Kahit nalalapit na ang pasko at ito ang una kong pasko dito sa Quezon City ay parang normal na lamang sa akin, hindi na gaanong bumibili si Zandro sa bbq-han namin pero tuwing pumapasok ako sa school ay napapansin kong nakatanaw sya sa bintana ng kanilang bahay na nadadaanan ko. Pero sa ngayon ay bakasyon na, hindi na ako dadaan sa kanila. Bakit parang hinahanap ko yung presence nya... Sa isip ko lang.. Hmp.. Baka naalala ko lang sya,. December 15 kinausap ako ng kapitbahay namin sabi nya sali ka sa Christmas Party, nandon si tita Erlie ng yayain ako ni ate Josie. Tinapunan nya ng tingin si tita na parang humihingi ng pahintulot. Sige anak sumali ka, ito ang unang pasko mo dito. December 25 ng umaga pa naman ang Christmas party natin dito sa compound eh pagkatapos natin magsimba. Ayan payag na ang tita mo, worth 100 lang ang exchange gift. Bibili ako ng pang regalo ko... Magpapasabay ka ba? Ako nalang bibili ng panregalo nya sambit ni tita, oh eh ano pa bang magagawa ko... Kahit wala naman akong planong lumabas eh parang no choice naman na. All set na kung baga ako nalang ang hindi LOL natatawa kong sambit sa isip ko. Lingid sa kaalaman ko na si ate Josie pala ay pinsan ni Zandro, dumating ang December 24 alas otso ng gabi. Sinundo ako ni ate Josie sa bahay naglakad kami papunta sa party, party sa kalsada pala ito. Buti nalang at hindi na ako pumorma ng pangmalakasan.. Nagpantalon lamang ako ng sira sira...ripped jeans kung tawagin..na kulay itim at V-neck na blouse. Bagay naman ito sa akin dahil halos full bloom na ang aking hinaharap bagay na bagay sa baywang kong 22 inches lang. Napapangiti akong nag iisip, naglagay ako nag cologne bago ako lumabas ng bahay kanina, naglagay ako pati sa kamay at pinagkuskos ito. Nakalugay lamang ang buhok kong tuwid na tuwid na nilagyan ko lang ng Pearl na hair clip . Tumigil kami sa paglakad pagdating sa tapat ng bahay nila Zandro. May mga upuang nakasalansan at ilang mga tao dito, sa isang lamesa ay may mga kalalakihang nagsisimula ng mag-inuman,.Lumapit si Zandro sa akin at muling nag abot ng kamay, hi ako nga pala si Zandro. Napangiti naman ako sabay sabing alam ko kasi ito na yung 3rd time n nagpakilala ka, oo nga pero never mo pa akong kinamayan.. Sambit nya habang naka aktong nakikipag kamay parin ang kamay nya. Parang ang bastos ko naman kung hindi ko ito aabutin, kaya nakipagkamay na din ako. Nagulat ako ng biglang naghiyawan ang mga lalaki sa lamesa. Yown.. Sa wakas.. Nahawakan mo na pare. Kumunot ang noo ko at napansin agad yun ni Zandro. Mga loko-loko sigaw nya sa grupo ng mga lalaki, napansin kong nandon si Zandre ang kakambal nya, parang nahiya naman sya sakin at humingi ng pasensya. Sorry ha, mga buang talaga yang mga tropa at kakambal ko eh, pagpasensyahan mo na. Ayus lang sagot ko pero nakakunot parin ang noo ko, niyaya nya si ate Josie at ako na maupo. Habang naglalakad palapit sa upuan ay napansin kong inamoy nya yung kamay nya na ginamit nya sa pakikipagkamay sakin. Napangiti naman ako ng bahagya, naisip ko na buti nalang at mabango yung kamay ko.pag upo namin ay nagpaalam si ate Josie na makikiihi sa banyo nila Zandro saka ito tuluyang umalis, si Zandro ay nasa katapat kong upuan, nagsalita sya para mabasag ang katahimikang namamagitan saming dalawa... Ang bango at ang lambot ng kamay mo.. yun ang nasambit nya na tila ba sya mismo ay nagulat sa lumabas na salita sa kanyang bibig. Malambot ka dyan, banat sa trabaho at kakasulat itong kamay ko kaya hindi ito malambot, never din ako naglotion kasi nalalagkitan ako, baka mabango lang kasi nagcologne ako bago nagpunta dito,sagot ko.
Naku nakakahiya sayo, hindi pala kita naalok kumain. no hindi pa ako nagugutom aantayin ko na lamang si ate Josie. Paglabas ni ate Josie ay may nagsalita sa microphone. Okay guys, simulan na natin ang palaro bawal ang KJ dito ha, lahat sasali.. Sa isip ko... Diosmio sana nakahiga ako sa bahay nagyon eh.... Okay sampung babae at sampung lalake po ang kailangan. Hinila ako ni ate Josie. Sya ang sa unahan at ako sa pangalawa sa mga lalaki napansin kong nasa pangalawa din si Zandro. pinagtapat ang sampung lalaki at sampunga babae.. Oh wala ng aalis sa pwesto sabi ng baklang may hawak ng microphone.
Ngayon ay magkatapat na kami ni Zandro, may mga lumapit na may dalang talong n nakatali.. Itinali ito sa waist ng mga lalaki.. Maya maya naman ay nagsibalik sila na may dala namang itlog at itinali iyon sa bewang ng mga babae. Para sa unang palaro. Basagan itlog sabi ng Aubrey, yung ang pangalan nung may hawak ng microphone.. Narinig kong tawag ka kanya ni Zandre. Nagsimula ng gumalaw para magbasag ng itlog ang mga lalaki.. Pero itong katapat ko parang na estatwa na.. At bumulong.. Okay ka lang ba? Mahinang mahina na halos hindi sya humarap ng diretso sakin. Hindi rin sya nakakatingin ng diretso sa mga mata ko. Sabi ko okay lang kuya, laro to eh... We have to win.. Saka na sya dahan dahang gumalaw... Pero may nakabasag na.. Nagsorry na naman sya, sorry ha.. Feeling ko kasi ang baho ko na kaya nahihiya akong dumikit sayo, ambango mo kasi. Hala sya, un lang ang nasambit ko.
Habang nagpatuloy ang palaro ay umupo na muna ako, si ate Josie naman ay parang sasalihan ang lahat ng palaro palibhasa ay kakilala nya lahat ng tao dito, kamag anak pa nya ang iba.,nawala pa paningin ko si Zandro pero ng matapos ang palaro ay nakita ko sya nanggaling sa DJ na tumutugtog sabay binulungan si Aubrey. Tumungo ako bago pa nya makitang nakatingin ako sa kanya. Napansin ko din na nagpalit sya ng damit mukha pa itong bagong ligo. Biglang nag announce si Aubrey, okay guys upo upo po muna tayo, as requested by one lover boy yiiieee itago nalang natin sa pangalang Zandro hahaha. Baka naman daw pwede tayong magsayawan, dalawang magkasunod ng love song with the twist.. Ito hindi nya request pero para may budget tayo pang price sa mga kasunod pa nating palaro. Natatawang sabi ni Aubrey.. Sa mga kalalakihan na gustong isayaw ang naggagandahang kadalagahan na nakaupo ngayon pili na po kayo hahaha joke lang sambit pa nya.. Sa halagang 50 pesos ibigay lamang dito at maaari na kayong makipagsayaw ng sweet dance. Oh s**t di ko inaasahan na may paganito. Ayoko ng ganto. Akmang tatayo ako para umuwi na, ay naglahad naman ng kamay si Zandro at ng isa pang lalaki na di ko kakilala, May I have this dance? Tanong nila, agad naman din lumapit si Zandre, pre halika dito sabi nito sa isang lalaki.. ayoko sana mapahiya si Zandro pero ayoko din magpahawak sa bewang kaya ayaw ko sana makipagsayaw. Ah... Eh... Kasi.. Wika ko, ayaw mo ba? Tanong nya.. Okay lang naman... Sambit pa nya.. Pero alam ko na nagbayad na sya at mukang naligo pa ulit para lang sa sayaw na ito. Mukang nakainom na sya kasi medyo malakas na ang loob nya ngayon na magsalita sa harapan ko. Tumayo ako pero di ko inabot ang kamay nya, nakikipag sayaw ako sayo pero pwede po bang huwag mo akong hahawakan? Nakakahiya kasi, ngumiti lang sya bilang pagsang ayon. Dumami na ang nagsasayaw pero bukod tangin kami lang yung magkatapat lang pero hindi magkahawak.. Nang matapos ang kanta, ibinalik nya ako sa upuan ko, at nagpasalamat. Ngumiti naman ako bilang tugon. Nakangiti si ate Josie. Grabe ka sa pinsan ko, di ka manlang nahawakan eh idea nya yung dance na yun para lang maisayaw ka. Nagbayad un ng 200 Natatawang sabi nito. Huh? Bakit 200 eh 50 lang naman diba.. Takang tanong ko, ewan ko don masyadong masayang nandito ka, ayun 200 ang binayad eh kung tutuusin pwede na pambayad sa isang babae yung 200 hindi lang hawak ang magagawa nya... Tumatawa parin si ate Josie pero ako naman ay nagtataka... Babae?? 200?? Ay ewan.. Muli pang nagpalaro unahan makaubos ng softdrinks yung maliit na bote lang, nanalo ako don kasi nauuhaw na talaga ako.. Price kong nakuha ay 3 piraso ng basong babasagin at 50 pesos.. Nakakatuwa din pala dito. Kahit si Ate Josie at Zandro lang ang kakilala ko. Maya maya ay kainan na. Ipinagsandok ako ng pagkain ni Zandro. Grabe ang dami naman nito kuya, mukha po ba akong matakaw na gutom? Nakangiting sabi ko.. Ay naku hindi hindi sorry... Teka kukuha ako ng isa pang plato... Halos patakbong pumasok ito sa loob ng bahay nila.. Muntik pang madapa nung pabalik na, ito ang plato mo oh.. Ilagay mo lang dito yung kaya mong kainin.. Naglagay ako ng 3 kutsara ng pansit, 3 pirasong lumliang shanghai, 3 siomai at 1 boneless fried chicken. Tama na po ito... Huh?? Yan lang?? Opo, busog pa po ako.. Dahil siguro sa nainom kong softdrinks.. Kaya naman pala ang payat mo eh..wika nya... Payat ako? Pag uulit ko ng sinabi nya habang nakataas ng kilay... Oops... Sorry hindi ka payat.. Natataranta nyang sagot.. Bale ano... Ahm ano ka... Sakto lang yung katawan mo, sexy sexy... Ayun tama sexy ka.. Tuloy tuloy nyang sabi... Napatanga naman ako na parang nahiya.. Oh sya kain na po tayo kuya. Sige kain kana.. Hindi nya ako sinabayan, dinala nya sa kakambal nya yung nasa plato na pinagkunan ng pagkain ko. Naiilang naman ako sa twing mahuhuli ko syang nakatitig sa akin. Kuya may dumi po ba ako sa muka? Tanong ko sa kanya, nasapo nya ang kanyang noo at himingi ng pasensya.. Ay sorry sorry wala kang dumi sa mukha ano kasi.. Ahm... Wala. Wala.. Nataranta na naman sya, kaya hinayaan ko nalang.
Anong year ka na? Pagbabago nya ng usapan.
.. 3rd year po, sagot ko.
Dyan ka ba nag aaral sa malapit?
.. Opo
San ka lumaki?
.. Sa Bulacan po,
Ilan kayong magkakapatid?
.. 3 po
Parang question and answer, si ate Josie nandon na sa inuman.
"Pwede na po ba akong umuwi after ko pong kumain? Tanong ko,
" Ay teka sasabihin ko kay Aubrey na magbunutan na for exchange gift para makapag pahinga kana..
" Salamat..
Maya maya ay ini-annonce na nga ni Aubrey na simula n ng bunutan. Ang mga regalo ay nasa loob ng bahay nila Zandro. Kada tawag ng number ay iaabot sa kanya ng kapatid nya ang regalo na may numero. Pagbunot ko ng number is 18. Inabot sakin ni Zandro ung parang tingin ko ay malaking picture frame ang laman, sabay banggit na sa kanya ito galing. Aksidenteng nahawakan ko sa may sulat mismo ng pentel pen at nagmarka pa ito sa akin kamay... Tila ba kasusulat palang nito at dahil madulas yung pambalot ay hindi ito agarang natuyo. Ngumiti na lamang ako. Nang matapos na ang exchange gift ay hinanap ng mga mata ko si ate Josie para makapag paaalam. Natanaw ko sya na nakikipag tawanan doon sa lamesa na may nag iinuman. Puro pinsan nya pala ang mga iyon. Kuya Zandro pwede bang paki sabi mo nalang kay ate Josie na nauna na akong umuwi? Naku ikaw na ang magpaalam, halika at ipakikilala rin kita sa ibang taga rito sa lugar natin. Para naman ngumiti ka na kapag dumadaan. Naku kuya huwag na po. Nakainom nakainom na sila eh, huwag ka mag alala mababait ang mga iyan sadyang mapang asar lang. Kaya sumama na ako patungo sa mesa nila pero di kako ako uupo doon. Pagdating doon ay agad kong tinawag si ate Josie. Ate... Ate... Una na po akong umuwi ha, maaga pa kaming magsisimba bukas. Ok neng sige sige.. Ingat ka lang dyan sa lalaking nasa likod mo, malakas ang tama sayo ng pinsan kong iyan. Napakamot ng ulo sa Zandro paglingon ko. Sabay sabing ate Josie talaga puro biro... Naku naku insan, di ako nagbibiro... Tawa ni ate Josie.
Talaga naman kayo oh, teka ipapakilala ko lang kayo kay Ash. Uy.. Ash nalang porket kaharap sya?.. Isa! Ang sabi ni kuya Zandro habang pinanlalakihan ng mata ang lalaking nang-aasar sa kanya.. Bakit insan ano bang tawag nya kay Ash kapag wala si baby girl?
Naku insan ang tawag nya dyan ay.. Biglang binato ni kuya Zandro ng isang malaking chippy yung lalaki bago pa. Nakapag salita, biglang tawanan silang lahat... Manahimik Kayo isa... Sambit ulit ni kuya Zandro. Sexy Ashley o kaya ay baby Ashley ang tawag nya kapag di nakaharap si Ash. Si Zandre ang nagsalita. Namula ng sobra ang muka ni kuya Zandro, sabay hingi ng paumanhin... Ahm...pasensya ka na Ash sige ihatid na kita... Huwag ka maniwala sa mga ugok na yan. Pinagkakaisahan lang nila ako. Hoy! Anong pinagkakaisahan, yun naman talaga diba, sa umaga kahit na antok kana or antok kapa hindi ka matutulog hanggat hindi dumadaan si Baby Ashley.... Si Aubrey yun habang hawak pa ang microphone. Kapatid pala nya itong baklang si Aubrey... Medyo naiinis na naman ako at nahalata nya yun. Halika na, ihahatid na kita.. Huwag na po, malapit lang naman ang compound namin dito.. Mga 25 na hakbang lamang kasi at makakarating na ako samin. Pero di sya natinag at sumabay parin sa paglakad ko, sana magustuhan mo yang regalo ko. Ako mismo ang gumawa nyan.
Nasa tapat na kami agad ng compound kung saan ako nakatira. Sige po salamat. Pumasok na ako ng compound at isinara ko ang gate nito. Sa isip ko bakit parang ang cute nya.. Napangiti akong mag isa.. Pagpasok ko sa bahay ay nag aayos na ng lamesa si tita. Tinulungan ko ito.. Pasado alas onse na, nandito din si tito, sya ang nag aalaga sa panganay nila. Magbihis ka na muna sambit ni tita, sampung minuto nalang ay pasko na. Pakatapos mong magbihis ay buksan mo ang regalo namin ng tito mo sayo. Umakyat ako at dinala ang regalo ni Zandro. Hindi ko ito binuksan. Inilagay ko ito sa ilalim ng kama ni Jay. Magkasama kami ni Jay sa kwarto, sya sa kama at ako sa kutson na nakapatong sa sahig. Agad akong nagbihis at kinuha sa bag ko ang ginawa kong Christmas thank you card para kay tita at tito.