Nang nakalabas si King sa aking silid ay agad akong bumalik sa paghuhugas ko ng plato. Minadali ko upang makaalis na rin ako. At nang tuluyan na akong matapos sa paghuhugas ng plato ay magmadali ulit akong pumasok sa aking maliit na kwarto, naghanda ako sa aking balak na pagpunta sa pabrika na sinasabi ni Bong. Bigla rin akong napangiti dahil naalala ko na naman ang mga naganap sa amin ni King dito sa loob ng maliit kong kwarto. Nagbuntong-hininga muna ako. Bago ko ki nuha ko ang kulot kong wig at nagpahid rin ako ng itim sa buong katawan ko. At pagkatapos ay nagsuot din ako ng damit na luma. Agad akong tumingin sa salamin upang tingnan ang itsura ko. halos hindi na ako makilala. Nilagyan ko rin ng itim ang aking ngipin. At kung ano ang tatanungin ay mukha na akong dugyot na nakatira

