Christmas morning.

1807 Words
Almost 2am na ng makatulog ako kagabi. Hindi ko isinuot yung bracelet ko kasi ayaw ko na magtanong ang mga tita ko kung saan ito galing, isinabit ko lang ito sa may sabitan sa pader ng kwarto namin ni Jay. Nakabihis na ako at handa na kaming magsimba, hindi ko napansin na kinuha ni tita yung bracelet na nakasabit, nauna akong lumabas at ng naglalakad na kaming lahat ay kinuha nya ito sa bulsa nya. Anak, merry Christmas sabay abot ng bracelet. Kaya ang dating sa lahat ay si tita ang bumili nito at nagregalo. Napangiti naman ako at nagpasalamat. Walking distance lamang ang simbahan, 2 bahay lamang ang pagitan nito sa bahay nila Jester. Ng malapit na kami sa simbahan ay nakita kong naka upo sa labas ng bahay si Jester, nakatingin ito sa akin. Bumaba ang tingin nya sa pala pulsuhan ko at saka nagtapon ang isang napakatamis ng ngiti ng makitang suot ko ang bracelet, ngumiti lamang ako ng bahagya at kumuko. Hanggang makarating kami sa simbahan. Ang misa kapag umaga ng pasko ay palaging pamisa ng aming pamilya. Kaya naman ang mga tita at tito ko ay gustong kumpleto kaming lahat, ng matapos ang misa at naglakad na kaming pauwi sa compound. Walang Zandro na nakatanaw sa bintana ngayon. Naisip ko n baka tulog pa iyon dahil inumaga na yata sa pag iinom. Pagdating sa compound nagsimula na kaming magkainan, pagkatapos ay may mga palaro. Masaya ang umagang iyon. Lalo na kapag nananalo ako sa palaro, may perang premyo. Nagpapila din ang iba kong tita sa aming magpipinsan. Pila para mabigyan ng aginaldo. May nagbigay ng tag 100, 200, 50 .sa mga ganitong pagkakataon, parang ang sarap maging bata nalang. Pagkatapos naman ay bigayan na ng regalo. Ganon parin. Halos ang lahat ay para sa aming mga bata. Ang dami kong damit, magkakaterno. Iyon namang isa kong tita ay nagregalo sakin ng 10 boxes ng likas papaya soap. Nagdadalaga na daw ako kaya kailangan ko ng alagaan ang kutis ko. Makinis ako pero hindi gaanong maputi. Sakto lang sa tingin ko pero sabi nya ay may ipuputi pa raw ako. Eh ano pa bang magagawa, ako na ang binigyan.. Masaya rin ako kasi maganda ngang tignan sa babae ang makinis na ay maputi pa. Naisip ko rin. Natapos ang maghapon at maaga akong natulog, bukod sa pagod ako maghapon ay bitin ang tulog ko kahapon. Kinabukasan akala ko ay matitinda na kami ulit, pero sabi ni tita ay after New year nalang daw kasi baka walang bumili dahil madaming handa ang mga tao. Maglilinis nalang kami ng bahay, sabi ng tita ko ilipat namjn ung kama ni Jay sa kwarto nila ni tito akala ko ay para malinis lang nmin ng husto itong kwarto nmin ni Jay pero hindi. Sabi nya .. " anak yung pera na nakuha mo, gusto mo bang ibili ng single bed? Dadagdagan ko nalang kung kukulangin. Tapos iayos natin tong room para maging sayo na. ....,natuwa ako at agad na sumang ayon. Pagkatapos maglinis ay naligo na ako gayon din si tita. Kasi sabi nia ay bibili kami ng single bed yung frame lang kasi may kutson na ako n kasalukuyang nakabilad. Naisip nya lagyan din namin ng wall paper kaso hindi nya alam kung magkano iyon, naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle ng makasabay namin si Zandro. "Hi, sabi nia sakin. Hindi ko sya pinansin kunwaring hindi ko sya narinig. 