Sikreto
Habang nagkukuwenta si Ana ng mga nasirang pananim at nagiisp ng posibleng solusyon upang makabangon sa nangyari na unos sa kanilang bukirin, napansin ni Ana na tila ba’y nanumbalik ang sigla ng mga ibon , at ng kanyang sundan ito ng tingin laking gulat niya ng makita ang mga puno na sagana sa bunga at ang lupain na tila ba’y hindi nadaan ng unos at na para bang may himalang nangyari, dali dali syang tumakbo papunta kay Angelo upang sabihin ang nangyari. Ngunit laking gulat ni Ana ng makita si Angelo walang malay at hinang-hina, dali-daling kumuha ng tubig si Ana na ipapainom kay Angelo. Makalipas ang ilang oras ay nagising na si Angelo ng mapansin niya na nakatulog na pala si Ana sa kanyang balikat habang nakasandal sila sa ilalim ng malaking puno. Paggising ni Ana ay binigyan niya ito ng prutas na makakakain mula sa mga napitas niya nung nakaraang araw. Agad na ibinalita ni Ana ang nangyari sa bukirin… habang nagkukuwento si Ana ay sumingit ng pahayag si Angelo “Ana may nais akong sabihin sayo” ngunit hindi ito napansin ni Ana dahil tuloy tuloy ang kanyang pagkukuwento na puno ng sigla at pagkasabik kaya hinayaan na lamang ni Angelo si Ana, nagging madalas pa ang pagdalaw at pagkukuwentuhan nila Ana at Angelo umabot ito ng ilang pangbuwan at umabot sa puntong dinadalhan p[a ng lutong pagkain ni Ana si Angelo.
Habang sila’y kumakain, tinanong ni Angelo si Ana, “Ana…Di kaba natatakot sakin dahil sa istura ko?” tanong ni angelo, ‘” hindi ah, bakit naman ako matatakot eh mabait ka naman, tsaka mas mabait ka pa nga sa ibang tao na normal ang itsura ung iba maganda nga ang panlabas di naman kaaya aya ang panloob.” Sagot naman ni Ana. “may gusto akong aminin sayo Ana, naalala mob a yung nangyari sa bukid yung biglang sigla ng mga pananim?” tanong muli ni Angelo, “Oo, bakit ko naman makakalimutan yun eh parang isang malaking milagro yun, bkit mo naman naitanong?” sagot ni Ana, “Ako ang dahilan nun Ana, at sa tuwing gagamit ako ng aking kapangyarihan ako’y nanghihina at nababwasan ang araw ng buhay ko” paliwanag ni Angelo bukod pa roon ay ipinaliwanag niya rin na binigyan lamang siya ng 3 taon upang makahanap ng solusyon sa kanyang problema, ikinagulati to ng husto ni Ana at siya y nakokonsensya sa nangyari “bakit mo ginawa yun, kaya naming makabangon ng bukid eh..” humahagulgol na sabi ni Ana, “dahil ayokong nakikita kang malungkot kasi…” ngunit bigal itong naputol ng sabihin ni Ana na “Oo alam ko magkaibigan tayo pero sana naman iniisip mo di nang sarili mo, pano nayan ilang araw nalang ang meron ka?” tanong naman ni Ana, “Naku wag na nga nating pagusapan yan mahaba pa ang araw ko at tsaka nangyari na Hahaha” pagtatakip ni angelo sa katotohanan.
Habang binabagtas ni Ana ang kakahuyan pabalik sa bukirin “kalian ko kaa masasabi kay Ana na mahal ko siya, iilang araw nalang ang meron ako, dapat di ko ipakita sa kanya na nanghihina ako baka magalala siya, eh kung maglaho nalang kaya ako at tuluyan na maging kambing upang di na siya msaktan pa sa kanyang malalaman” pagiisip ni Angelo habang kumakaway kay Ana.
Ano kaya ang mangyayari sa kuwento nila Ana at Angelo, at Ano ang dadalaw kay Ana sa kanyang tahanan? Abangan ang huling kabanata ng “Lihim na Pagtinging: Ang taong kambing”