Kyle Joshua Cristobal’s POV Nanginig ang buong pagkatao ko nang makita ko ang dugong dumadaloy sa pagitan ng hita ni Yssabelle. Hindi ako makagalaw. Nanlamig ako sa nakita ko. Ang putla putla niya, halos mawalan na sya ng kulay. "What the— move! Kyle!" dun lang ako natauhan nang sumigaw si mommy sa tabi ko. Dali dali akong napatakbo kay Yssabelle at binuhat siya. Mabilis akong lumabas ng bahay, ganun din si mommy. Sari saring konklusyon ang nabubuo mula sa utak ko. Ang alam ko lang ay nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako dahil malaki ang posibilidad na baka... Hindi pa man ako nakakalapit sa kotse ko nang may biglang humawak sa akin. "G*go ka! Anong ginawa mo sakanya?!" si Stephen. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito ngayon pero wala na akong oras na makipagtalo pa sa kan

