Pagbaba ko ay agad na iniabot ni tita ang dalawang box, isang malaki na may nakasulat na from tita, tito at Jay at isang maliit na box na may nakasulat na from papa. Inuna kong buksan ang regalo ni tita, isang bagong bag pang school kulay pink and black ito na may design na pusa. Kahawig ni hello kitty. Sa loob ng bag ay may 3 pares ng short at sando, lahat ito ay cotton,magaganda ang kulay.. Masarap sa mata.. Pastel color kung tawagin. Tuwang tuwa ako sa regalo nila kaya naman niyakap ko silang mag asawa at nagpasalamat. Saka ko iniabot ng card. Tita read it and shed tears. Ako man ay umiiyak ng isinulat ko iyon. Naka saad doon ang aking buong pusong pagpapasalamat at ang hiling na sana bago magbagong taon ay madalaw ko si papa. Sabi nya buksan mo ang regalo ni papa mo. Binuksan ko ito. Nakita ko ang singsing ni papa na gold may batong kulay green na Square. Para itong ring na ibinibigay sa kasunod na henerasyon. Malaki pa sakin ung singsing, isa pa ay panlalaki ito.. May kasamang kwintas na makapal din at maliit na liham galing kay papa. Nagpaalam akong aakyat sa kwarto para basahin ang sulat. Pumayag naman si tita kasi alam nya na kumain na ako sa pinanggalingan kong party. Pag-akyat sa kwarto ay agad kong binasa ang liham. Naka uwi na pala si papa nung nakaraang linggo lang pero sabi nya ay hindi pa sya lubusang magaling dahil tumakas lamang sya sa ospital kasi pakiramdam daw nya ay pinag aaralan na lamang sya ng sya ng mga intern doon sa ospital, lumaki na ang gastos at naubos na ang savings nya, savings na nakalaan sa tuition fee ko. Doon kasi sa Assumption College ang tuition ko kada taon ay umaabot ng 40,000 pesos-way back 1999 ay malaking halaga na iyon, bukod pa doon ang mga libro, gala uniform, daily school uniform, P. E uniform, field trip, school service, projects at iba pa. Pero kinakaya ni papa na kitain at ipunin lahat ng gastusin na yun, since dalawa lang naman kaming magkasama bago dumating ang step mother ko. Sa amin kasing tatlong magkakapatid ako lang ang pumili na sumama kay papa noong papiliin nila kami ni mama kung kanino sasama bago sila naghiwalay at mula noong ay hindi ko na muling nakita si mama. Noong March bago na confine si papa ay wala pang isang buwan sa bahay namin ang bago nyang asawa, okay naman si mama Tina, mabait naman sya. Pero hindi kami nagkaron ng pagkakataon para maging close dahil sa nangyari kay papa. Itinuloy ko ang pagbasa sa liham ni papa, huwag kang mag-alala anak, higit na maayos na ang aking pakiramdaman sa ngayon, naalis na ang tubig sa aking baga. Masaya ako sa nabasa kong iyon, naisip ko na siguro ay malapit na akong bumalik sa Bulacan gayon pa man ay may kaunti rin akong lungkot na naramdaman kasi may mga kaibigan narin ako sa bago kong paaralan. Pero mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan kong umuwi na sa Bulacan at makasama na ulit si papa. Sab pa ni papa sa sulat na pupuntahan nya ako sa linggo. Mag-aral kang mabuti anak. Mahal na mahal kita, sorry kung naranasan mo ang hirap dahil nagkasakit ako. Sorry anak. Doon na tumulo ang luha ko pero hindi ko sinisisi si papa dahil wala naman syang kasalanan sa nangyari, hindi naman nya iyon ginusto.
Matapos kong mailabas ang luha ko ay naisipan ko naman na buksan ang regalong galing kay kuya Zandro. Napanganga ako pagbukas ko niyo. It's a painting of a man, anime character that I am not familiar with but I think its InuYasha thinking about Kagome. Then I notice the 3 words written there that makes may eyes go wide, how will I be able to display this gift. When it actually say I love you, written on like a cloud or though icon.. From InuYasha's mind. Ang ganda ng painting, naalala ko ng sabihin nya kanina na sya mismo ang gumawa nito. Naisip ko bigla na... Aba may talento pala si kuya sa pagpipinta akala ko talent nya lang ang ngumiti at magsabi ng sorry. Bahagya akong napangiti kasi naalala ko kanina na hindi ko na mabilang kung ilang beses syang nagsorry sakin. Kahit gaano kaliit na bagay ay ihihingi nya ng sorry. Biglang may kumatok sa kwarto, si tita pakibukas ng pinto, binuksan ko ito agad, buhat nya si Jay, tulog na ito. Inilapag na nya sa kama. Anak anong nakuha mo sa exchange gift? Tanong nya, di ko alam kung ipapakita ko ba o hindi. Pero magagalit sya kung wala akong natanggap kasi sya ang bumili ng regalo kong isang set ng plato, kasi ang theme ng gift ay something useful. Nahihiya man ako ay inilabas ko ang painting, napa wow naman agad si tita sabay sabing ang ganda naman, kanino galing? Kay Zandro o Zandre tanong pa nya, kay kuya Zandro po. Pero ibabalik ko nalang po. Bakit naman sabi ng tita ko, kasi po baka magalit ka eh, walang kaso sakin yan anak, naging dalaga rin ako. Sakin ay wala kang dapat itago pero sa ibang tita mo ay hindi natin yan maaring ipakita. Sabay ng naughty smile na lumabas sa kanyang labi, eh type mo ba?
Po?? Sino po?? Si kuya Zandro?? Naku tita hindi po, parang kuya ko na yun matandang di hamak yun kaysa sakin. Isa pa nakikipagkaibigan lang po yung tao. Natawa si tita, gaga nakikipagkaibigan ka dyan, tignan mo nga yang regalo nya sayo, does it say I want you to be my friend?? Mapang asar na ngiti ni tita. Sabay sabing anak walang masama sa pagkakaron ng manliligaw, natural lang yun kasi hindi ka naman pangit, isa pa ay nasa sa iyo yan kung sasagutin mo sila.., sila?? Ang wika kong nagtataka..?? Kanina si kuya Zandro lamang ang pinag uusapan namin ah... Bakit naging sila?? Saka lang naalala ni tita na may naghihintay pala sakin sa baba, hala anak nakalimutan ko, may bisita ka sa baba. Kaklase mo daw sya, Jesti, Jestro ah basta may Jes sa pangalan nya. Bumaba ka na, nandon sya at kausap ng uncle mo. Hala tita, sana di mo na pinapasok. Baka makita pa po nila tita or ni nanay malalagot po ako, bakit ka malalagot? sige na bumaba ka na at ako na ang bahala kapag nagalit sila, Ikaw ba nagpapunta dito, isa pa ikaw ba ang nanliligaw?-nakangiting sabi nya, oh sya... Baba na don.. Diosmio naman tong Jester na to, paskong pasko alas dose pasado na. Nagulat ako pagdating ko sa sala, naka puting pantalon sya at black na polong nakabukas lang ang ibabang botones. Tanging isa lang sa pinakataas ang nakasara kaya kita rin ang panloob nyang sandong itim, mukang bagong gupit din ito. Naka gel ang buhok. Samantalang ako ay naka short at sando lang. Kamusta? Ang gwapo mo ngayon ah... Saan ang binyag? Magnininong ka ba? Sunod-sunod kong tanong. Napatayo sya ng marinig ako. Tumayo din si uncle at nagsabing aakyat na sya, huwag ka ng lalabas anak at ilock mo ang pinto sa paglabas ng bisita mo, bumaba naman si tita at naghanda ng juice. Iho bakit naman paskong pasko kang umakyat ng ligaw dito sa anak ko.? Napalunok si Jester pero bigla syang tinawanan ni tita ko ng mahalatang kinabahan ito. Nagbibiro lang ako, ito ang juice at sandwich, gusto mo ba ng pancit? Hi... Hin... Di.. Na... Po.. sagot ni Jester. Halatang sobrang kaba nya.
"Huy! Ano ba kasing ginagawa mo dito?
"Ahhh... Eehhh... Kasi ano..
.... Sabay sabat na naman ng tita ko habang umaakyat ito sa hagdan...
" Edi manliligaw, ano pa nga ba? Maiwan ko n kayo,
.. un lang at narinig ko sumara na ang kwarto sa itaas. Binalot ng katahimikan ang bahay.
"Huy ano na? Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito, paskong pasko.. Hindi ka ba hinahanap sa inyo? At pusturang pustura ka pa..
.
..May kinuha sya sa tabi nya at iniabot ito sakin. 3 white roses at isang heart shape na Ferrero chocolates,
".. ay wow... Thank you... Akala ko pasko... Valentines na pala... Pagbibiro ko sa kanya. Napainom sya ng juice parang naghahanap ng salitang bibitawan. May kinuha sya ulit na maliit na kahon.
" Para sayo rin pala ito.
.. Tinanggap ko nalang kasi nag effort sya, nakakahiya namang tanggihan.
"Pumunta lang ako ako para ibigay ang mga yan sayo. Merry Christmas Ash. Sana makuha mo ang kung ano mang kahilingan na meron ka...
...Nakangiti nyang sabi,
"Merry Christmas din sayo, kaya lang wala akong regalo sabi ko.
...Ngumiti lang sya at nagsabing uuwi na rin.
"Sige, mag iingat ka.
....Madami pa namang tao sa labas kaya hindi pa delikado. Simugaw ako at nagpaalam kay tita, ihahatid ko lang po sa malapit si Jester. Hindi ko napansin na nakalabas ako ng bahay na hawak ang white roses na bigay nya, naglakad kami at ng makarating sa lampas bahay nila Zandro ay nagpaalam na ako kay Jester ng tuluyan, habang pauwi ay biglang may humarang sa dadaanan ko, amoy alak pag-angat ng aking mata ay nakita ko ang malungkot na mukha ni Zandro.
Bigla siyang nagtanong...
" Boyfriend mo?
" Ha?? Hindi ah...
" Manliligaw??
" Ay ewan ko don, kaklase ko sya. Bakit?
"Wala naman,
... lumiwanag ang kanyang mukha, saka ngumiti.
..Nakita mo na ba yung regalo ko? Tanong nya, nagkunwari naman akong hindi pa. Ewan ko kung bakit naalala ko yung nakasulat don at nailang ako bigla,
"Sige kuya, makikiraan po. Uuwi na ko at baka hinahanap na ako ni tita.
..Paalis na ko ng bigla nyan hawakan ang pulsuhan ko, may biglang parang kuryenteng dumaloy sa kalamnan ko kaya mabilis kong hinila ang kamay ko at nabitawan naman nya agad.
"Ano ba? ...Medyo napalakas ang boses ko,
..nagsorry sya... So... So.. Sorry nabigla lang ako sabi nya, pero pwede bang makiusap na huwag mo muna syang sasagutin...?
" Huh?? Sasagutin?? Kaklase ko lang yun, bakit ko naman sasagutin eh hindi ko naman yun magliligaw. Kaibigan ko yun, siguro nga lahat kaming mga babae sa barkada ay dinalhan nya ng ng regalo.
" Impossible yun sabi nya, sigurado akong nanliligaw rin sya sayo...
Naguluhan ako sa salitang RIN na para bang 2 or higit pa ang taong tinutukoy. Ay ewan... At umalis na ko, pakielamero sa life naman itong si kuya.. Bigla kong naisip yung painting nya, does it mean he's courting me??? Napaisip ako.. Hmp... Bahala nga sila.. Pumasok ako sa bahay at bahagyang sumigaw... Tita nandito na po ako, ililigpit ko lang dito at aakyat na rin po ako.. Nilock ko ang pinto at niligpit ang pinag inuman namin ng juice ni Jester. Saka na ako umakyat. Bago humiga ay binuksan ko ang regalo ni Jester, isang silver bracelet.. May maliit na letter,
Hi Ash.. Sorry ha, hindi ko alam kung paano aamin ng damdamin sayo pero pakiramdam ko yung crush ko sayo ay unti unti ng nagiging love. Sorry kung nag ipon ako para ibili nitong bracelet para sayo. Alam ko sasabihin mo na sayang lang yung pera pero inipon ko talaga ito. Inisip ko pa kung yayayain ba kitang manood ng sine o ibibili kita nito. Sana ay huwag mo itong ibalik sakin. Sana suoting mo ito araw araw. Salamat sa pagiging mabait sakin kahit makulit ako, salamat sa pagsusungit mo kapag hindi ako nakikinig sayo, alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin lalo at focus ka sa pag-aaral. Pero sana hayaan mo lang ako na mahalin ka, sana payagan mo lang ako na ligawan ka. Sapat na sakin yun, hindi ko hihilingin na sagutin mo ako. Basta hayaan mo lang ako. Merry Christmas Ash.