Quezon City
Matapos ang oras ng dalaw ay ihinatid na ako ng step mom ko sa bahay. Mag-isa na naman ako. Malungkot na naman ang gabi. Gayon pa man masaya narin ako n nagkita kami ni papa. Nayakap ko syang muli. Hinatidan ako ng pagkain ng kapitbahay namin. Na pinaghabilinan ng papa ko sa akin. Bilang 14 years old na spoiled ni papa, hindi ako marunong magluto. Kumain akong mag-isa pagkatapos ay nagligpit. Hinugasan ko na ang plato para hindi puntahan ng pusa. Maliit lang ang bahay namin. May maliit na sala at 2 magkabukod na kama. TV, radyo, electric fan at ilaw lamang ang gamit doon. Sandali akong nagbukas ng tv pero wala akong hilig sa mga telonovela kaya pinatay ko rin ito kaagad. Naghilamos na at naghugas ng paa at saka nahiga. Maaga daw akong susunduin bukas ng tita ko na pinsan ni papa. Kinabukasan ala sais pa lamang ay gising na ako. Naligo at nag- nagbihis na. Ala siete naman ay dumating na ang tita ko. Nakita nya ang maliit kong bag. Sabi nya bakit ang liit, wala ba akong dinalang damit? Sabi ko 3 pares ng pambahay at 3 pares na pantulog lang ang dala ko, May na kasi at malapit na din ang pasukan. Sigurado akong di ako magtatagal sa Quezon City. Agad nyang kinuha ang isa pang bag at halos ilagay doon ang lahat ng damit ko. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong. Isang malaking bag at isang back pack na ang dala ko ngayon. Pasado alas otso na ng umalis kami ng bahay. Sa byahe ay tahimik lang ako. Alam kong hindi gusto ng mga kapatid ni mama si papa, gayundin si nanay (lola ko) masyado nilang minamaliit ang kakayanan ni papa. Siguro hindi ko rin sila masisisi. Siguro may problema ang matatanda na hindi pa nauunawaan ng bata.
Nakarating kami sa bahay ng lola ko at wala pang kalahating oras ay umalis na ang tita ko.
Sabi ng lola ko, doon ako sa bahay ng isang tita ko tutuloy. Kaya dinala ko doon ang mga damit ko. Dito ako nagsimulang matuto ng trabahong bahay, paggising sa umaga kailangan magwalis mula 2nd floor pababa, pagkatapos ay maglalagay ng floor wax at makalipas ng ilang minuto ay magbubunot. Pula ang sahig ng bahay ng tita ko. May 2 syang anak na lalaki. Panganay ay 5 taon at bunso ay 3 taon. Pero ang bunso nya ay lola ko ang nag aalaga. Nagtitinda ng bbq ang tita ko sa labas ng bahay nila. Noong una, pinapatulong tulong nya lang ako magtuhog ng paninda di kalaunan ay ako nlang ang gumagawa nito. Tapos ako narin ang pinagbabantay nya sa labas. Mabilis lumipas ang 3 linggo, mabilis ko rin natutunan ang lahat. Nakakapagsaing na ako ngayon. Hanggang sa naisipan kong magtanong kung maaari ba akong samahan ng tita ko sa ospital para madalaw manlang si papa. Mabait naman ang tita kong kumupkop sa akin pero ang sabi nya lang ay oo, kapag nagkapera. Kasi malayo daw yung ospital at wala kaming ipapamasahe. Nagtanong ako kung kailan ako uuwi kasi malapit na ang pasukan at eksaktong dumating ang mamang nagdedeliver ng mga sulat. May inabot sa tita ko, nang buksan nya iyon ay nkita ko na nakapangalan sakin ang mga laman galing iyon sa school na pinag-aralan ko sa Bulacan. Sabi ng tita ko, bukas na bukas ay ieenrol kita dyan sa malapit. Lalakarin mo lang ang pagpasok. Natulala ako, tumulo ng kusa ang luha mula sa aking mga mata. Di ko alam kung anung nangyayari. Inisip ko baka kung anong nangyari