ES24: Pag-amin

1570 Words

Kristine POV Pakendeng-kendeng akong lumapit kina Sir Errol bitbit ang dalawang plato. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Gweneth sa akin nang umupo ako sa tabi ni Sir Errol na nakatingin sa akin. “Honey, I have your food. Kumain na tayo,” saad ko. Nilapag ko pa sa lamesa ang mga plato namin. Nginitian ko ng napakatamis si Gweneth na hindi man lang nag-abalang makipagplastikan sa akin at hayagang nakabusangot pa. “Thank you, Kristine. Hindi ko alam na magaling pala sa zumba ang nobya ko. Hindi nasayang ang pinili kong outfit,” kaswal na puri ni Sir Errol sa akin. Ngumiti rin si Sir Errol sa akin na parang endorser ng toothpaste sa puti ng ngipin niya. “But of course, kailangan ko magpa-impress kay Tita Rosemarie lalo at siya pa ang nagpa-register sa akin,” sagot ko naman. Habang kumakain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD