Kaagad niyang dinulugan si Frank, nakita ni Mariely ang duguan nitong nguso. “Tingnan ko iyang sugat.” Sabi niya rito. “Don’t touch me!” tinulak pa siya nito at napaupo na lamang siya. Masakit ang pagbagsak niya sa sementadong kalsada. “Zean, Zean, I’m sorry of what my brother did to you, hayaan mong gamutin ko iyang sugat mo.” Sabi pa niya rito na tumayo kaagad. “I can take care of myself, please go away, you’re a nuisance to my sight!” sabi pa nito sa kanya. Tinanggap niya ang masasakit na mga salita nito, kaya napayuko na lamang siya. “What?! Gago ka? Ikaw itong tinutulungan ni Faith, ikaw pa itong kung sinong umasta?” Rinig na sabi ni Veron, gigil na gigil ang boses nitong hinarap si Frank.. “V—Veron, okay lang iyon.” Pagpipigil pa niya rito. “No, hindi ka dapat ginaganyan ng

