Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap at pinapansin ni Kyle. Nandito ulit ako sa bahay niya dahil pinabalik niya ako rito halos dalawang linggo na ang nakakaraan. Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin, hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang kagustuhan niya. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, ramdam na ramdam kong napapalayo na siya sa akin. Magkasama nga kami sa iisang bubong, pero parang hangin lang naman ako kung ituring niya. Ni hindi nga ako kayang tingnan ang lahat. Pero ayos lang ‘yon. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na dapat ay magtiis ako. Magtitiis ako hanggang sa mabura ulit ang galit sa puso niya. Hindi na rin kami nag sasama sa iisang kwarto. Sa bodega ako natutulog kasama ang mga lumang gamit sa bahay niya. Isa pa, hindi lang din kami ang nakatira s

