Kyle Joshua Cristobal’s POV "Daddy, why did you kill us?" untag ng isang batang lalaki sa harapan ko. "Yes daddy! And why did you hurt mommy so much? She loves you, but you broke her heart!" galit na sabi naman ng batang babae. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Pero sigurado ako kung sino ang dalawang batang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako nakasagot sa kanila. Tumalikod na sila at unti-unting tumakbo sa babaeng nakatalikod sa akin. Hinawakan nila ang magkabilang kamay niya. Humarap ulit ang dalawang bata sa akin. "We hate you daddy!" sabay na sigaw nila at naglakad na palayo. Lumingon sa akin ang babaeng kasama nila, hindi maipagkakaila ang galit at poot sa mga mata nya. Pinilit ko silang habulin ngunit unti unti na silang naglaho sa paningin ko. Yssabelle… mga anak ko… Maraha

