Araw-araw na practice starts at 8 am break ng 11:30 to 1PM.. 1 sharp start ng ulit... Till 5 pm.. Pagkatapos ng practice sabay sabay kaming kumain.. Buong cast ng play sama samang kumakain.. Wala naman kaming naging problema, some of them becomes our friends na.. Iba't iba ang course nila.. Next week na ang play.. Mula nung unang araw ko dito... Hindi na kami ulit nagkita ni kuya Zandro, maliban na lang sa nakikita kp kapag umuuwi ako ng Saturday... Panay lang kami text saka minsan tumatawag din sya.
..
Uuwi kami bukas.. Pinayagan kami kasi para mabigay din yung ticket para sa gusto naming manood na kasama namin. .. We also have 10 tickets in case may gustong bumili.. Ticket kapag front seat ay 1k.. Then 800....600...400..200...
Nagkayayaan sila sa bahay ni Nica, 2nd yr. Engineering students.. Ang ganda nya at sexy.. Mayaman daw ito sabi ng iba pero napaka down to earth ni ate. I have their cp numbers.. . Close na namin sila.. Pero pass ako sa pagsama sa ngayon.. Kasi maaga ako bukas... Actually I am planning na ngayon na magbyahe... After kumain.. Para maaga rin ako makapunta kay papa bukas.. I miss him na.. Ano kaya kung diretso na ko sa kanya.. Cubao lang naman ay may sakayan na papuntang Bulacan.. . Tama.. Diretso nalang ako...
After kumain ay nagpaalaman na kami.. Then pumunta na kami sa room...
"what time tayo aalis bukas? Si Jester...
" guys.. Pwede bang mauna na ko ngayon? Maaga pa naman.. Magaala sais plang.. Babyahe na ko pa Bulacan..
". Hindi ka na magpaalam?
" Hindi na.. If bukas kayo uuwi.. Text nyo nalang ako baka makasabay ko pa kayo pabalik.. Bukas din kasi ng hapon babalik diba.
. . Gusto mo ash samahan na kita?
Naku huwag na Jester alam ko naman pagod ka rin eh.. Pahinga nalang muna ha.. I can manage don't worry... Text text nalang..
Binilhan na din ng phone ni tita si Jester.. Biglang may tumawag sakin.. Nag appear ang number ni Zandro..
..I excuse myself... sagutin ko lang to guys,.
"Hi baby.. Kamusta ka na?
" hello, ito po pagod.. As always..
"Uuwi ka ba bukas?
" yes, pero ngayon pa lang babyahe na ko pa Bulacan..
"what? Gabi na baby... Bukas nalang..
" kailangan ko din kasing bumalik dito bukas.. So para di masyadong hassle byahe na ko ngayon.. Don nalang ako matutulog kay papa... Maaga pa naman eh.. Teka magbibihis muna ako...
"Wait... Huwag mo munang ibaba.. Magkita tayo sa cubao.. Coding yung sasakyan ko eh... So hindi natin pwede gamitin.. Sasamahan kita mag commute.
.
" Huwag na.. Ok lang ako.. Saka ko pinatay ang call... Tumatawag pa ulit ito pero di ko na sinagot.. Pinatay ko yung phone saka ko isinaksak.. Para bago ako matapos eh.. Full charge na iyon... Pumunta akong banyo at naligo.. Tapos nagbihis na.. Rubber shoes, t-shirt at pants.. Naka back pack ako kasi dala ko nanung iba kong gamit para mabawasan na sa after play... May dala rin akong Jacket in case lamigin sa daan..
"Ash. Mag ingat ka ha.. Hatid nalang kita sa gate.. Text me when you get there..
" matulog ka na.. Pero magtetext ako kapag nakarating ako don. Although huwag mong hintayin ha best.. See you tomorrow.
. At naghiwalay na kami sa gate.. Ini-on ko ang phone at sunod sunod na pumasok ang text ni Zandro.. Ang kulit talaga... Wala akong lakas para makipagtalo.. Pagod ako.. I texted him...sorry nagcharge ako.. Mahirap malobat sa daan.
"Sumakay ako ng jeep.. Maya maya ay tumatawag na naman sya..
" hello..
"hi, bakit di mo sinagot call ko.?
. Antayin mo ko.. Nasa bus na ko pa cubao..
" sabi ko naman sayo huwag mo na ako samahan eh
... pero may magagawa pa ba ako... Papunta na sya... Baka mauna pa sakin un..
... Sige na.. Text nalang ako kalag nandon na ako. Binaba ko na yung tawag... Pagkatapos nyang hindi magpakita for 2 months.. Ay naku naman..
..Nakaidlip ako ng bahagya sa jeep... Pagod talaga ako.. Di bale.. 1 week nalang... Kaya ko to...
Nagising naman ako agad ... Pagkasabi ng driver na oh cubao na... Agad akong pumara, bumaba at naglakad papuntang Farmers... Doon ang sakayan papuntang Bulacan... Magtetext sana ako pero nakita ko na sya agad.. Walang pinagbago ang katawan at mukha nya pero humaba ng bahagya ang buhok nya..
"Hi.. Kinalabit ko sya.. dito tayo..
Niyaya ko sya kung saan ang sakayan..
" kamusta ka? Bakit ang tamlay mo?
Kumain ka na ba?
" okay lang ako... Pagod lang.. Yes kumain na po.
" napangit sya.. Ako ba hindi mo manlang tatanungin..
"sorry ha.. Honestly kaya ayoko magpasama kasi wala akong gana magdadaldal.. Maghapon akong nagsasalita sa stage.. Medyo masakit na ang lalamunan ko..
" okay.. Gets kita..
Ayan na ang bus..
"wait ayoko mag ordinary.. Gusto ko kasi matulog sa byahe..
" no worries.. Nandito naman ako... Babantayan kita..
Saka na kami sumakay.. Baka daw kasi walang naka AC na dumaan agad eh gagabihin na kami sa byahe...
Pagsakay namin..
"sandal ka na sakin, para mahaba haba ang maitulog mo.
...hinawakan nya ang kamay ko. at agad akong nakatulog.. Itinaklob ko sa sarili ko yung jacket na dala ko.. Nakasandal lang ako sa kanya, Nagising ako malapit na kami..
"hi... Sorry ha.. Pagod na pagod lang talaga ako..
" it's okay, buti pala sinamahan kita... Pano nalang kung iba ang katabi mo?
"Actually plan kong bayaran yung 2 seat.. Tas hihiga ako hehehe
" ayan.. Ngumiti ka na, I miss you baby,
... BaBaba na tayo..
"Sige po..
..... Inalalayan ako ni Zandro pababa.. Preskong hangin ang sumasampal sa akin ngayon .. Ang sarap... Iba talaga ang simoy ng hangin dito... Compared sa manila.. Naglakad na kami papuntang pilahan at nakita ko agad ang tricycle ni papa..
Pa.. Hiyaw ko.. Napalingon sya.. Nandon sila ng mga ibang driver at nagkukwentuhan.. Wala naman akong paki alam kahit mas mataas na ako kay papa eh diretso ako don at yumakap sa kanya.
... Papa.. Kamusta ka po... Hello po mga tito.. Hi iha..
"anak mo kuya?
" oo.. Laki na ano.. Ito yung nag aaral noon bago ako nagkasakit..
"hala ang bilis lumaki.. Parang kaylan lang..
" uwi na tayo.. Gumarahe ka na.. Dala ko yung ticket mo. At hindi ka pwedeng hindi manood ng play ko... Naku naku naku...
.... Sige na mga pre.. Kapag asawa ang nagpauwi eh pwedeng tumanggi.. Pero kapag anak.. Medyo malabo..
.. Oo naman pre.. Sige ingatan mo yan.. May kasunod na palang body guard eh..
.. Saka lang lumingon si papa at nakita si Zandro..
"magandang gabi po, sabay abot ng kamay at nagmano...
" nandyan ka pala iho.. Sakay na kayo.. Tara na sa bahay.. Gutom ka na nak?
"Lechon manok gusto ko pa. Isang buo sakin lang... Di ko bibigyan tong katabi ko..
.Sigaw ko kasi maingay na ang tricycle.. Natatawa naman itong katabi ko..
" kanina lang halos di ka nagsasalita.. Ngayon sumisigaw ka na..
" Syempre... Nakita ko na si papa eh... Lagot ka.. Papauwiin ka nyan.. Kaya ayaw kita isama eh...
" hala talaga ba?
' oo.. O kaya papainumin ka nyan.. Tapos aawayin kita hahaha
"hala... So paano gagawin ko?
" sino ba makulit sa pagsama?
... Baba na mga anak..
Kumapit ako sa braso ni papa.. Nagugutom na ko pa..
Ginutom ka nitong kasama mo?
"pa ayaw nya pong kumain kanina.. Tulog p yan mula Cubao... Bale hinatid ko lang po si Ash.. Uuwi na din po ako pa..
" loko ka ba? Pasado alas otso na.. Uuwi ka pa?
Hahahahaha.. Ang lakas ng tawa ko..
"Sabi ko kasi sa kanya.. Magagalit ka kapag di sya umuwi hahaha... Natatakot na yan sayo ngayon hahaha
" loko talaga itong batang ito.. May folding bed Dyan.. Don ka na mahiga mamaya..
" pa galing kasi ako sa PUP diretso na ko dito..
Sa cubao ako sasakay tas tumawag yang mokong na yan.. Sasamahan daw ako... Huwag na kako.. Ewan dyan pagdating ko sa cubao nandon na..
" oh hindi ka pa magpasalamat at may kasama ka.. Tapos natulog ka lang sa byahe.. Eh kung wala kang kasama makakatulog ka kaya?
" sigurado pa.. Pagod talaga ako eh hahaha..
Kain na tayo.. Huwag na natin sya isali.. Hahaha
"naku Zandro.. Pasensyahan mo na ito.. Naglalambing kasi may kailangan..
" naku Pa... Wala pong kaso sakin yan, mahalaga po sakin eh masigurado ko na safe sya makakarating dito. Gabi na din po kasi.. Mabuti nga po at hindi nagshort yan..
.... Tinignan ko sya ng matalim.. Huwag ka talagang kakain ahhh..
" Hahahaha bahala ka po... Hindi naman ako gutom..
" Oh sya kain na.. Gusto mo ng softdrinks nak?
"Sprite pa..
"ako na po bibili pa.... Si Zandro..
" Naku maupo ka na dito sa harap ng lamesa..
Ma... Kain na tayo.. Tama na yan.. Gabi na..
"hala.. Akala ko wala si Mama Tina,.. Ma... Kain na po tayo...
Mamaya ay pumasok na sya.. Ano pong ginagawa nyo sa likod Ma...? Gabi na po ah...
" wala may inaayos lang.. Kanina pa ba kayo?
"hindi pa naman po.. Kararating lang halos..
Kain na po tayo..
" lumabas si papa ng mabilis lang.. Nasa tapat lang ang tindahan.. Bumili sya ng 1.5 sprite..
"...Bumili na din ako ng kanin kasi pang 2 lang naka saing for sure..kasi nandito tong alaga natin na may dragon sa tyan... Hahaha
"papa.. Naman eh... Sige ka... Hindi ako kakain.. Tapos papayat ako.. Tapos papangit ako... Tapos makukulubot ang balat ko... Tapos made- depress ako.. Tas mamamatay ako.. Oh... Gusto mo ba yun??
... Tawanan silang lahat...
Masaya kaming naghapunan.. Pagkatapos ay niyaya ko si Zandro na maupo muna sa duyan.. Tangin liwanag lang ng bwan ang meron.... Pa dyan lang kami sa duyan ha..
... Sige lang anak...
"ang kulit mo pala..
" well dito lang naman, namiss ko si papa eh... Ayoko kasing may dull moment kapag nandyan si papa.. Alam ko naman na may sakit sya ehh..
"oh... Happy lang.. Huwag mo ng isipin yan.. Ang lakas lakas ni papa eh..
" hanep ha... Talagang papa ang tawag mo sa papa ko eh hindi ko nga kilala magulang mo hahaha
"ikaw lang naman may ayaw na ipakilala kita eh...
" Hayaan mo kapag tama na ang panahon..
" ako baby, hindi mo manlang ba ako na miss?
"pwede ba naman yun, pagod lang ako pero syempre na miss kita.
... Lumabas si papa.. May dalang upuan..
"Ako na po pa..
" Hindi na iho... Huwag ka ng tumayo..
.. "pa, may BBQ sila ate lyn.. Bili tayo.. Saka red horse..
" Umiinom ka na? Tanong ni papa...
" Nung bday nya po po uminom yan.... Si Zandro
.aba.. Ilan taon ka na Ashley Cassandra?? Pinayagan ka ng mga tita mong maglasing??
"... Grabe naman yung maglasing hahaha... Saka di nila alam.. Syempre si tita Erlie lang...
"... Kaso 2 baso lang yun..
" di pa ko naka try nung ininom mo... Hahahaha
Sige na... Ngayon lang eh... Malaki naman na ko... Mas malaki na nga ako sayo eh.. Sige na kasi..
" talaga naman kapag may naisip ka eh noh... Kayong dalawa nyan ni Zandro nalang... Huwag mo na akong idamay..
"... Sige .. 2 bote lang.. Tara bili tayo... Tas anong BBQ ang gusto mo pa? Ikaw mama Tina.. Ano po gusto mo? Tara po.. Bili tayo.. Sagot ko na hahaha... Kuya Zandro... Paki dala po ng wallet mo.. Hahahaha
" nalintikan na.. Tinotopak tong anak ko hahaha..
"naku pa.. Okay lang po..
... Lumabas kami at nagsimula akong magpasalang ng bbq..
Laman... Ulo... Isaw.. Bituka... Tag sasampu yta yung kinuha ko
... Tinabihan ako ni Zandro... Baby baka mahimatay ka.." "Nope.. Don't worry di ako allergic Dyan...
... Nakainom ka na nyan??...
"Yup..
" Mukang marami kang kailangan ikwento sakin ah..
"wala naman.. Akala ko nga tumigil ka na sa panliligaw sakin eh... Sasagutin ko na si Jester after play.
...Napatitig sya sakin.. This time... Seryoso na yung mukha nya..
" Are you serious?? Sabi mo after graduation mo pa.. Sabi mo.. Medyo tumataas yung boses nya..
" anong nangyayari? Tanong ni papa...
"wala po pa.. Sorry po.. Si Ash kasi eh..
... Tas binulong ko sa kanya na... Joke lang.. Hahahaha
" ikaw talaga yung sasagutin ko after play...
Nagliwanag ang mukha nya...
Kaso joke lang din...
... "ay ewan ko sayo Ash... Di kapa umiinom.. May amats ka na.. Natatawang sabi nya..
Naluto ang BBQ bumili nga kami ng 2 red horse.. Saka yelo hahaha... Ayoko ng walang yelo..
Saka umuwi na..
" ang dami naman nito anak.. Baka naman wala na kayong pamasahe bukas..
" Okay lang po yan pa... Ako may pamasahe pa.. Ewan ko kay Zandro... Hahaha..
" Loko ka talaga... Tigilan mo na nga yan, pinagtitripan mo tong manugang ko ...kabait bait nito..
" hayaan mo lang sya pa... Minsan lang po yan maging ganyan kasaya.. Doon po sa manila.. Kasungitan lang nya ang napapansin.. Hindi ko nga po akalain na marunong magbiro si Ash eh...
" ganon ba.. Eh paano mong napansin ito..
"yung kasungitan nya po mismo pa..
... Ay may topak ka rin palang lalaki ka..
Hahahaha
Alas onse ng gabi pumasok na kami ng bahay... Nilatag ang dalawang folding bed.. Ako at si tita ang nasa kama.. Si papa at Zandro sa folding bed..
"Papa...dito ka nalang.. Kasya ka naman sa gitna eh.. Dali na.. Hindi na kita nakakatabi matulog ahhh... Isang taon na.. Grabe ka sa anak mo, parang hindi mo na ko mahal talaga..
Natawa silang lahat kasi paiyak na ko..
"Naku papa.. Tabihan mo na tong prinsesa mo... Ako na dyan.. - si mama Tina
.. Yehey.....
" Hala.. Oi mahiya ka.. Nandyan ang manliligaw mo oh..
"Wala po akong paki.. If ayaw nya na sakin.. Pwede syang tumigil any time.basta tabi tayong matutulog..
...Sama sama kami.. Maliit lang ang bahay... Ang folding bed ay katabi lang ng kama..
Nakatulog akong naka yakap kay papa..
Maaga akong nagising pero wala na si papa sa tabi ko.. Madilim pa ah... 5am..tulog pa si Zandro... Sya nalang ang tulog kasi wala din si tita.. Tumingin ako sa labas at wala don ang tricycle... Malamang bumili na sila ng almusal...
Humiga akong muli at nagbalot sa kumot..
Maya maya medyo nagliliwanag na ay wala. Parin sila papa... Tumayo ako.. I gave Zandro a sweet kiss on forehead..
" Good morning handsome...
Napangiti naman ito...."good morning gorgeous..
"Sumakit likod mo dyan? Umiling lang sya... Wala. Kang dalang bag.. Means wala kang dalang toothbrush no.. Hehehe
Naligpit ko na ang higaan ko.. I check sa lalagyan kung may extra toothbrush... At meron nga.. Here sabi ko sabay abot... Narinig ko ang tricycle ni papa... Kasalukuyang nagtitiklop si Zandro ng hinigaan nya.. At nag to toothbrush naman ako sa lababo...
Bumukas ang pinto.. Oh... Gising na kayo agad..
" maaga din kasi kaming babyahe pa... Kasi dadaan din ako kila tita, para ibigay yung ticket nya at mag uwi ng iba kong gamit.
Ganon ba.. Sige pero mag almusal muna kayo..
" pagbukas ng plastic agad kong naamoy... Oh my God... Niyakap ko si papa... Amoy palang alam mo na.. Iba talaga yang tyan mo...
...Kaya pala ang aga nyong umalis..
Zandro you have to taste this puto... Malayo pa yan nabibili.. Almost 1hr. Na byahe..
" talaga ba? Sige try natin..
" ako din... Haha
Pagkagat ko... Ugh! Heaven... Natawa si papa..
"hala ang sarap nga po..si Zandro..
Isang box yan.. Kainin nyo sa byahe..
" Salamat pa.. Teka pala.. Alam mo po ba yung araneta.. Saan ba tayo magkikita eh bawal na akong lumabas non?
" Ako na po ang bahala..
Pa sunduin kita dito ng mga alas dose po ng tanghali sa June 2, then daanan natin si Tita Erlie.. Sabay sabay na po tayong manood..
" hindi ka naman coding non?
"hindi po..wala pong coding kapag Sunday..
" good.. Text text nalang..
... So wala. Na akong... poproblemahin?..tanong ni papa
"yes po pa.. Alas dose po nandito na ako... Sigurado yun.. Sa Sunday na yan pa ha.. Habol ko pa.
... Oh sya.. Maliligo na ako at kami ay babyahe na.. Ewan ko ba dito sa kasama ko.. Sumama pero walang dala ultimo bri*f..
... Natawa si papa... Ganon talaga ang lalaki... Ikaw talaga..
Hindi lahat ng tao kasing dalas mong maligo.. Kaya pati pawis mo amoy sabon na..
..."at least kahit di ako maganda... Mabango ako hahaha...
Tumalikod na ako.. Diretso sa banyo...
Paglabas ko.. Mukang naghilamos naman na itong kasama ko.. Pero unfairness mukha parin syang mabango.. Nagkukwentuhan lang sila ni papa.. Luckily magkasundo sila.. Napansin agad nilang nandito na ko.. Galing nyo ah... Dahan dahan n nga ako eh...
"anak paglabas mo sa cr naaamoy na kita..
... Ay grabe ka na sakin pa.... ? ?
" psit... Uwi na tayo... Lingon naman agad si Zandro..
"ready na po ako.. Tatayo nalang.. Ikaw hindi pa nakasuklay.. Wala ka pang sapatos..
" oo na... Oo na.. Huwag kang tatabi sakin sa bus ah.. Mabaho ka.. Hahaha
Tuluyan na akong pumasok at nag asikaso ng sarili... After 20 minutes ready to go na ako..
" papa.. Uwi na po kami.. Susunduin ka ni Zandro ha.. Tapos ihahatid ka din namin after..
"pwede naman don nalang muna si papa matulog sa unit ko, tapos umaga na natin sya ihatid. Kahit kayong dalawa don na matulog..
" thank you kiya Zandro..
"... Buti at marunong naman pala sya magpasalamat.. Nangingiti si Papa... anong tawag mo sa kanya? kuya Zandro?.. patay tayo dyan.
" opo pa... Mabait naman sakin yang si Ash..
" buti kung ganon.. Anak itong si Zandro.. Hindi kita ipagkakatiwala dito kung nakikita kong gago to.. Kilala mo naman ako.. Marunong ako kumilatis ng tao..
"opo.. Opo.. Alam ko naman..
" isa pa.. Nakikita ko na mahal ka naman nitong batang to..
Kaya parang anak na din sakin to eh..
"ay salamat po pa.. Promise po ako bahala kay Ash.. I got her back...
" I got her back daw.. Eh 2 months tayong di nagkita haha
"pero araw araw ako nagtetext... Hindi lang talaga kita inistorbo..
Oh sya magbyahe na kayo at mainit na mamaya..
- opo pa.. Aalis na po kami..
" sumakay na kayo.. Hatid ko na kayo sa sakayan ng bus... Yung puto mo.. Huwag mong kalimutan...saka ito..
Bimunot ang wallet nya... Sabay abot ng 3k..
... May pera pa ako pa.. Yung bigay mo nakaraan di ko pa po nababawasan.. Tas binigyan din ako ng pera ni lola.. 3k tapos si tita elvie 2k.. Tas 2k..at 1k..tas 2k...nasa wallet ko lang po lahat hehehe..
"ihulog mo sa bangko mo anak.. Para maipon lang..
Naghulog din ako don nung may 18.. 10k.. Paki check mo pala kung pumasok ah..
.. Sige po.. Saka sumakay na ako sa tricycle..
Sama ka?... Nakangising tanong ko kay Zandro..
Saka na ito pumasok.. Ang kulit mo talaga.. I love that side of yours..
Nakarating kami sa sakayan.. Yumakap ako kay papa at nagmano.. Nagmano din si Zandro at saka na kami nagpaalam kay papa..
Hawak ni kuya Zandro ang kamay ko.. Umakyat na kami sa bus na naupo..
"baka tulugan mo ko ulit buong byahe..
" syempre naman hahaha
"grabe.. Hindi mo manlang ako namiss samantalang ikaw miss na miss ko...
".. Weh.. Talaga ba.?
Hindi mo nga ako dinalaw eh..
" ilang beses po ako nag stay sa condo attempting to visit you.. Mga 3x akong pumasok at nakita kang kumakain sa canteen.. Nakita ko sa itsura mo na pagod na pagod kaya hinayaan nalang kita..
"tulala ako ng sabihin nya yun.. At.. Hindi mo manlang naisip na sabihin sakin?
" opo, kasi nga gusto ko na magpahinga ka nalang...
At hindi mo alam.. I watched your practice a couple of times..one time..Nakapants na black.. Hooded jacket na black... White shirt at converse shoes.. Nag iisa sa dulo... Pero napansin mo..
Kuya.. Try mong lumapit para di sayang panonood mo dyan..... Remember?
"s**t! Ikaw yun? Hahaha salbahe ka ha..
" yep.. I am watching you from far... Akala ko nga makikilala mo ako eh... Ayoko lang na maistorbo ka.. Isa pa ang galing mo po talaga and story was sooo good..
.. Hindi mo na pala need manood eh..
Speaking of.. Ito po ticket mo.. Front seat yan..
." Magkano po?
" that's on me..
"no baby.. Babayaran ko to..
" ah... So kapag sagot mo bawal ako magreklamo.. Pero kapag sagot ko... Bawal?? Kasi mayaman ka??
.. "wala akong sinabing ganon.. Pero kasi 2 yung kukunin ko.. Sama ko si utol..
" zandre?
'"Aubrey.. Kasi kinwento namin sa kanya na ang galing mo sa Romeo and Juliet eh.. Kaso hindi sya nakanood.. Kaya bawi daw sya ngayon..
" okay... Here.. 1k each po yung front seat..
Isa lang bayaran mo.. Sagot ko parin yung sayo... And I won't take no for an answer.
" pero..
"pero what??
