The Father of her Child.
" Hon," mabilis na naitapon ni Ariyah ang hawak na pregnancy test sa trashbin na narito sa banyo nang marinig niya ang boses ni Yael na mukhang nakauwi na mula sa maghapon niyong trabaho sa opisina.
" Honey," muli niyang narinig ang boses nito. naririnig na rin niya ang mga mahinang katok sa labas ng pinto nitong banyo.
" Sandale! I'm here, honey, lalabas na ko," sigaw niya para marinig nito ang boses niya. nagmadali siyang lumaba ng toilet at kaagad na tinungo ang pinto para buksan.
" Why is it locked?" tanong nito na tila nagtataka. hindi naman siya agad nakasagot. umawang ang kanyang bibig.
" Honey, what's wrong? you look grumpy today. may masakit ba sayo?" nagulat siya at saka napaatras ng tangka nitong hahawakan ang mukha niya.
Nagulat naman si Yael sa naging kilos ng asawa. May pagtataka sa mukha nito ng tumingin sakanya.
" S-Sorry, nagulat lang ako." hingi niya ng paumanhin dito. ngunit si Yael ay may napapansin sa kanya. may ilang araw na siyang ganito.
Iwas na iwas siya na magkadikit sila ng kanyang asawa.
Hindi sa kung ano mang dahilan, Kundi dahil siya mismo, hindi alam kung paano pa maayos ang ginawa niya.
Pakiramdam niya kasi ay wala siyang karapatan na hawakan- o kahit dumikit manlang sa kanyang asawa. Mula ng ginawa niya ang bagay na 'yon. Hindi na uli naging madali sa kanya ang lahat.
" Fine, I know your tired. I'll just take a quick bath. then, We'll eat. nakahanda na raw sa baba ang hapunan sabi ni Mari,"
Pinisil nito ang kanyang pisngi. hindi n siya nakaiwas ng lumapat sa kanyang labi ang labi ng asawa.
Napapikit nalamang siya at saka dinama ang halik nito.
Parang naiiyak siya sa mga sandaling ito. walang pagsidlan ang bigat ng kanyang dibdib dahil sa kasalan niya sa asawa!
Nang magtungo ito sa banyo para maligo ay doon pa lang siya nakahinga ng maluwag.
Nauna na siyang bumaba sa dinning , Naabutan pa niya ang ilang kasambahay nila na abala sa pag prepare ng hapunan nila.
Ngayong gabi ay dito kakain ang mga magulang ni Yael kasama na ang kaniyang mga kapatid. isa na roon si Vincent. napabuntong hininga na lamang ako.
" Ma'am, nariyan na raw po sa labas ang mga bisita. " napalingon ako kay Edna ng bumungad ito sa front door.
" Ah, sige. papasukin mo nalang., " Mukhang nariyan na nga sila.
Ilang sandale ay bumaba na rin si Yael habang may taimtim na tingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil parang masusunog na sa init ang mukha ko sa paraan niya kung tumitig sa akin. ..
Nang makalapit siya sa pwesto ko. narinig kong bumuntong hininga siya.
" Why aren't you told me that your already pregnant with our child? Balak mo ba itago sakin?" napsinghap ako.
Dagli ko siyang tinitignan. ano? p-paano niya nalaman?
Sino ang nagsabi-
Natigilan siya nang mapagtanto na kung bakit nito nalaman ang secreto niya!
Parang bigla nanakit ang ulo niya.
" Kuya! Ate!" kapwa kami napatingin sa pinto ng patakbo na pumasok si Abegail mula roon habang malapad ang ngiti samin.
" Baby," kaagad silang nagyakap ni Yael.
She's the youngest. she's fifteen years old. samantala si Yael ay Thirty five na.
Sunod na pumasok ang kanilang ina si Mrs. Ysabele Montebañez kasunod ang kanilang ama. si Mr. Leandro Montebañez, sa likod naman nito ay ang pangalawa sa mga anak ng mga ito, si Vince.
Nagtagpo ang mga mata namin ni Vince. Nginisihan niya ako. pero iyong ngisi na hindi natutuwa.
Kinilabutan ako!
" Dad, Mom, what brings you here?" tanong ni Yael sa kanila.
" Kuya! Namimiss na kasi kita e. hindi na kayo ni Ate Ariyah pumupunta ng mansyon, So, I suggest to them to visit you instead. and here we are! Hindi ka ba masaya na nandito kami?" napanguso si Abe sa harap ng kanyang kuya.
Ngumiti naman si Yael sa kanya.
" Who wouldn't be happy? I'm just surprised," tumingin siya sakin.
" And speaking for surprise, My wife here... your ate Ariyah and me- has a good news for all of you," Tumitiy siya sakin.
Oh, No!
Aksidente ako napatingin sa pwesto ni Vincent. at ganoon nalang ang Kaaba ko nang ismiran niya ako.
Ang higit kong kinabaha ay ng makita iyon ni Yael!
" And what is that, son?" tanong na rin ni mommy Ysa. tumingin pa siya sakin.
" Tell them, honey," udyok ni Yael sa kin. napalunok ako.
hindi pwede! anong gagawin ko?
" Yes, tell them... and also, tell them who is the father of your child," Narinig kong suminghap si mommy Ysa, si Abe naman ay nagtataka na tumingin sa kuya Vincent niya.
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa narinig!
" What are you talking about?" nilapitan ni Yael si Vincent at kinwelyuhan!
Nataranta naman ako at inawat sila. pero tinabig ako ni Yael.
" Ulitin mo ang sinabi mo?" mas humigpit ang hawak niya sa leeg ni Vincent.
" Son, Calm down," may pagtataka akong tinignan ni mommy Ysa, Si daddy Leandro naman ay tahimik lang.
"Matagal ko nang alam kuya, Na yang asawa mo- nakipag one night stand sa isa sa mga ka business partner mo!" Unti- unti nagdilim ang paningin ko.
Ayoko na... hindi!
" What? who among them?"
" It's Nathan Valderama!" sagot pa ni Vince. nang bitawan siya ni Yael sa leeg ay saka niya inayos ang damit na bahagyang nagusot.
Nang lingunin siya ng asawa ay binalot siya ng takot sa paraan ng tingin nito sa kanya.
" Kaya ba ayaw mo sabihin sakin? dahil hindi ako ang ama niyan?" turo niya sa impis ko pa namang tiyan.
" Y-Yael, m-mag papaliwanag ako-hah!" napatili ako ng mabilis niya akong hawakan sa panga at basta nalang iyon pinisil ng mariin!
" Yael! asawa mo 'yan! huminahon ka muna, mag usap kayong dalawa!" saway ni. mommy Ysa.
Tumayo ang kanyang daddy at binalya si Yael. sa sofa.
" Don't hurt your wife. kung ano man yang problema niyo dapat ay pag usapan niyo. ng kayong dalawa lang... and you," bumalimg ito kay Vincent.
" How dare you to say those words in front of us? wala ka na ba talagang respeto samin?!" sigaw nito sa anak. pero ngumiti lang si Vincent.
Mukhang hindi takot sa sermon ng ama. mag pang uuyam pa itong tumingin sakin.
Tuluyan na akong naiyak.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa aming silid at doon ako nagkulong!
Sobrang dumi ko!
It was a mistake, A one night mistake that turned everything into ruins. my life, my self. everything... at ngayong alam na ito ni Yael. Ang asawa ko...
Hindi ko kaya harapin ang galit niya sakin!
Sige nga... paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako?
Eh, hindi ako sigurado kung sino ang ama nito?
Maaaring ang asawa ko- pero mas malakas ang kutob ko na si Nathan ang ama nito!