"Mag aalas-diyes ng gabi. at gaya nga nang sabi ni Kenzo na ngayon kami lalabas ng ospital. Matapos mabayaran ang bill ko agad na niya ako inalalayan para makalabas kami. Nagtaka pa ako dahil imbes na sa front exit kami ay sa fire exit kami sa likod ng ospital lumabas.Sakto nga at may humintong itim na ford sa harap namin. Kinabahan naman ako baka isa itong masamang tao at basta na lang ako kunin at isakay sa sasakyan para patayin! Napansin naman ni Kenzo ang panginginig ng kamay ko kaya marahan niya itong hinawakan at bahagyang pinisil. Nginitian niya din ako. kaya kumalma ako. I don't know pero I feel safe now, with him. "It's ok. that's the car of my friend." aniya sa akin. napatingin kami sa sasakyan ng may bumaba doon na isang poging lalaki at matangkad din katulad ni Kenzo.Napan

