso na balang araw ay magiging malaya din silang magmamahalan. Naglalakad si Eve pauwi. Hindi niya namalayan ang dalawang aninong matagal nang nakamasid sa kanya mula sa di kalayuan. Pagliko niya sa isang masikip na eskinita malapit sa palengke, bigla siyang hinablot mula sa likuran. "Anong—!" sigaw niya, ngunit agad tinakpan ang bibig niya ng isang panyo. Nagpupumiglas siya sa abot ng kanyang makakaya kaso malalakas ang dalawang lalaking sumunggab sa kanya. Hindi niya namukhaan ang mga ito dahil naka-bonnet. Nalanghap niya ang amoy kemikal. Unti-unti siyang nanlambot hangang sa mawalan ng malay at hindi na nakapanlaban pa. Pilit siyang inakay palayo sa mga mata ng tao, papunta sa isang abandonadong bodega. Mga ilang oras ang lumipas, nagising si Eve. Luminga-linga sa paligid at hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Nakaramdam siya ng matinding takot. Sino ang kaya ang taong nasa likod ng pagdukot sa kaniya? Pilit siyang kumawala sa pagkakatali pero sadyang matibay ng pagkakatali nito. Sa ginawa niyang iyon, napansin siya tuloy ng mga bandido. "S-sino kayo? Bakit niyo dinala rito?" wika niya na tila kakapusin ng hininga dahil sa takot. "Tahimik ka lang kung ayaw mong masaktan," bulong ng isa sa kanya sabay hawak sa baba niya. Pilit na tumutol si Eve sa ginagawa ng mamá. "Aba! Aba! Aba! Matapang ang isang 'to. Palaban. Gusto ko 'yan." "Ang ganda nito. Siguradong masarap na ulam 'to," ani naman ng isa. Lumalapit ito sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. Tila may pagnanasa sa kanya. Pakiramdam ni Eve katapusan na niya. Nagsimulang humagulgol si Eve, nanginginig ang buong katawan niya. Tinatawag niya si Nick sa isip pero naalala niya, nasa laot ito patungong Cebu. Nanalangin siya na makatakas sa panganib na 'to pero sino ang magliligtas sa kanya? Isa sa mga bandido ang sumingit. "Hoy, tama na 'yan. Hindi ba pera lang ang habol natin? 'Wag na tayong gumawa ng ibang gulo. Akala ko ba tatakutin lang natin," madiing sabi nito. Sibukan nitong pilit pakalmahin ang mga kasama. "Sus! Mahina ka talaga," irap ng isang mamá. Nagtagumpay naman ito at pansamantalang tumigil ang isa at lumayo kay Eve. Pagkuwa'y may dumating na isa pang lalaki. Nagusap-usap ang mga ito. Mukhang hindi magandang balita at nagtatalo ang mga ito. Hindi marinig eksakto ni Eve ang mga sinabi kasi dumistansya ang mga ito sa kanya. Samantalang ang nakabantay sa kanya ay yung lalaking pumalag sa ginawa ng dalawang kasuklam-suklam kanina. Lumapit ito nang pasimple at bumulong ito, "Pag nagkaroon ka ng pagkakataon, tumakbo ka." Nagulat si Eve sa narinig. Napatingin siya dito. Laking pasasalamat niya sa Diyos at may tao pang mabuti ang kalooban. Napaluha siya sa tuwa. "S-sal-" magpapasalamat sana siya ngunit sumabad ito agad. "Huwag kang maingay, kundi 'di ka makakauwing buhay!" Sabay sensyas nito na tumahimik. Naantindihan niya ang gustong mangyari ng lalaki kaya hindi na siya umalma pa. Pero laking pasasalamat niya pa rin dito. Bahagyang nasilayan ni Eve ang mukha ng lalaki — moreno ang balat, may hikaw sa kilay pero hindi naman mukhang nakakatakot. Mukhang hindi sanay sa ganitong krimen. Parang napilitan lamang. Hindi makapaniwala si Eve. Sa gitna ng mga panganib, nakahanap siya ng kakampi sa isang estranghero. Pasimpleng kinalagan si Eve. Sabay bulong nito, "Takbo ka pakaliwa. Sa dulo may bintana doon na bukas. Tumalon ka. Mababaw lang 'yon." Ilang minuto pa, sumigaw ang lalaki. "May nakapasok! May tumunog sa baba!" Nakuha nito ang atensyon ng mga nagtatalo-talo. "Ano?!" sigaw ng lider. Dali-dali ang mga ito na kumilos upang tingnan kung sino ang nakapasok. "Takbo!" Sigaw nito kay Eve. Kaya agarang kumilos si Eve. Wala na siyang inisip kundi ang makatakas. Kahit nanginginig ang tuhod, pinilit niyang tumakbo papunta sa tinuro ng lalaki. Hindi na siya lumingon pa. Ang nasaisip niya ay makatakas sa lugar ito. Nang mapagtanto ng lider ng bandido na niloko lang pala sila, nanggagalaiti ito galit. "Anak ng...Mendoza, habulin n'yo sila!!!" sigaw ng lider. Abot-abot ang kaba ni Eve. Mga halos isang minuto na siya tumatakbo pero wala saying nakikitang bintana. Humahagulgol siya habang tinatakbo ang pasilyo. Hindi man niya alam kung saan tutungo — basta't determinado siyang makalayo. Biglang may kamay na humila sa kanya papasok sa isang makitid na alley. "Shhh! Ako 'to," bulong ng binata, halos hindi humihinga. Napakapit si Eve sa kanya, nanginginig, umiiyak, punô ng takot at pagod. "Magtiwala ka sa'kin. Palalabasin kitang ligtas," dagdag pa nito, mahina ang boses pero matatag. Lalong lumakas ang t***k ng puso ni Eve — hindi na dahil sa takot, kundi dahil sa pag-asa. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kabaitan sa mga mata ng lalaki, sapat para magtiwala siya. Ngunit bago pa sila makagalaw palayo, isang putok ang umalingawngaw sa ere. Kinapa niya ang sarili pero mukhang wala namang siyang tama. Napalingon si Eve sa kasama. Mukhang wala rin namang tama. Sa wakas. Nakita na niya ang bintana. Nauna si Eve umakyat at tumalon. Sumunod naman ang lalaki. "Kailangan pa rin nating makalayo dito. Baka maabutan nila tayo," wika nito kay Eve habang humihingal. Gumapang sila at sumuot sa sirang bakod upang makalabas. "Kaya mo pa bang tumakbo?" tanong ng lalaki. Namumula ang tuhod ni Eve, gasgas ang braso, nanginginig pa rin sa pagod. Pero tumango siya. "K-kaya ko," bulong niya, bagamat halos mawalan na siya ng lakas. Nang makalabas sila sa bakuran, dumiretso sila sa isang malapad na kalsada. Pakiramdam niya'y bawat yabag ay panganib. Maya-maya, naramdaman niyang huminto ang binata. Pumihit ito, at tiningnan siya sa mata. "Teka, kailangan nating mag-iba ng direksyon baka masundan nila tayo," aniya. Hindi siya umimik. Basta't sumunod siya, pilit na nilalabanan ang takot at panginginig. Maya-maya, narating nila ang isang daan papuntang bayan. Tahimik ang paligid, tanging kaluskos ng mga tuyong dahon at malamig na ihip ng hangin ang maririnig. "Masusundan kaya nila tayo? Ligtas na kaya tayo?" pag-aalala ni Eve. "Hangga't wala pa tayo sa bayan, hindi ko pa masasabi," seryosong wika nito. Nag-aalala ito. Hindi nga lang tiyak kung kanino pero mababanaag sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Salamat," wika ni Eve na halos hindi siya narinig ang sariling boses. Napangiti ng kaunti ang binata. Bagamat halatang pagod din siya, hindi siya umaalis sa tabi ni Eve. "Pasensya na. Hindi kita agad natulungan kanina," aniya. Umiling si Eve. "Kung hindi dahil sa'yo... baka..." Hindi na niya itinuloy ang sinabi. Napaluha na lang siya. Tahimik lang ang lalaki. Hindi siya nagpilit magsalita pa. Dahil doon, lalo siyang nagtiwala. Lumipas pa ang ilang sandali bago muling nagsalita ang lalaki. "Ako nga pala si... Louie," maikli niyang sabi, halos pabulong, na parang hindi sanay ipakilala ang sarili. "Eve," mahina ring sagot ni Eve na pilit ngumingiti. "May kapatid din ako na kasing-edad mo. Hindi ko masikmura ang balak nila sa'yo kaya sinapanganib ko na ang buhay ko," taimtim na wika nito habang patuloy sila sa paglalakad. "Kaya kung anuman ang mangyari," naputol ang mga kasunod na sinabi nito dahil sa isang malakas na alingaw-ngaw ng putok ng baril. Nagulantang si Eve. Napatingin siya kay and Louie habang ganoon din si Louie sa kanya. Isa sa kanila ang natamaan ng putok ng baril. Sigurado iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD