Mabilis na lumipas ang bakasyon, bukas ay simula na ulit ng pagbalik sa klase. Kaya nandito ako ngayon sa kwarto at nag aayos ng gamit, natapos na akong magplantsa ng aking uniform. Ngayon ay nagbabasa basa naman ako sa aking mga notebook para review sa mga nakaraang pinag aralan. Minsan ay napapatanga parin ako dito sa wall ng room ko, di maiwasang humanga sa taong may gawa nito,
Mabait... Check
Gwapo... Check
Talentado... Check
Matangkad... Check
Napapangiti ako habang nag iisip..
Pero bakit single???? At the age of 21???hmmmm what wrong with him???
Kumatok si tita, pinatuloy ko sya.. Hindi po yan nakalock.. Tuloy po.
..Busy ka anak?
Hindi naman po, nagrereview lang baka may biglang itanong ang teacher regarding pass lessons..
Iiwan ko sana si Jay sayo sandali, may pupuntahan lang ako,
Okay po, walang problema..
Dito nlang muna kami ni Jay.. Saka na sya agd na bumaba, naiwan si Jay sa akin. Hindi naman na alagain gaano itong bata kasi 6 na sya ngayon, tinuruan ko na lamang ayang magbilang at magbasa. Naturuan ko na sya ng alphabet including sounds kaya madali ng ituro sa kanya ang magbasa ng CVC words. In less than an hour marunong na sya magbasa ng 3 letter words. Nakakabilang na din sya ng 1-10, good job. Pakita natin kay tita mamaya ha.. Opo sagot nya.. Maya maya nga ay dumating na si tita, masaya kami ni Jay na ipinakita sa kanya ang bagong natutunan nito. Tuwang tuwa naman ang mama nya na ngayon ay naghahanda na ng hapunan. Tumulong na rin ako.
Tita magtitinda na po ba tayo bukas?
Hindi muna, hintayin ko na ang sweldo ng uncle mo.
Nagalaw ko kasi ang pumunan natin.
"May pera pa po ako, baka kasya na po iyon pang puhunan?
Magkano po ba ang puhunan na kailangan natin?
Kahit 500 ay marami na ding mabibili.
Sabi nya,.
Agad akong umakyat at kumuha ng 600... Iniabot ko iyon sa kanya, salamat nak.. Babayaran kita kapag nakasahod si uncle mo.
Huwag na po, pero may gusto po akong ipakiusap sayo tita.
Pwede mo po ba akong payagan umuwi kay papa sa Sabado? Hindi sya dumating sa ipinangako nyang pagpunta dito noong nakaraang linggo. Nag aalala lang po ako,
Tumango sya,
Salamat po. Meron pa po akong 200 at alam kong sapat na yun, alam ko na din po ang sasakyan kaya hindi mo na po ako kailangang samahan. Okay sige. Pero pasasamahan kita kay Zandro, okay lang ba sayo? Naku tita.. Baka magalit po si papa.. Edi wag mo pasamahin hanggang bahay nyo, iwan mo sa babaan ng bus... Nakangiting sabi nibtita, hala edi magmamadali po ako, naku hayaan mo sya maghintay.. Kapag bumalik ka na wala na sya... Ibig sabihin ay nainip na... At hindi kayang maghintay, ganon po ba yun? Oo ganon yun sabi nmn nya..
Nagtawanan pa kami, parang ang sama ko naman po non hahaha
Oh sya, kain na tayo ng makatulog ka ng maaga. May pasok na bukas, ganon na nga ang ginawa namin.. Maagang kumain at maaga ring humiga,. Bigla ko naalala ang paghalik ko sa pisngi ni kuya Zandro. Yun ang huling araw na nagkita kami kasi hindi na ako lumabas dahil wala namang tinda, napapikit ako at kinikilig ng bahagya, hanggang sa tuluyan ng nakatulog.
Kinabukasan maaga akong pumasok, excited makita ang mga kaklase ko, pagdaan ko sa bintana nila kuya Zandro ay nakita kong nandoon sya, nakangiti at nag hi pa. Tumango ako tanda ng acknowledgement sa pagbati nya at patuloy na naglakad. Nang makarating ako malapit na sa gate ng school ay may biglang sumulpot na lalaki sa aking likuran, diosmio Jester ginulat mo naman ako eh,.
Good morning masayang bati nito. Good morning bati ko rin sa kanya, sabay kaming pumasok at umakyat sa room. Malinis ang classroom namin at mga upuan, siguro ay nilinis ito ni manong Janitor pagbasag ko sa katahimikan, hindi.. Sabi ni Jester.. Kahapon ay pumunta kami nila Josh dito at nagpaalam kami kay ma'am na maglilinis, pinahiram naman nya kami ng susi kaya nga nakabukas na ito eh, ako ang nagbukas kanina..umakyat kasi ako sa pag aakalang nandito ka na, pero dahil wala ka pa ay bumalik muna ako sa baba., ang aga mo ha.. May lagnat ka ba? Natatawang tanong ko sa kanya,.
Wala ahh... Namiss lang kita, kaya gusto ko makita ka ng mas maaga,.. Salamat nga pala..
Nagtaka naman ako,
Salamat saan?
Salamat kasi suot mo parin yan,
Sabay turo sa suot kong bracelet.
Ngumiti lang ako.
Oh eh kamusta naman ang bakasyon mo? Tanong nya,
Okay lang naman. Sa bahay lang, kain tulog hehehe
Ikaw, kamusta ang bakasyon mo? Pagbalik ko ng tanong sa kanya,
Umuwi kami sa bulacan, nandon kasi ang mga lola at lolo ko, 1week kami don, pagkakita mo sa akin nung nagsimba kayo ay paalis na kami. Nung sabado lang kami bumalik.
Wow! Galing kayo sa Bulacan.. Ang saya don nuh,.
Familiar ka sa Bulacan, tanong nya..
Oo naman, don ako lumaki eh.. Don ako galing bago ako nagtransfer dito.
Talaga? Anung area ka?
F sagot ko, jeep or tricycle nalang from sampol.. Ay malapit na pla kayo kila lolo, sa area H sila eh.. Ah medyo malayo pero parehong isang sakay lang yun from Sampol..
May mga kaibigan ako don sa area H. Mga kaklase ko din.
Sana pala ay sumbay ka samin,
Naku hindi pwede, hindi ako papayagan.. Alam mo naman.. Saka ko sya tinapunan ng isang malungkot na tingin. Naintindihan na nya yun kasi hindi naman lihim sa kanya ang sitwasyon ko. Naging kaibigan ko narin kasi si Jester. Isa na sya sa napagsasabihan ko ng sama ng loob, mabait naman kasi ito at hindi porket nanliligaw sya sa akin ay hindi ko na sya pwedeng maging kaibigan.
Napansin nyang nangingilid na ang luha sa aking mata, nilabas nya ang kanyang panyo at iniabot ito sa akin, uy... Wag kang umiyak.. Magiging okay din ang lahat.. Hinagod nya ng mainit nyang palad ang aking likuran, nakagaan iyon sa nararamdaman kong kalungkutan, bigla ko na kasing naalala ang bigat na di ko manlang nakasama si papa nitong nagdaang pasko at bagong taon, nang marinig ko n ang maingay parating na maiingay kong mga kaklase ay agad kong pinilit magmukahang normal at masaya, pinanusan ko ng panyo ni Jester ang mga mata. Salamat, senyas ko kay Jester na ngiti na lamang ang naging tugon dahil nandyan na rin ang mga barkada nya, happy birthday pre, wika ni Josh. Hala birthday nya ngayon, di ko manlang alam. Kanina ko pa syang kausap ni hindi ko manlang tuloy nabati.
Napuno ng ingay ang aming classroom hanggang sa dumating ang aming adviser. Nanahimik ang lahat, okay class review lang muna tayo today kasi sigurado nag enjoy lamang kayo sa inyong bakasyon at inamag na ang inyong mga notebook sa bag.. Natatawang wika ni Ma'am. Sino sa inyo ang nagreview? Itinaas ko ang aking kamay, di ko naman inaasahan na ako lang talaga ang nagtaas... Well as expected Ms. Montecarlo. Napa palakpak pa si ma'am. At least may isa. Natatawa nyang sabi,
Can you please stand... Sabi nya sa akin.. At tumayo naman ako agad, please give a review summary to your classmates to jug their minds. I stated all that I remember, after ko magsalita, sabi ni ma'am.. sabi ko summary lang eh,. Pero naka ngiti ito, good job Ms. Montecarlo, well done..
Nakita kong nakangiti si Jester at aktong pumapalakpak. Nginitian ko nalang din sya,.
2nd subject wala kaming teacher, nilapitan ko si Jester at tinapik sa balikat. Ui.agad naman syang lumingon.. Happy Birthday.. Nakangiti kong bati.. Sabi nya pwede ba, bati lang... Huwag ka ng ngumiti.. Parang sasabog yung puso ko sa saya eh,. Patawa ka talaga..
Regalo ko?? Sabi nya sakin..
Hala, alam mo namang ngayon ko lang nalaman eh..
Bukas nalang gift mo, pwede??
No! Today is my birthday so my gift has to be given today,
Ay hala patay... Sa isip ko, anung ibibigay ko sa mokong na to...
Joke lang sabi nya, ikaw naman hindi na mabiro.. Alam ko na kung anung gusto kong regalo.. Ano un?? Nagtatakang tanong ko.. Pwede bang dumaan ka sa bahay at kumain kahit saglit lang please... 15 minutes lang, okay na ako don..
Ay hala.. Baka hindi ako payagan, huwag kana munang umuwi... 15 minutes lang, promise... Nakataas pa ang kanyang kamay na animoy nangangako habang nagsasalita ito...
Tumango nalang ako.
Sana maaga Kaming palabasin sa aming last subject mamaya,.
Dumaan ang ilan pang subjects at panay review ang nangyari, after lunch we still have 2 more subjects. Pero ang teacher namin sa 2 subject ay parehong hindi pumasok. Niyaya ni Jester ang adviser namin na kumain sa kanila ng tanghalian dahil sa kaarawan nya, sinabi rin nito na wala na kaming teacher sa mga susunod na subject, kayapumayag si ma'am na ilabas kaming mga bibisita sa kaarawan ni Jester. 8 kaming student at si ma'am. Pasalamat ng pasalamat si Jester kay ma'am. Babalik na si ma'am sa klase at bilin nyang huwag kaming iinom ng alak at uuwi din sa tamang oras, may tiwala ako sa inyo guys kaya inilabas ko kaya, huwag sirain ang tiwala ko ha.. Opo ma'am... Yun lamang at tuluyan ng bumalik sa ma'am sa loob ng school na katapat lamang ng bahay ni Jester..
Ang iba naman naming kaibigan ay nagpaalam na magbibihis lang, ako hindi kasi kapag umuwi ako ay siguradong wala ng balikan at alam iyon ni Jester. Busy ang mama nya sa pagluluto sa kusina, dalawa lamang silang nakatira dito, solong anak si Jester at nasa ibang bansa ang kanyang ama. Naiwan kaming dalawa sa sala. Ash, thank you for coming.. You made my day complete just by being here... Sabi nya.. Naku pasalamat ka at wala tayong teacher, kasi kung meron baka 5 minutes lang ako dito. Naiintindihan nmn kita.. Nakangiting sagot nya. Salamat tugon ko.
May ibibigay pala ako sayo sabi ko sa kanya,
Ano yun? Basta halika.. May ibubulong ako sayo... Sabi ko.. Paglapit nya ay binigyan ko sya ng isang matamis na halik sa pisngi,. Nagulat sya... Napangiti naman ako.. Yan na yung regalo ko sayo ha.. Sabi ko, napahawak sya sa dibdib nya at ngumiti ng hanggang tenga.. Grabe ka.. Wala manlang warning.. Sabi pa nya.. Ng biglang tinawag sya ng mama nya at nagpatulong sa pagdala ng pansit sa lamesa na nasa sala.. Pagbalik nya ay nakangiti parin, oh nasaan ang iba mong bisita, tanong ng mama nya.. Ay umuwi po muna at nagbihis, tumayo ako at nagbigay galang, yumuko at nagsabi ng magandang tanghali po,. Ngumiti ang mama ni Jester.. Magandang tanghali din sayo iha.. Kaibigan mo ba itong anak ko? Opo, agad kong sagot. Ay mabuti naman, pakituruan mo nga ng magandang asal.. Napangiti ako, naku.. Mabait po si Jester, makulit lang po minsan pero magalang po iyan lalo sa mga guro namin at kaklaseng babae. Wala po kayong dapat ikabahala, you raise a good man.. Sambit ko pa.. Ay salamat naman kung ganon.. Ano ngang pangalan mo? Ashley po, Ashley Montecarlo.. Ashley?? Ash.?? Pag uulit ng mama ni Jester, well.. You may call me tita, nagtatakaman ako ay sumang- ayon nalang, okay po tita, my son share everything to me, I knew his first love is you... Nanlaki ang mata ko... Pero sabi nya sakin ay wala ka pa daw planong mag boyfriend, which is I admire about you right away. Tama yan iha, huwag magmadali kahit alam kong makulit itong anak ko, huwag mo munang sasagutin. Sabi nya he is willing to wait so let him wait. Nakangiti parin ito, mapapagod din po yan tita.. Kasi matagal pa masyado kapag ako po ang hinintay nya, mga 20 years pa po, sa dami ng pangarap ko hahaha... Nagtawanan kami ni tita.. Maya maya ay nagdatingan ng isa isa ang aming mga kaibigan. Si Jester nmn ay panay ang hawak sa pisngi nya at di nawawala ang ngiti nito sa labi. Sumapit na ang alas tres kaya tinawag ko na sya, Jester... I need to go, alam mo na Cinderela hahaha.. Ngumiti sya at inabot ang kamay ko, magpapaalam ka ba kay mama? Tumango ako, halika... Nasa kusina sya.. At sumama ako kay Jester papuntang kusina,.
Tita..? Magpapaalam na po ako,
Oh sige iha, yung usapan natin ha, ikaw na ang bahalang magbantay dito sa anak ko kapag nasa loob ng school. Opo tita, makakaasa ka po.. Sige po at uuwi na ako, baka hanapin na po ako sa bahay,. Oh sya sige.. Ingat ka. Opo, saka na ako tumalikod at naglakad papuntang salas... Ng bigalang hinawakan ni Jester ang pulsuhan ko, sabay bigla akong niyakap. Hindi ako nakagalaw, binulungan nya ko,.
Salamat... Maraming Salamat.. Mahal kita Ash.. At dahan dahan syang umatras pero natigilan ng magkatapat ang labi namin.. Mabilis akong umiwas as tinapik sya sa balikat.. Wala yun, you're welcome. Saka naman sya natauhan at ihinatid ako sa pintuan. Sabi ko ay huwag na syang lalabas, mabuti at nakinig naman. Tuluyan na akong pumasok sa street namin. Pagtapat ko sa bahay ni Zandro ay narinig ko saglit na may kausap sya sa telepono na nakasabit sa tabing bintana nila.. sige sige sabado.. 10AM..sharp..yun lang ang narinig ko, hindi nya ako nakita. Diretso na ako sa bahay,