kay papa. Nagtanong na ako habang umiiyak. Tita may nangyari po ba kay papa? Umiling sya. Nung ipinahatid ka dito ng papa mo, nagpadala sya ng sulat sa akin. Kupkupin na daw kita kasi walang kasiguraduhan kung kailan sya lalabas, huwag na daw kitang padalawin sa kanya kasi maraming sakit sa baga doon, baka daw mahawa ka pa. Doon ay di ko na napigilan ang umiyak ng malakas. Ayoko dito! Ayoko dito! Ayoko ng mag-aral kung hindi ko makakasama si papa. Okay lang na magkasakit ako basta makasama ko sya. Sya lang ang nagmamahal sakin. At tumakbo ako sa higaan ko. Dumapa doon at umiyak hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ginising ako ng tita ko. Mag Eenrol daw ako at bibili daw kami ng bago kong uniform. Hindi ako tumayo kaagad pero ano nga bang magagawa ko? Meron ba? Ni hindi ko alam kung saan naka confine si papa.. Mabigat man ang pakiramdam ko ay bumangon ako at naligo. Walang sigla. Nakapag enrol naman ako agad kasi mataas naman ang grado ko. Section 2 nga lang kasi transferred student. Pero wala akong pakialam. Kahit pa ilagay nila ako sa pinaka huling section ay wala akong paki alam. Naging matamlay ang mga sumunod na araw. June 3 na bukas at simula na ng klase, kumpleto naman ang gamit ko na pinag ambag ambagan ng mga tita ko, pumapasok ako sa tamang oras at diretso ng uwi after class. Ganon ako buong June. Siguro naawa na ang tita ko sakin kaya isang gabi ay kinausap nya ako. Anak halika at may sasabihin ako sayo. Lumapit naman ako pero walang sigla. Alam kong mahal na mahal mo ang papa mo. Nakapag ipon na ako ng pamasahe. Pupunta tayo sa kanya sa Sabado, basta ipangako mo sakin na kakain ka na ng maayos para hindi ka magkasakit. Nagliwanag ang mukha ko saka ko sya binigyan ng masiglang ngiti. Talaga po! Dadalawin natin si papa? Oo ang sabi nya, pero huwag mong babanggitin sa kahit na sino ha. Kasi malalagot ako. Sasabihin ko lang sa kanila na pupunta tayo sa Divisoria. Opo opo, tuwang tuwang sagot ko, masaya akong natulog ng gabing iyon. Makalipas ang 3 araw. Sabado na bukas tita, anung oras po tayo aalis? Masayang tanong ko sa aking tiyahin. Naku anak, yung pera kasing naipon ko naibayad ko sa utang. Sa susunod na Sabado nalang tayo dadalaw sa papa mo, Malungkot man ay wala na naman akong nagawa. Nagpatuloy nalang ako sa pagpasok sa paaralan. Pag-uwi sa bahay ay gagawa ng assignment tapos magbabantay ng bbq-han para ang tita ko naman ay makapag luto ng hapunan. Lumipas na ang isang bwan ay hindi parin kami nakakadalaw. Hindi ko naiwasang umiyak bago matulog sa sobrang lungkot. Sobrang miss ko na talaga si papa. Kung may ibang paraan lamang ay nadalawa ko na siguro sya. Isang Byernes ng gabi habang nagliligpit kami sa bbq-han ng tita ko, iniabot nya sa akin ang 100 pesos, anak itago mo yan. Kapag madami tayong benta ay magbibigay ako ng pera para maitabi mo. kapag nakaipon ka ng 500 ay sabihin mo sakin at dadalaw na tayo sa papa mo. Sapat na yun na pamasahe natin sa bus at pambili mo ng pasalubong kay papa mo. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko ang tita ko. Sabi nya, kung may pera lang ako anak. Matagal mo ng nakita ulit ang papa mo kahit ayaw nila. Ramdam na ramdam ko kung gaano mo na sya ka miss. Husayan mo ang pag-aaral mo para may maganda kang balita sa papa mo. Masaya akong natulog ng gabing yon. Nagkaron ng pag asang muli kong makikita si papa. Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa paaralan. Nagulat ang aking mga guro ng halos lahat ng kanilang katanungan ay nasasagot ko. Ngayon lang, ngayon lang ako ulit ginanahan mag-aral. Tama si tita, anong ikukwento ko kay papa kapag dinalaw ko sya, hindi sya matutuwa kung pababayaan ko ang pag-aaral ko. Pag oras ng uwian ay agad akong tumatakbo pauwi, magbibihis at maglalabas ng paninda, kapag walang bumili ay saka ako nag aaral. Doon na mismo sa tindahan. Labas lang nmn ito ng bahay kaya may ilaw kaming puti at maliwanag ito. Sanay ako mag-aral ng may ingay. Dahil mahilig akong magpatutog noon habang nagrereview, nung nasa Bulacan pa ako. Gabi gabi akong inaabutan ni tita ng 20,30 or 50...basta hindi nawawalan. Exam n namin dalawang araw nlang po tita, may mga proyekto po akong kailangan gawin. Pwede po bang hindi muna ako magbantay sa tindahan? Oo naman, sige at pagbutihin mo. Isang buong linggo halos akong di nagbantay pero okay lang, I almost perfect all my exams and got 97 on almost all my projects. Sabi ng teacher ko bakit ngayon lang kita napansin? Kung simula palang ay napansin na kita, baka naipalipat pa kita sa section one. Okay na po ako dito sa section 2 ma'am. Mahalaga po ay nakakapag aral at natututo ako sa araw-araw. Marami pong salamat, Nang sumunod na linggo ay bigayan na ng card. Kinuha ng tita kp ang aking report card. Nag attend din sya ng meeting. Pag-uwi nya sa bahay ay masaya ang kanyang mukha. Dahil halos lahat daw ng guro ay papuri sakin ang narinig nya, yun nga lang daw medyo huli n ako nagpasikat. Pero may 2nd grading pa naman. Pinakita ng tita ko sakin ang card ko. Medyo na lungkot ako kasi meron akong line of 8, hindi ako sanay sa grade na 85, 86 at 87. Humingi ako agad ng paumanhin kay tita at nangakong hindi na nya makikita ang mga numero na yon sa susunod n bigayan ng card. Natawa naman sya, those are good grades she said. Pero di talaga ako kuntento. Paano ko ipagmamalaki ito kay papa, sa isip ko. Tita, huwag ko na ipakita kay papa to. Nakakahiya eh. Hindi maaari sabi nya, transferred student ka at halos walang transferee na nakakakuha ng ganitong grado sa unang markahan. Isa pa 3 subject lang ang line of 8 mo. Math 95,English 93,Science 95, EsP 97.sapat na to para matuwa ang papa mo. Sige na, magbihis kana at aalis na tayo. 9AM palang naman. Saan po tayo pupunta? Takang tanong ko, sa Divisoria sabi nya ng may malaking ngiti sa labi, napansin kong nasa pinto ang isa nyang kapatid. Naisip ko agad na kay papa kami pupunta. Halos madapa ako sa pagmamadali. Katatapos ko lang namang maligo kaya diretso na akong nagpalit ng damit. Black white t-shirt, Black maong short at white rubber shoes saka ako nagsuklay ng buhok. Hindi ako maarte sa mukha kaya ni hindi ako nagpulbo. Sadyang mapula ang aking labi. Pagbaba ko ay pinasuot ako ng hikaw ni tita. Kahit hindi naman ako mahilig doon ay hinayaan ko na lamang sya. Ang gusto ko lang ngayon ay makita si papa. Pinaupo nya ako at inayos ang mahaba at itim na itim kong buhok. Itinali nya ito ng mataas, pony tail.. Saka itinirintas. Malinis tignan, maaliwalas daw at lumalabas ang natural kong ganda. Yung ang sabi ni tita,pero kahit kailan ay hindi ko nakita ang sinasabi nyang ganda na meron ako. Hindi ako maputi pero hindi rin naman ako maitim. Tamang tama lamang ang kulay ko, mahaba ang aking straight black hair. Sa edad na 14 ay 5'3 na ang height ko. Kaya mahaba ang aking mga binti. Nagsisimula pa lamang akong maging dalaga kaya ang dibdib ko ay nagsisimula palang ding umusbong. Late daw sabi ng tita ko hindi tulad sa iba kong pinsan na bago pa mag 2nd year at parang full grown na ang mga hinaharap. Paano ba naman ay grade 6 palang daw ay may dalaw na, samantalang ako nitong May plang nagkaron. August na ngayon. Sana naman ay makalabas na si papa, sambit ko kay tita, sssshhh wag kang maingay sabi nya, baka malaman nila. Sige ka hindi nila tayo paaalisin. Natapos na nyang ayusin ang buhok ko. Sabi nya kunin mo na yung pera, kinuha ko iyon at binilang. Nakaipon na pala kami ng 780. Sabi nia makakabili pa tayo ng pasalubong kay papa mo. Tara na! At saka na kami umalis. Isinama nya ang kanyang panganay pero iniwan namin ito sa bahay ng isang kaibigan ni tita. Masayang masaya ako sa byahe, excited na makikita ko na ulit si papa. Ng makarating sa ospital, nabasa ko sa entrance San Lazaro General Hospital. Sabi ko hindi dito yun tita, sabi nya. Nalipat si papa mo ng ospital. Mula sa Jose Reyes. Nagtanong si tita sa Nurse station at agad naman kaming itinuro. Papunta sa ward na kinaroroonan ni papa halos wala na akong makita dahil sa mga luhang nasa aking mata, dulot ito ng kasiyahan. Sa wakas makikita ko na sya ulit. Pinagsuot ako ni tita ng mask sa takot nya na mahawa ako. Pagdating ko doon nakita ko sya agad na natutulog, sobrang payat na nya niyakap ko sya, wala akong pakialam kung magising sya. At di nagtagal ay nagising nga sya. Umiyak din sya sabay sabing patawarin mo ako anak.. Iyak kami ng iyak na mag-ama, magkahalong lungkot at saya ang aking nararamdaman, ng humupa na ang aming mga luha ay nakayakap parin ako sa kanya. "Anak kamusta?
"Mabuti naman po, hindi ako pinababayaan ni tita ang nakangiti kong wika.
..Nagkwento ako ng tungkol sa paaralan pero hindi ko binanggit na ako ang nagtitinda ng bbq ni tita. Alam ko n sasama ang loob ni papa kapag nalaman nya na ang kanyang prinsesa ay tila naging katulong na. Oo parang katulong na kasi halos ako na lahat ng gumagawa sa bahay ni tita, mabait si tita pero medyo may pagkatamad sya. Itututro nya sakin ang isang gawain at kapag natutunan ko na yon ay ako na lagi ang gagawa. Kapag sabado mamamalengke na lang sya, pag-uwi nya ako n ang maglilinis at magluluto ng bbq. Ako na din ang magtutuhog ng mga ito. Kailangan malinis na ang bahay bago sya dumating galing sa palengke kasi wala ng oras para maglinis pagdating nya. Magsasaing na din ako habang nagluluto ng mga gagawing bbq. Di ko na un alintana, nasanay na ang katawan ko. Nasanay na akong pagsabayin ang pagtitinda at pag-aaral. Masaya kaming nagkwentuhan ni papa, nakatingin lang si tita,ng matapos ang oras ng dalaw kinausap ni papa si tita, nagpasalamat ito. Umiiyak na nagpasalamat at humingi ng paumanhin. Hindi nya daw sigurado kung makakalabas pa sya sa ospital ng buhay, ano ka ba kuya, kayang kaya mo yan sabi naman ni tita. Sya lang ang tumatawag ng kuya sa papa ko. Hindi man sila close ay hindi sya galit sa papa ko, di tulad ng iba nyang mga kapatid.
Mabilis na natapos ang araw na ito, isang mahigpit na yakap at patak ng luha ang aking pinakawalan bago tuluyang umalis. Masaya narin ako kahit bitin ang araw na yon. Kung maaari lamang ay pinigilan ko sana ang oras. Alam kong matagal na panahon na ulit bago ko sya makikita. Matagal na naman pero ang mahalaga sakin ay magkikita pa kami ulit. Meron ako ulit panghahawakan at Aantaying araw. Bago umuwi ay dumaan kami sa palengke at bumili ng kung ano anong murang bagay na kunwari ay binili namin sa Divisoria, dinaanan din nmin si Jay, inabutan namin itong masayang naglalaro pero tuwang tuwa ng makita ang kanyang ina. Ng gabing iyon ay niyakap ko si tita, umiiyak akong nagpasalamat sa kanya, ngiti lamang ang kanyang naging tugon. Niyakap din nya ako. Ng gabing iyon ay masaya akong natulog. Kinabukasan ay Sabado. Maaga akong gumising at naglinis ng bahay, magmula sa taas pababa ay winalis ko, nilampaso at floor wax. Sa ganitong paraan lang ako makakabawi kay tita. Pagdating nya ay agad kong kinuha ang lilising paninda.. Si tita naman ay umidlip sa sofa, ng magising siya ay nagsisimula na akong magtuhog ng mga isaw, natapos ko ng hiwain ang balat at dugo, tinanong nya kung kumain na ako alas onse na ng umaga pero wala pang laman na kahit ano ang tyan ko maliban sa tubig. Sabi ko ay hindi pa po pero nakapag saing na po ako. Agad siyang tumayo at nagluto ng ulam. Sakto namang natapos ko ang lahat ng tinutuhog ng matapos sya sa pagluluto. Magaala una na iyon. Sabay kaming kumain. Sabi nya, pagkatapos kumain ay sya na ang maghuhugas, pagpahinga muna ako para makaligo. Umidlip ako ng halos isang oras,
Paggising ko nag aasikaso na si tita sa paglalabas ng paninda. Kapag sabado kasi ay 2:30 pa lamang ay naglalabas na ng paninda, mabenta kasi. Maraming trabahador na pahinga ang araw na ito. Pagtayo ko ay naghanda ako ng isusuot. Isang red na sleeveless na may saktong haba at puting short. Halos lahat ng damit ko noon ay hindi na kasya sakin, kaya mga damit na galing na sa mga tita ko ang isinusuot ko. May pagka boyish ako noon kaya mahilig lang ako sa t-shirt at mahabang short, puruntong kung tawagin. Ngayon ay wala na ang mga yon. Mga tita ko na ang pumipili. Minsan ay palda na may katernong blouse, sleveless na may katernong short. Kadalasan puti at itim na short ang suot ko, or yung denim.. Hindi kahabaan, sa totoo lang, sa tingin ko ay maikli ito. Pero sabi nila maganda namang tignan sa mahaba kong hita kaya natutuwa sila na ganon ang mga ipasuot sakin.
Pagkatapos kong maligo ay tinawag ako ng tita ko,
"anak tapos ka na ba?
"Opo lalabas na po,
.. itong tita ko may pagka palabiro. Sabi nya pagkalabas ko, anak sya si Zandro. Mabait yan, magaling magpaint. Tumaas ang kilay ko, at napaisip... Ano naman ang pakialam ko?? Ito namang Zandro ay naglahad ng kamay, what for ang wika ko. Natawa naman ang tita ko, sabay sabing may kasungitan yang pamangkin ko Zandro. Pagpasensyahan mo na. Hindi ko maibaba ang kilay ko, naaalibadbaran ako sa lalaking to na kanina pa nakangiti. Sabi ng tita ko, oh maiwan muna kita dyan. Huwag mong sungitan si Zandro. Hindi ako umimik. Tingin ko ay ilang taon ang tanda nito sakin.
Nag maluto na ang binili nya ay binalot ko na ito, nabayaran na daw sabi ng tita ko. Hindi ako nagsalita at nilapag ko lang ang nakaplastic na bbq sa harap ng mesa. Ngumiti ka naman ang wika nya, aalis nalang ako hindi ko pa nasisilayan yung mga dimples mo. Lalo namang tumaas ang kilay ko, kaya di na sya nagsalita pa. Maya maya ay bumalik sya may kasamang cute na cute na batang babae, mataba ito at singkit.. Nasa 4 na taon siguro. Nagpabili ito ng hotdog. Tito hotdog ang sabi nito kay Zandro. Dumampot sya ng 2 at inabot sa akin. Iba na ang dating nya ngayon. Hindi na tulad kanina, ang weird naman ng lalaking to... Sa isip ko lang. Ng naisalang ko ang hotdog ay may tumawag sa kanya. Sumigaw iyon, Zan.. Napalingon sya. Tinapunan ako ng tingin at nagsalita ng mabilis. Kapag naluto pakibigay sa pamangkin ko ah, kapag di mo binigay yan lagot ka sakin. Saka ito tumakbo papunta sa tumawag sa kanya. Inis na inis ako, sarcastic masyado ang tono ng salita nya. Natapos ang araw na yon, hindi kami nagtinda ng linggo. Naglaba kami ni tita ng napakarami. Hapon na ng matapos kaming magsampay, mga alas tres na. Agad nagluto si tita, 5PM palang ay naghapunan na kami. Pagkatapos kong maghugas ay nagpaalam na akong mauunang humiga.. Pumayag naman ito. Pagdating sa kwarto ay nagbuklat muna ako ng libro at notebook, sinigurado kong wala akong nakalimutang gawin. Naisa ayos ko na lahat ng gamit ko, may naka note sa notebook ko na may test kami bukas sa Filipino, 1st subject ko iyon at ayoko talaga ang Filipino subject ever since. Ito ang madalas na pinaka mababa ko sa card. Dito ako nag line of 8 last grading. I hate it.. But I don't have other choice kasi hindi nmn pwedeng ipatanggal ang Filipino at MAPEH sa subjects hahaha , hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod. Nagising ako bago mag ala sais ng umaga, nagluluto na si tita, naamoy ko ang bawang sa kanyang sinangag may naluto na ring itlog. Gusto mo ng milo anak? Tumango ako at diretsong naligo na. Nagsando at palda na ako bago humarap sa hapag kainan. at nagmilo, I don't eat breakfast...hindi ako nasanay..
May naka pack na din akong lunch, mukang maganda ang tulog ni tita kasi pritong manok ang laman ng baunan ko, kadalasan kasi hotdog or itlog ang laman nito. sandali lamang at nagbihis na ako at Nagsuklay saka nagpaalam kay tita. 6:35 na. Kailangan nasa classroom na ako bago mag 7 at least 5 minutes before 7. Kasi late na daw kapag 7 dumating sabi ni Mrs. Cruz ang aming adviser at Filipino teacher. Dumating ako sa classroom ng 6:48AM malapit lang ang bahay namin dito at tumakbo pa ako kaya mas napabilis. I hate being late kaya as much as possible nagmamadali ako. Saktong binubuksan ni Ma'am ang pinto ng room namin pero nahihirapan sya dahil sa dami ng kanyang hawak. Good morning Ma'am ang bati ko, tulungan na po kita. At kinuha ko ang mga hawak nyang libro. Magandang umaga din sayo iha, salamat wika naman ng aking guro habang binubuksan na ang pintuan ng aming classroom, isa isa ng nagdatingan ang aking mga kaklase ko, eksaktong 6:55AM ay ipinasara na ni Mrs. Cruz ang pinto. Ayaw nya talaga ng may late lalung lalo na kung may pagsusulit. Habang nagbibigay sya ng instructions sa pagsusulit ay may kumatok, binuksan nya ang pinto sabay tanong anung oras na? 7:05 wika ng isa kong kaklase, si Randy kasama nya sa pinto ang iba pang late nasa 6 sila. Minus 5 kayo sa exam dahil 5 minuto kayong late. Hindi na nya muling ipinaliwanag ang instructions, alam kong sinadya nya iyon para mababa ang makuha ng late. Palagi kasi late ang grupo nila Randy, kasi nagsusunduan pa sila. Tahimik kaming nag exam. Alam naming umiikot ang mata ni ma'am, she hates cheaters. Sabi nya mas mabuti pang bumagsak kaysa mangopya. Buti na lamang at nagbasa ako kagabi,ng matapos ang itinakda nyang oras. Tapos o hindi tapos, ipasa na ang papel. Kamot ulo na lamang ang mga nahuli sa klase. Hindi naman ako nahirapan. Hindi ko man hilig ang Filipino ay nirereview ko parin ito. Tahimik ang klase habang nagchecheck si ma'am ng test paper. Nagpaskil kasi sya ng 3 manila paper para kompayahin namin. Unang subject plang pero sakit na ng kamay ko sa pagsusulat. Natapos ko ang pagsusulat ng tawagin ako ni ma'am, akala ko nacheck na nya lahat ng papel. Yung akin lang pala ang chineck nya. Anak ikaw na ang magcheck nitong mga test ng kaklase mo, huwag mong baguhin ang mga sagot nila ha. Huwag mong itatama. 2 lamang ang mali mo sa test. At isinulat ko na sa papel mo ang tamang sagot. Yan ang magsisilbi mong answer key.
Pagkatapos ay isulat mo sa papel ang score ng bawat isa, mula sa pinakamataas na score pababa. Makakatanggi pa ba ako? Syempre hindi. Nakangiti na lamang akong kinuha ang lahat ng papel at nagsabing opo mam.
Bukas ng umaga mo na ibalik ang mga iyan sa akin. Sabay tunong ng bell. Next subject Math with Mr. Brown, hindi ko alam pero parang ako lang ang excited kapag oras na ng Mathematics ito kasi ang pinaka paborito kong subject. Karamihan sa mga kaklase ko ay nakatulala lang sa white board habang nagpapaliwanag si Sir. Hanggang sa nagbigay ito ng isang problem solving, agad akong nagtaas ng kamay at dahil wala namang ibang nagtaas ako na ang tinawag ni Sir. Wala na ba talaga akong ibang estudyante maliban kay Ashley? Nakayuko ang iba kong kaklase habang ako naman ay diretso sa whiteboard. Halos mapuno ko ang isang whiteboard sa aking solution. Pagkatapos ko, maari mo bang ipaliwanag kung paano mo nakuha ang sagot mo? Agad ko itong ipaliwanag at tama naman, another recitation points for you Ash, thank you at maaari ka ng umupo. Nagpatuloy pa sa pagtuturo si Sir. Hanggang s marinig namin ang bell. Ok class our next meeting will be on Wednesday, please be ready for your periodical exam. If you need help punta lang kayo sa faculty. Tutulungan ko kayo ok? Yes Sir. Sagot naming lahat. At nagpaalam na si Sir. Lumapit sakin ang ilan sa mga kaibigan ko, ui girl. Paano mo naintindihan ing tinuro ni Sir. Sakit n ng ulo ko hindi ko pa naintindihan. Madali lang naman yun, wika ko. After recess pwede ko kayong turuan. Talaga? Masayang. Nakangiti si Leah, please please girl, turuan mo ko kasi mababatukan na ko ng tatay ko kapag may line of 7 na naman ako ngayong 2nd grading. Babawasan din daw ang allowance ko. Ngumiti lang ako at nagsabing kain na tayo para makapagsimula. Kumain na kami sa loob ng classroom. Pagkatapos kumain ay lumapit na ako sa board. Nandon pa ang problem na sinolve ko kanina, guys kung sino pong nahihirapan sa math feel free to listen, kung naiintindihan naman na po ng iba please help me to explain everything sa iba nating kaklase,. Nagsimula akong magpaliwanag, tumayo si Jester at tinulungan ako magpaliwanag sa klase, dalawa kaming sumasagot sa katanungan ng mga kaklase namin, hindi namin napansin na nakatayo pala si Sir. Brown s pinto ng aming classroom, nakangiti ito ng napansin ko sya, ay Sir. Nandyan ka po pala, yes kanina pa ang wika nya. Wala kasi ang English teacher nyo and I am supposed to be your substitute teacher just for today. Kaso hindi na ko kumatok kasi nakita ko na may dalawa na palang substitute teachers, good job guys. Helping your classmates to understand our lesson. You may continue what your doing. I will let you use this time. Yun lamang at umalis na si Sir. Palagay ko naman ay naintindihan na ng mga kaklase natin yung lesson natin sa math wika ni Jester. sana sabi ko naman. Bumalik na ako sa pagkakaupo at hinayaang si Jester na ang magbura ng nakasulat sa whiteboard. Nandyan na kasi si Mrs. Villorente ang aming Science teacher. Tahimik na nakinig ang buong klase, ito na kasi ang final review namin bago ang aming 2nd periodical exam. Sumapit ang alas dose ng tanghali at sabay sabay na kaming magkakaibigan na kumain mula sa room this time kanin na kasi lunch break na. Yes, maghapon ang klase namin. Sandali lamang kaming kumain pagkatapos ay sabay sabay pumunta sa CR. Kanya kanya sila ng retouch. Pulbo dito pulbo don, ako naman ay pumunta lamang sa CR para umihi, nagsuklay lamang ako ng buhok after. Kasi para na akong sinabunutan. Walang pulbo o kahit ano pa man. Habang ang mga kaibigan ko ay nag aayos na. Lipstick ung medyo pink lang ang gamit nila para hindi magalit ang teacher. Bawal daw kasi yung pulang pula ng matapos sila inalok pa ako ni Leah, uy girl ayaw mo ba? Hindi na girl, salamat. Ay naku iba talaga kapag likas na maganda eh no... Walang effort. Natawa naman ako, sinong maganda? Sambit ko, naku girl huwag ka ngang maang maangan dyan. Ikaw kaya pinakamaganda sa room natin. Parang wala din ako nakikita na mas maganda sayo sa ibang section. Hala anong pinagsasasabi mo dyan sambit ko habang tumatawa. Huwag ganon girl sabi ko pa... Huwag tayong magbolahan hahaha nagtawanan kami. Then si Tricia naman ang nagsalita, pero girl seriously maganda ka talaga, ikaw lang ang hindi nakakaalam. Salamat ang sabi ko para matapos nalang ang usapang maganda. Hindi ko kasi yun makita kahit pa 20-20 naman ang vision ko. Nagring ang bell kaya bigla kaming nagtakbuhan. Pagdating sa classroom ay wala pa ang teacher namin. Pag upo ko ay napansin kong may isang puting rosas sa desk ko. Itinaas ko pa iyon sabay sabing sino nakaiwan nito sa upuan ko? Napatingin ang kaibigan ko sakin sabay sabing hindi ba pwedeng para sayo talaga yan at saka sila nagtawanan, tawanan na parang alam nila kung sino ang naglagay nito. Ay naku tigilan nyo ko. Kung sino man ang naglagay nito, huwag mo na pong sayangin ang baon mo para dito. Pinaghirapan ng magulang mo yang pera for sure. Ipangkain mo nalang, pero salamat. Next time itatapon ko na kaya huwag mo ng uulitin please wika ko ng medyo malakas, yung saktong maririnig ng buong klase. Inilagay ko ung puting rosas sa isang vase na nakalagay sa cabinet ng room namin at saka ko ito nilagay sa teacher's table. Nakita kong kumakamot ng ulo si Jester. Kaya nilapitan ko sya at tinanong, sayo ba nanggaling yun? Sabay turo sa rosas, yumuko sya sabay sabing oo, yiieeee narinig ko nlang bigla mula sa likuran ko.. Kinikilig ang mahaharot kong kaibigan. Tinapik ko sa balikat si Jester. Salamat ha sabay ngiti. Pero pwede bang huwag mo na ako ulit bibigyan non kasi sayang yung pera mo eh, bukas lanta na yan. Tas ikaw gutom kasi instead of food ang bilhin mo ay bulaklak... napakamot sya ulit ng ulo pero nakangiti na, okay lang magutom. Kung mapapangiti naman kita, edi sana nagjoke ka na lang sabay tawa ko. Napatigil lang ako ng bigla nyang sabihing salamat ha, kasi hindi ka nagalit. Bakit naman ako magagalit, ikaw naman kung gusto mong makipagkaibigan sakin di mo nakailangan ng rose, tinapik ko ulit sa balikat nya, tumalikod na ako at naglakad papunta sa aking upuan. Saktong dating ng aming gurong si G. Lopez, may COCC nga pla kami today, okay class magbihis na kayo at bababa na tayo sa covered court, nagbihis kami ng pantalon na maong at puting t-shirt. Type C kung tawagin itong suot namin. Nakapila kaming nagmarcha na magkakaklase, 5 ikot sa covered court ang pinagawa ni Sir. Lopez sa amin. Pagod na pagod na agad ako. Gusto ko ng matapos tong klase na to, uhaw na uhaw na ako pero wala na akong inumin kasi naubos ko na ang baon kong tubig. 5 piso lang ang baon ko at ayaw ko itong bawasan, last subject ko naman na kaya titiisin ko na lang ang uhaw. Malapit na ang uwian ng maya maya ay napansin ko si Jester na papalapit may dalang tubig. Para sayo sabay abot nya ng tubig sakin, tatanggihan ko sana pero sabi nya tanggapin mo na, hindi ko yan binili...iniabot sa akin yan ni mama. sumigaw lang ako sa gate kasi dyan lamang ang bahay namin.