Couple Celeste's POV Pagkatapos naming kumain ay hindi muna kami bumalik sa villa. Mainit pa ang sikat ng araw para mag-swimming. Halos katanghalian pa lang. "May gusto akong ipakita sa'yo," sabi ni Diego habang tumatayo. "Teka..." natatawa kong sabi. "Hindi ba dapat magpapahinga muna tayo?" Umiling siya. "Later." "Saan tayo?" Ngumiti lang siya. "Trust me." Ilang minuto kaming naglakad sa kahabaan ng resort. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang binabaybay ang mga stone pathways na napapalibutan ng bougainvillea, palmera, at mga halamang namumulaklak. Sa bawat hakbang ay mas lalo kong naa-appreciate ang Pico de Loro. Tahimik, dindi matao, at halos bawat sulok ay parang postcard. Huminto kami sa isang viewing deck na nakaharap sa dagat. Sa likuran nito ay ang matata