Susunduin mo at ihahatid ang papa ko pati si tita.. Tapos you let me and papa stay sa unit mo.. Tapos isang ticket lang bawal ko ibigay sayo?
" okay okay... Thank you po.. Saka binunot ang wallet nya inabot ang 1k sakin at nilagay ang ticket doon..
... After play ng Sunday.. Monday iuuwi na namin yung gamit namin.. Then Rush na kami kasi may pasok na ng Monday dapat.. Di pa kami makakapasok.. Tuesday papasok na ko sa school...
Sana maraming manood.. Para sulit yung pagod namin..
Sa pagkakaalam ko.. 1300+ tickets na yung sold last week eh..
"Wow! Ang dami palang manonood...
" We are expecting at least 3k people...
"woah... Thats a lot.. Good luck baby..
... Sabi nila Sir. there will be some producers.. Talent scouts.. Even movie director to watch our play.. So wala namang pressure hahaha
.. kayang-kaya mo yan baby, you we're born to act..
" mas okay parin sakin mag-aral.. Kung hindi naman dahil don sa play na dapat project lang nmn namin eh hindi naman magiging Ganito.
" exactly... Diba parang tadhana na yung gumawa ng paraan..
"sa bagay, eh ikaw ba.. Anung bago sayo, bukod sa kinda long hair ka na.. I love it.
" wala naman po masyado.. Everything is okay na sa papasukan ko, so waiting nalang ako ng pasukan.
"good,. Good.. Galingan mo rin ha..
" medyo nag aalangan nga ako kasi at this age supposed to be.. Nagwowork na ko..
" ilang taon ka na ba?
" 22
"well di ka naman mukang matanda.. Saka ganon talaga.. Kaysa naman ma-realize mo na gusto mong mag-aral kapag 40 ka na.. Kasi kahit may kaya kayo.. Dapat either work or business at least meron ka.. That is for you own good..
" yes po and thank you for making me realize that..
" wala naman akong ginawa ah... You realize it yourself...
Nagkwentuhan lang kami buong byahe hanggang sa makarating sa Sta. Maria st...
Geh dito na po ako.. Ingats ka...
"Hatid kita later... What time ka babalik don?
Kasabay ko na sila jester.. Commute nalang po kami..
Isabay ko na kayong 4.
" sige po, sabihin ko sa kanila..
Bye.... Bye...
Tita... Tita...
"... Oh.. Akala ko after lunch pa dating mo..
Pasok na..
" galing po ako sa Bulacan., binigay ko po ticket ni papa..
Manonood po ba sila tita at lola?
Medyo madami po kasing tao.. Baka mahirapan sila..
Halika tanong natin.. Doon manananghalian lahat kila lola kasi death anniversary ni lolo mo..
..
They decided not to watch kung ganon kasi karami ang tao ay mahihirapan lang sila.. Besides mas okay yun for me kasi papa will be there tapos kasama pa nya si Zandro.. Kung malaman nila naku baka mailibing ako ng buhay.. Hahaha.. Pass 3 na... I texted Jester, Myka and Paul na ihahatid nalang kami ni Zandro mamaya at okay naman sa kanila.. Usapan namin is 4:30 para makapahinga din ng maaga.. I texted Zandro.. Before 4..nakaready na daw sya.. Naglinis muna ako ng room ko at saka na nagpaalam sa mga tita at lola ko.. Tuesday po ako uuwi.. Kasama na lahat ng gamit ko baka mga pagabi na po.. or hapon.
Nasa byahe na kami.. Napakatahimik namjng lahat.. Walang nagsasalita.. Feel naming lahat yung Tension between Jester and Zandro.. Nang makababa sa tapat ng school.. Nagkamay naman sila.. Nagpasalamat si Jester.. Nagpaalam si Zandro sakin at tuluyan ng umalis..
Tahimik parin kaming naglakad papunta sa kwarto namin..
..Awkward..
Myka ang bumasag ng katahimikan pagpasok namin sa room..
"Girl... Sino yun? Ang gwapo ha.. Boyfriend mo?
"hindi ah.. Or... Hindi pa.. Nagtawanan kami.. At nagpahinga ng maaga.. Starting tomorrow.. Till 7 na yung practice namin....