continuation, Celeste's POV "Ma'am Celeste?" Naputol ang pag-uusap namin ni Mama nang lumapit ang isa sa mga hairstylist. "Ready na po kayo." Ngumiti ako at tumango. "Ma, mauuna ka na. Bibili lang ako ng kape sa café sa kabilang building. Alam kong matatagalan ka rin naman sa treatment." "Ano ba naman 'yan, anak. Dito ka na lang." Napangiti ako. "Limang minuto lang. Babalik din ako." "Huwag kang magtatagal." Tumango ako bago tuluyang lumabas ng salon. Agad akong sinalubong ng mainit na hangin ng hapon. Abala pa rin ang kalsada sa harapan mga sasakyang salitan ang pagdaan, mga taong naglalakad sa sidewalk, at ang pamilyar na ingay ng siyudad na tila hindi nauubusan ng enerhiya. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang may isang sasakyan ang marahang huminto sa gilid ng kalsad

