CHAPTER SEVENTEEN

1624 Words

Beginning Celeste's POV Tahimik kaming naglakad palabas ng gallery. Hindi kami nagmamadali. Parang pareho kaming natatakot na kapag masyado naming binilisan ang mga hakbang namin, baka magising kami sa katotohanang panaginip lang pala ang lahat ng ito. Tatlong taon. Tatlong taon kong inisip kung ano ang sasabihin ko kapag muli kaming nagkita. At ngayong magkatabi na kaming naglalakad, ni isa sa mga inensayo kong linya ay walang gustong lumabas. May mga taong kahit ilang taon mong hindi makita, nananatiling pamilyar ang presensya. Si Diego ang ganoon. Hindi na siya ang college student na lagi kong nakikitang may camera sa leeg habang nagmamadaling humabol sa deadline. Mas mature na ang tindig niya ngayon. Mas kalmado ang mga galaw. Mas may kumpiyansa ang bawat hakbang. Pero nandoo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD