My mistake

1372 Words
Kahit nahihiya ay tinanggap ko na ang tubig na iniaabot ni Jester. isinalin ko ito sa aking tumbler at ininom. Kahit marami yung tubig ay halos maubos ko ito. Napangiti naman si Jester ng mapansin na talaga palang uhaw na uhaw na ako. Salamat sambit ko. Ngiti lang ang ibinigay nyang sagot. Nagugutom ka ba tanong nya, hindi at isa pa ay uwian narin naman uuwi na din ako, cleaners tayo kaya di kapa pwedeng umuwi. Ay oo nga pla, nawala yun sa isip ko. Buti nlang pala at pinainom ako ni Jester kung hindi ay mamaya pa ako makakainom. Tapos na ang COCC namin kaya niyaya ko na si Jester sa room para makatapos agad kami sa paglilinis. Pagdating sa room ay binigyan ako ng isang upuan ni Jester, sabay sabing magpahinga ka nalang dyan. Ako na ang maglilinis para sating dalawa, nagpaalam sya sa ibang cleaners kasama ang ilan sa mga kaibigan ko at kaibigan nya at wala namang nagreklamo kasi tinotoo nya ang paglilinis na parang dapat toka sa dalawang tao, kasama sya sa nagbunot at sya rin ang nagbura ng mga nakasulat sa whiteboard. Ako naman, hindi sa makapal ang mukha pero talagang napagod ako sa mga tinakbo kanina kaya yumuko ako sa desk ng kinauupuan ko at hindi ko na namalayan na nakaidlip pla ako. Nagising lang ako ng hinihila na nila ang mga upuan upang ibalik sa pwesto. Agad kong kinapa ang labi ko kasi baka may tumutulong laway mula dito, buti nalang at wala naman. Lumapit si Jester ng nakangiti, natapos ko na ung naka tokang trabaho sa ating dalawa, salamat ha napagod talaga ako kanina kaya hinayaan na kita, ikaw naman nag offer eh nakangiti kong wika. Ano ka ba alam ko naman na pagod ka tapos pag-uwi mo magbabantay ka pa ng tindahan ng tita mo, gulat ako sa sinabi nya pero di ko nalang inintindi. Inisip ko nalang na siguro alam nya ang bahay ko. Pero sabagay malapit lang naman ang bahay nya samin siguro nga ay bumibili sya ng bbq sa amin pero di ko napapansin. Tumunog ang bell hudyat na kailangan ng lumabas lahat ng estudyante. Nagpaalam na ko sa kanila kasi mukang wala pa silang planong umuwi, sabay sabay kaming lumabas ng school pero pupunta pa sila sa bahay ni Leah, sanay na silang hindi ako sumasama sa kahit anong lakad. Bihira din kasi akong payagan. Si Jester nakatayo lang sa likuran ko habang magpapaalaman kami nila Leah. Sige na girls ingat kayo at huwag na magpagabi ang bilin ko sa kanila na parang ate ako ng barkada pero ako talaga ang pinaka bata. Paghakbang ko para umuwi ay nagsalita si Jester ayan ang bahay namin wika nya, tapat mismo ng school namin. Sabi ko pa, ganyan kalapit ang bahay mo dito sa school pero nalelate ka pa? Napakamot lang sya ng ulo habang nakangiti. Napansin kong may itsura ang lokong to habang nakangiti. Oh sya, uwi na ko. Umuwi kna din.. At malayo pa ang uuwian mo biro ko sa kanya, nagkatawanan naman kami. Nagseryoso ang mukha nya ng tanungin ako kung maaari nya akong ihatid, nanlaki ang mga mata ko.. Naisip ko baka patayin ako ng mga tita ko kung may maghahatid na lalaki sakin sa ganitong edad ko.. Naku ang lapit lang ng bahay ko noh... Tumulong ka nalang sa mama mo dyan sa bahay nyo, mas matutuwa pa ako sayo. Yun lang at tuluyan na akong naglakad. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Jester. Habang naglalakad ako pababa sa aming Street ay nakita kong makakasalubong ko si Zandro. Naalala ko yung sinabi nya kahapon sakin "kapag hindi mo ibinigay ay malalagot ka sakin" like hello, sino sya? Di kami close no para pagsabihan nya ako ng ganon, kahit pa sabihing biro lamang, Nakakainis... Palapit na kami ng palapit sa isat-isa itinaas ko ang kilay ko habang sya naman ay nakangiti. Siraulo yata tong lalaking to, kahapon nakangiti after an hour parang walang expression ang muka tapos ngayon nakangiti na naman ng wagas, adik kaya itong taong to? Sa isip ko lang at ng magkalapit kami ay nag hi sya na parang hiyang hiyang.. Ako naman ay nakataas kilay sabay sabing. Yung hotdog ng pamangkin mo ibinigay ko sa kanya pagkaluto kahapon at ihinatid ko pa sya dyan sa pintuan nyo kasi nga iniwanan mo yung bata, yun lang at awtomatikong naglakad ako pauwi, ha? Ano un? Ang wika nya pero hindi ko na yun inintindi. Iritang irita talaga ako sa pagmumukha nya, naisip ko pa na baka nga adik sya. Pag uwi sa bahay uminom ako ng malamig na tubig, napagod akong mainis kay Zandro, nagulat ako ng magsalita si tita, huy! Tulala ka dyan, at parang ang init ng ulo mo?? Anung meron?? Wala po sagot ko, akyat na po ako at magbibihis. Sige tapos kumain ka na ha bago mo ko tulungan sa labas. Ganon na nga ang ginawa ko, matapos kumain ng kaunti ay hinugasan ko n ang kinainan ko. Saka ako nagpusod ng buhok at lumabas. Paglabas ko ay nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto kong bumalik sa loob pero huli na ang lahat, nakita na ako ng tita ko at sabi oh tapos ka na? Ikaw muna dito at hindi pa ako nagtatanghalian. Lumabas ako na nakayuko, di ko matignan ang dalawang lalaking nasa harapan ng lamesa ngayon, they are like a photo copy of each other. Zandro has a twin brother... So malamang yung kambal nya yung kahapon na kasama nung bata tapos si Zandro ung sininghalan ko kanina. Sa isip ko lang, biglang nagsalita ang isa sa kanila, baka naman uling na yung makuha namin kasi malapit na palang masunog yung binili nila na ngayon ay nakasalang pa sa ihawan... Agad kong binaliktan, s**t medyo sunog na nga, akma kong papalitan nalang sana ng magsalit yung isa naman, okay lang yan... Gusto ko yung tustado wika nya.. Sabi ng kakambal nya gago ang sbaihin mo, gusto mo yung nag iihaw hahaha lakas tama mo tol sabi pa nito. Tumigil ka nga, saway naman ng isa. Sabay sabing umuwi ka na ako nalang maghihintay dito.. Mabuti pa nga sagot ng kakambal sa kanya, ngayon sigurado na ako na si Zandro tong naiwan, humingi sya ng pasensya sa inasal at mga nasabi ng kakambal, tumango lang ako, gusto kong magsalita pero nahihiya ako sa ginawa ko kanina...nung naluto na yung order nila ay kumuha pa sya ulit ng lulutuin, sabay sabing okay lang ba na ako nalang magluto, patayin na natin ying electric fan.. Sige lang.. Yun lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Ilang taon ka na? Basag nya sa katahimikan.. 14 tipid namang sagot ko, Zandro nga pala sabay abot na naman ng palad nya para makipag kamay, pero hindi ko ulit inabot yun. Sabi ko lang.. Yeah, I know.. na medyo may tonong naiinis, sabi ng tita mo di ka talaga nakikipag usap sa hindi mo kakilala kaya ako nagpapakilala, kanina inaaway mo na ko tapos ngayon tahimik ka lang dyan. Sobrang hina kong nasabit ang salitan "sorry" na halos kahit ako eh hindi ko yun narinig, pero narinig ni Zandro sabi nya naku wala yun. Naisip ko pag-alis mo na yung kambal kong si Zandre ang tinutukoy mo. Pwede bang makipag friends? Hindi ako sumagot pero isang tita ko ang biglang sumulpot. Bibili ka lang ng BBQ kailangan mo pang makipagkilala? Mukang marami ka namang kaibigan dyan sa kalsada, huwag mo ng kaibiganin yan pamangkin ko. Napayuko na lamang ni Zandro. Kung may kasungitan ako eh mas malala ang mga tita ko maliban kay tita Erlie na siya kong tinutuluyan. Nagbayad si Zandro at umalis. Lumalabas ng gate ang tita ko at pinagsabihan ako, ikaw nag-aaral kang tao, huwag kang nakikipagkaibigan sa mga tambay tambay lang dyan. Yung tao na yun walang ginagawa sa buhay kundi mag-inom. Ng alak at ano pang malay mo. Kung adik pa pala yang Zandro na yan.. Itong tita ko advance mag-isip. Tumango na lamang ako.. Wala din nmn akong planong makipagkaibigan doon sa Zandro na yun. Maagang naubos ang paninda namin ng araw na iyon.. Lumipas na nmn ang ilang araw at naging linggo, hindi ko na ulit na dalawa si papa, ngayon ang malapit na ang pasko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD