Ito ang araw na mag-sisimula ako sa aking mission, ngayon din ang balak kong umuwi sa bahay, alam kong magugulat sila tita Gina oras na makita ako. Tumingin ako sa kama natutulog pa King, baka kasi kapag hintay ko pa itong magising ay hindi ako payagang umalis kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay, nagbilin lang ako sa guard na uuwi muna. Wala akong makitang taxi kaya naglakad na lang ako, siguro'y sasakay na lang ako ng bus, nakita kong may paparating na sasakyan kaya nagmadali akong sumakay. Umupo ako sa pinakang dulo, maya-maya pay tumigil ang bus at pagtingin ko'y meron sasakay na tatlong lalaki at mukhang mga nakahithit ng shabu parang hindi rin gagawa ng maganda. Mukhang masama ang kutob ko sa mga ito. Tahimik lang akong nakiramdam sa paligid, hindi nagtagal at nagdeklara na ng

