Yssabelle Dizon’s POV "Yssabelle?" gulat na sabi ni Stephen pagbukas niya ng pintuan. Hindi ko alam kung paano ba ako napunta dito sa condo niya. Dinala na lang ako ng paa ko papunta sa kanya. Ayokong umuwi sa bahay o takbuhan si Carla kasi alam kong magagalit na naman sila sa akin kapag nalaman nilang ipinagtabuyan na naman ako ni Kyle. Hindi ko nasagot pa si Stephen dahil tuluyan na akong napahagulgol sa dibdib niya. "Yssabelle, ano’ng nangyari? Sinaktan ka ba niya?" iginiya niya ako papasok sa loob at marahang pinaupo sa sofa. Tumabi siya sa ‘kin. "Anong ginawa niya sa ‘yo?" bakas na bakas ang pagaalala sa boses ni Stephen. "Yssa, magsalita ka naman. Please… sabihin mo kung ano’ng nangyari," niyakap niya ako at hinaplos ang aking ulo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko ka

