Hindi ko lubos maisip na si Yssabelle na mismo ang umiwan sa akin. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan at bawiin lahat ng mga sinabi ko sa kanya ay ginawa ko na. Kaso hindi na pwede, totoo ngang nasa huli ang pagsisisi. Ilang araw na rin akong tulala, pumupunta ako sakanila pero ang sabi ng mga kapitbahay nila ay lumipat na raw sila ng ibang bahay. Nag-hire pa ako ng isang private investigator para ipahanap sila pero hanggang ngayon ay wala pa rin talagang balita. Pumunta na rin ako sa trabaho ni Yssabelle, kaso ay nag-resign na pala siya. Mas lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa na makikita ko pa siya. Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung nasaan na nga ba sila ngayon. Pag nag iisa ako, naiisip ko lahat ng mga maling ginawa ko sa kanya… lahat ng mga kasamaan na isinukli ko. Masyado ako

