Nasa kwarto ngayon si Frank, nahiga siya ngayon, mamaya na niya gagamutin ang putok na labi na natanggap niya. Damn this! Dapat masaya ka hindi ba Frank? Napatanong na lamang sa kanyang isipan noon. Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit sobra ang guilt na namamayani sa kanya ngayon. Kapag naalala niya ang luhaang mukha nito at paano siya pinakiusapan noon, gustong – gusto niyang yakapin si Mariely. But his ego is always winning, sinasabi sa isipan niyang walang attachment na nangyari, kahit sabihing nilalabanan niya ang nararamdaman niya sa ibang babaeng naka – fling niya noon, hinahanap palagi ng puso niya si Mariely. Goddamn! No, no, isipin mo ang hitsura ng babaeng iyon, huwag kang bababa sa standard mo, Frank. Palaging paalala ng kanyang isipan iyon. Wala kang dapat ma