4 ang isinasakay ng tricycle sa dito sa amin, 2 sa loob at 2 sa labas, sabi ni tita dyan na kayo sa loob at ako nalang sa likod. Malaking babae kasi si tita 6`9 ang height nya kaya mahihirapan sya sa loob sumakay, pinauna ako ni Zandro na makapasok sa tricycle saka siya pumasok din. Hindi pa umaandar ang tricycle ng magsalita sya,. " Sorry pala nung isang gabi, di ko sinasadyang mahawakan ka. Nabigla lang ako. ..Hindi ako sumagot, pero hindi dahil sa galit parin ako kundi dahil sa bango nya. s**t ang bango naman ng taong to, nakasandal ako sa sandalan ng tricycle...kaya medyo tapat sa ilong ko ang balikat nya.. Hmmmm ang bango. Hindi ko narinig yung iba pa nyang sinasabi.. Puro lang naman sorry....sorry blah...blah...blah... " Just forget it mahinang sabi ko. ..Yumuko naman sya, parang gusto kong pabilisin ang takbo ng tricycle pero naipit kami sandali sa traffic. "Saan pala ang punta nyo? Tanong nya, "dyan lang sa palengke, maghahanap ng single bed frame. " Para sayo? ...Mabilis na tanong nya,. "opo sagot ko. ... Eksaktong baba na namin. Sabi nia kay tita. Ate anong bed frame po ba bibilhin nyo? Kung gusto po ninyo ay kahoy nalang ang bilhin nyo at ako na po ang gagawa. Wala pong bayad yung labor, labor of love sabi pa nito ng nakangiti. Natawa naman ang tita ko, sabagay mas okay nga ang kahoy ano, tas yung matitira sa pera ay maibibili pa namin ng wall paper.. Pintura nalng po at ako na ang bahala sagot na naman nya. "Seryoso kaba? Tanong ni tita, " opo basta para kay Ash. Samahan ko na po kayo, ... at sya na nga ang nagsabi ng mga kailangan. Nakaporma ito at halatang may lakad pero sabi nya ay hindi nalang daw sya aalis, tumawag sya ng tricycle at ngayon ay sakay na kami pabalik. Bitbit ang pinturang puti na 2L at isang maliit na naka sulat ay Thalo red gusto ni tita ay pink ang kwarto ko, pero kung ako ang tatanungin ay black and white sana ito. Nakarating kami sa bahay ay agad naghubad lang ng polo si Zandro. Sya na rin ang nagbaba ng mga kahoy at flywood mula sa tricycle. " Kukuha lang po ako ng gamit at magpapalit ng damit ... paalam nito kay tita. Nang maka alis si Zandro parang sinisilihan naman sa kilig itong tita ko, " oh diba, Sabi ko sayo eh.,may tama sayo yung si Zandro, tignan mo at nagkaron lang nagpagkakataon na makausap ka eh umatras na agad sa lakad nya. " Naku tita baka mamaya may date yung taong yun. " Ay naku hayaan mo lang. Masaya naman siguro sya sa ginagawa nya ....nakangiti pa nitong sabi. Saka dumating si Zandro na may dalang gamit, martilyo, katam, lagare, may mga pako at turnilyo din siyang dala. Pinaakyat sya ni tita. Ito ang magiging kwarto nya anong una nong gagawin? " Kama po ate,. ... Sinukat nia ang kutson ko at nagsimula na syang maglagare ng mga kahoy. Parang hindi sya napapagod. Mula alas dyes ng umaga ay gumagawa na sya, 12:30 na ay hindi pa sya nanananghalian, tinawag sya ni tita para kumain pero tumanggi sya, sabi ay mamaya na kasi nag alamusal naman daw sya, pero ng mag ala una na ng tanghali ay sinandukan na sya ni tita saka iyon pinadala sakin sa taas, pati ang basang towel para pamunas nito.. Kumatok ako. " Kuya.. Kuya kain ka na daw po, "ay mamaya na sabi nya pero nagbukas sya ng pintuan. .... Nakita nyang hawak ko ang tray na may lamang isang baso, pitchel ng tubig, isang maliit ng bote ng softdrinks, plato na may kanin at papaitan. Luto ko iyong ulam, oo luto ko. Magaling na ko magluto ngayon. " Hala mabigat yan, ...agad nyang wika at mabilis na kinuha ang hawak ko.. "Maalikabok dito.. ..May lamesa sa hallway kaya ibinaba nya doon ang tray. Iniabot ko naman ang basang towel. Wala syang suot na sando at tumutulo ang pawis nya dahil hindi sya nagbukas ng fan sa room ko. Kinuha nya ang towel nagpunas saka sya at bumaba saglit, pinagpagan nya ang short nya sa labas ng bahay., saka bumalik sa 2nd floor. Nandon parin ako. Nakakahiya naman na iwan ko nalang sya agad samantalang kwarto ko ang ginagawa nya,. ...Akmang sisilip ako sa kwarto ko ng makabalik sya, huwag mahinang sigaw nya, I want it to be a surprise sabi nya. Napangiti naman ako at lumayo sa pinto ng kwarto ko. " Ahm kain ka na po kuya. Masarap yan, ako po nagluto nyan.. " Talaga? Sabi nya.. Na parang nagulat pa kasi marunong akong magluto. "Opo, totoo nga. Papaitan po. .. Agad syang humigop ng sabaw at natigilan. "Hindi po ba masarap? Tanong ko.. " Huh? Sino ako sabi nya.. Sabay tawa... Sa sobrang sarap sandali kong nakalimutan kung ano ang pangalan ko. Isang kutsarang sabaw palang yung ha.. Paano kapag naubos ko tong isang mangkok, baka di ko na maalala ang pagkatao oh nalangiti naman ako, Kapag nangyari yun pwede bang ipaalala mo sa akin na mahal kita. ...Napanganga nalang ako sa sinabi nya,. Walang preno. Alam kong namula ako sa sinabi nya pero di ko nalang pinatulan baka kapag inaway ko ay hindi matapos yung kwarto ko hahaha. Kumain na sya, kanina sabi nya hindi pa sya gutom pero ngayon halos makain nya pati mangkok as in naubos nya lahat ulti mong luya ng papaitan ay nawala sa mangkok. Sabi nya pagkatapos, "salamat sa napaka sarap na tanghalian. Ang swerte ng mapapangasawa mo, maganda, matalino, masipag, sexy at magaling magluto. Oh my God your a total package Ash. Your a girl worth waiting for, sana isang araw magising ka na handa ng tanggapin ako. " Kuya naman eh, kung ano anong sinasabi hahaha Sige po ibababa ko yang tray, " no! ako na ...sabi nya. Saka dinampot yun at ibinaba. Pagsunod ko ay nakita kong huhugasan nya ang mga yun, sinaway ko sya agad. "Huwag na po, kasi mapapasma po kayo. Sabi ni tita kapag pagod daw po ay huwag agad magbasa ng kamay. ....Napangiti sya, hinawakan ang dibdib sa tapat ng puso nya sabay sabing " na touch naman ako. Concern ka na pala sakin, masayang wika nito. Bigla kong narinig si Aubrey, kuya? Kuya? Tawag nito sa labas, pumunta naman agad si Zandro sa pinto, OMG kuya kaninang umaga ka pa hinahanap ni Sally sakin, sabi nya ay magkikita daw kayo ay manonood ng sine pero hindi ka dumating. Anung sasabihin ko don? 4hrs na daw syang naghihintay sa SM North, nalibot na daw nya yun ng buo pero wala ka pa. Tatawag sya ulit after 15 minutes, umuwi ka muna at kausapin mo yung babaeng yun. Hi Ash wika pa nito ng matanaw ako. Nanliligaw ba si kuya sa katanghaliang tapat? Hindi po, naggagawa po sya ng kama sa kwarto. Ah okay, may sideline ka pala eh bat nagset ka ng date with Sally? Ay naku, sya lang naman ang mapilit. Sinabi ko ngang ayaw ko, pero umoo ka parin kagabi diba. Oo na. Sige pauwi na ko. " Teka lang Ash ha, babalik ako. " Ay kuya kung may date ka po sa ibang araw mo nalang tapusin yung kwarto ko. "No! Wala akong date kaibigan ko lang yun, ikaw lang ang gusto kong i-date ...dagdag pa nito saka na tuluyang lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD