I am Ashley 14 years old, going 3rd year high school. Originally taga Bulacan ako pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasakit ang papa ko at naconfine sa isang malaking ospital sa Manila. March palang nandon na sya, April na ngayon pero hindi parin sya nakakalabas. Ito ang unang pagkakataon na pumayag syang isama ako ng step-mother ko sa ospital. Papa's girl ako at sobrang miss ko na sya. Ayaw nya sana akong padalawin kasi ayaw nya na makita ko sya sa ganoong sitwasyon. Nabigla ako pagdating sa ospital. Nakita kong ibang-iba na ang katawan ni papa. Sobrang payat na nya at may hose na nakasuksok sa loob ng kanyang tagiliran habang ang kabilang dulo ng hose ay nakalagay sa isang bote na may likidong madilaw. Sabi nya iyon daw ay tubig na galing s kanyang baga. Naiiyak ako pero niyakap ko nalang sya. Sa edad na 14 halos wala pa akong alam sa buhay, mahirap lang kami pero masipag ang papa ko. Hanggang grade 2 lang ang inabot nya pero hindi yon ang gusto nya para sakin. Nag aaral ako sa isang exclusive school sa Bulacan, habang si papa ay nagtitinda ng balot sa gabi. Minsan naman ay nagkakarpentero sya. Sobra ang sipag ni papa kaya din siguro sa edad na 49 ay ganito na sya. Maghapon kaming nagkwentuhan. Sobrang miss ko na sya, bago ako iuwi ng step ko ay kinausap ako ni papa, sabi nya bukas ay ihahatid ako ng pinsan nya sa Quezon City, sa bahay ng lola ko. Ang mama at papa ko ay naghiwalay bago ako mag 1st yr. High school. Doon ka muna habang hindi pa ako nakakalabas dito. Kinakabahan kasi ako na palagi kang mag-isa sa bahay-ang sabi nya. Kahit ayaw ko ay wala naman akong magagawa.