Chapter 32

2101 Words

Pagdating ko sa bahay, tinapon ko lahat ng makita ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko ng paulit-ulit. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Pinaniwalaan ko ang mali at ginawa kong kasinungalingan ang tama! Nagagalit ako sa sarili ko. Sana sa una palang nakinig na ako kay Yssabelle. Sana hindi ko isinara ang mga tainga ko sa pakikinig. Ilang beses niyang gustong ipaliwanag ang sarili nya pero tinganggihan ko lang siya. Ang dami kong sinayang na pagkakataon. Sinira ko lahat nang dahil sa maling paniniwala! Galit na galit ako sa sarili kong ina. Nagawa niya kaming paikutin ni Yssabelle! Nagtagumpay siyang ilayo sa akin ang taong mahal ko! Pumunta ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko. Ang mukhang ‘to, nananalaytay ang dugo ni Cristina Cristobal sa mga ugat ko. Ang taong sumira ng buhay ko!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD