Isang malakas na kalabog sa kusina ang narinig ni Ana habang siya ay nasa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na tulog, mga nalaglag na kaserola at mga kubyertos ang nakita niya sa sahig na nakakalat na para bang pinagkakalat ng magnanakaw, dali dali niyang ginising ang kanyang Ama sa pag-aakala na magnanakaw ito, naghiwalay ang mag-ama sa paghahanap si Ana ay pumunta sa likod at si Mang Erning naman ay sa labas, dala dala ang gasera dahan-dahang binagtas ni Ana ang likod bahay sa sobrang dilim di kaya ng gasera ang maliwanagan ang buong paligid niya, sa labas ng bintana may nakita siyang babaeng mahaba ang buhok na parang isang matanda na may hawak na tungkod na tila ba’y may inaabot sa kanya at sa sahig may natapakan siyang isang lumang papel na may nakasulat gamit ang dugo na “Layuan mo siya, kundi papatayin kita..” pagkuha niya ng sulat ng kanyang tangnan muli ang nakitang matanda sa bintana ay wala na ito.
Kinuwento ni Ana kay Mang Erning ang sulat na nakita niya at ang nakitang matanda sa bintana, kinaumagahan, nakita ni Mang Erning na balisa si Ana at dali daling kinuha ang nakitang sulat kagabi at umalis sa bahay ng nagmamadali, nagpasiyang sundan ni Mang Erning si Ana at laking gulat nito ng makita si Angelo at Ana na magkasama bumalik si Mang Erning sa bukid upang magtawag ng mga kasaman sa pagaakalang nasa panganib si Ana, nagdala ng mga kalaykay at kung ano anong matutulis na bagay na maaring makatugis sa Faunus na si Angelo, sa kabilang banda ipinakita ni Ana ang sulat kay angelo, napansin ni Angelo na may simbulo ito na nakita niya rin sa taong nagsumpa sa kanya, “Ana may sasabihin ako sayo, ang simbolo nayan ay nakita ko sa tungkod ng nagsumpa sakin, at ang tanging lunas laman ay…” ngunit naputol ito dahil nagulat sila lalo na si Ana ng makita ang ama at kasamahan nito sa bukid na papunta sa kanila, napalibutan sila ng mga taga bukid at wal ng matatakbuhan pa, “Ana layuan mo yang halimaw na yan, paptayin ko yan” sigaw ng Ama, “wag po ama di siya masama, magpapaliwanag ako” wika naman ni Ana, “mga kasama tugisin siya…” utos ni mang erning, ngunit papasugod palamang sila ay bigla na lamang nanghina at natumba si Angelo, “Ana sumama ka na sa kanila sinusundo na ng diwata ang katawang lupa ko at tuluyan na akong magiging kambing” payo ni angelo “mga kasama samantalahin natin hanggat mahina ang faunus Ana umalis ka jan” sigaw ng Ama, “Wag Ama, kung papatayin niyo siya patayin nyo narin ako, Ama mahal ko si Angelo” Pangangatwiran ni Ana, dumating ang matandang may tungkod “di mo maaring mahalin si Angelo, kasama kang mamamatay, sinumpa ko siya upang hindi siya mahalin ng iba dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa aking anak at nagging sanhi upang bawiin niya ang sarili niyang buhay at pagiging malupit sa mga hayop, ang sumpa ay malulunasan lamang kapag may nagmahal sa kanya ng totoo sa kabila ng kanyang itsura” paliwanang ng matanda, “ngunit hindi ako nagtaksil sa kanya, hiniwalayan ko siya dahil hindi ko siya kayang mahalin gaya ng gusto niya ngunit di niya ito matanggap, at ang pagiging malupit ko sa mga hayop matagal ko na ito pinagsisihan, kung papatayin mo ko wag mo na idamay si Ana ako nalang” paliwanang ni Angelo, “hindi mamatay ka kasama ng babaeng iyan.” Binatuhan ng mahika si Ana at Angelo ngunit sinalag ito ng Ama ni Ana. “Ama! Patawarin mo ko Ama, kundi koi to nilihim hindi ito mangyayari sa inyo” wika ni Ana. “ hindi Ana, ayos lang nagpapsalamat ako sayo dahil tinuruan mo ang mga kasamahan natin lalo na ako na di porket iba ang kulay, itsura, o lahi ay maaari na natin silang saktan o patayin, bagkos dapat magmahalan tayo” nanghihinang paliwanag ng Ama, “alagaan mo si Ana angelo, mahalin mo gaya ng pagmamahal ko sa kanya’ dagdag ng Ama “ mahal na mahal kita Anak!” sambit bago siya bawian ng buhay “Amaaaaaaaa…” sigaw ni Ana.
Tinugis at pinatay ng mga kasamahan ni Ana ang matanda sinunog at siniguro na hindi na ito mabubuhay pa. Tuluyan paring nanghina si Angelo at nagtapat ng damdamin ang dalawa sa isat isa, ng magtagpo ang kanilang mga labi, nanumbalik ang lakas ni Angelo at bumalik ito sa tunahy na anyo na matipuno at gwapong lalake na bumagay sa marikit at magandang dalaga na si Ana, naputol ang sumpa ni Angelo at nagsama ang dalwa baon ang payo ng Amang si Mang Erning. Makalipas ang ilang taon, may anak na sila Ana at Angelo at ipinangalan ito kasunod sa pangalan ng Ama, pinangalanan nila itong Ernesto at sila Ana na ngayon ang namamahal sa bukid at masaya silang namuhay ng magkakasama.
“Ernesto halikana, mahuhuli ka sa klase…..” sigaw ni Ana
“Hindi pa tayo tapos Ana, kukunin ko sayo ang Anak mo…” sigaw ng batang si Ernesto habang nanlilisik ang mapupulang mata na nakatingin kay Ana……
at jan nagtatapos ang kwentong Lihim na pagtingin: ang taong kambing sa panunulat ni Mr. Chui Official
Abangan ang kasunod na istoryang pinamagatan “Laro ng Batang Demonyo: Ernesto”