Ala-ala

1596 Words
Nag mamadaling maligo si prey ng araw na iyon, dahil iyon ang takdang araw ng fieldtrip nila, dala ng pag ka sabik ay nag madali na siyang nag luto ng babaoning pagkain dinagdagan niya na ang mga iyon para maka pag share din siya kay luz at kay janeth. Dahil adobo ang ulam na matagal masira, kaya naman ito ang niluto niya, pinalambot niyang maigi ang karne upang manuot ng husto ang sarap ng toyo at suka. Nag dala din siya ng pampaligo na damit dahil may swimming ang fieldtrip nila, taon-taon sila nag kakaroon ng fieldtrip ngunit ngayong taon lang na ito siya makakasama, dala ng kakapusan sa pinasyal, nag ambag lang si janeth at luz para pandag-dag sa pambayad niya sa field trip, ang lola niya naman ang sumagot ng baon niya. Matapos magbihis ay kinuha niya na ang mga dadalhing baon at bag, pag labas ng gate kinuha niya na ang sasakyang bike upang mabilis na makarating sa paaralan, i iiwan niya na lang ito sa hidden paradise para hindi mawala. Pag pasok niya sa gate ay maraming estudyante na ang naka pila, ang iba ay nag bibilangan pa, matapos iparada ang bike ay pinuntahan niya si janeth sa loob ng hidden paradise. " Oh!! Prey andyan kana pala, sa section nyo ako sasabay huh!!, para magkasama tayo nila luz. Masayang turan ni janeth, nag bayad din kasi ito para makasama sa field trip. Inilabas na ni janeth ang mga pinamili nilang baon, puro snack lang ito at tuna sandwich, pag labas nila sa hidden paradise ay hinanap na nila si luz, agad naman nila itong nakita dahil naka upo ito sa bench na malapit sa hidden paradise. " Luz". Masayang tawag ni prey sa kaibigan. " Prey,janeth". Tawag ni luz sa mga kaibigan " May mga dala akong chocolates pinabaon ni mommy ka uuwi lang kasi ni daddy eh!!". At pinakita nito ang dalang maliit na ice cooler na puno ng chocolate. May dala din itong tatlong malalaking mineral water, sa bag naman nito ay may cake at fried chicken. Nag simula ng mag tawag sa section nila kaya naman pumila na sila, sila ang nasa unahan ng pila para daw makapamili ng mauupuan. Sa unahang upuan sila na upo sakto silang tatlo sa upuang napili nila, nilagay na nila ang mga bag sa itaas ng compartment, upang maka galaw sila ng maayos. Una nilang pinuntahan ang ay paskohan village sa pampangga, nakaka manghang pag masdan ang mga nag lalakihang mga parole na may ibat-ibang kulay at disenyo. Sunod naman nilang tinungo ang clark pampanga duty free, ang iba ay tuwang tuwa sa pamimili, sila naman ay panay kuha ng picture para maging souvenir. Pagkatapos nila doon ay sa butterfly garden naman sila sa bulacan nag tungo, isa iyong lumang bahay na may swimming pool na maliit, ang garden nito ay nababalutan ng net, sa loob nun ay ang ibat-ibang kulay at uri ng paru-paro. Namangha sila ng may kulay asul na paru-paro ang dumapo sa balikat ni prey, maganda ang paru-paro at malaki ito. " Naku prey, mariposa ang tawag diyan". Ani janeth. " Ay oo mariposa nga iyan". Segunda naman ni luz. Pag akyat nila sa bus ay kumain na muna sila ng dala ni janeth na sandwich at ng chocolate ni luz. Sunod naman nilang pinuntahan ang caribbean resort sa bulacan, pag dating nila ay nag hanap muna sila ng pwesto, saka nilabas ang mga pagkaing baon, tuwang tuwa naman si luz at janeth sa nilutong adobo ni prey, ganun din naman ang mga baon ni luz na fried chicken at bagnet ni janeth. Nag pahinga muna sila bago mag desisyon na maligo sa pool, marami na ang tao sa pool ng maligo silang tatlo kaya naman nag hanap na muna sila ng part na konti lang ang tao. Nag try din silang mag slide, ang huling nag subok ay si prey, ngunit pag dating niya sa pool ay bigla naman namulikat ang paa niya, kaya naman nag panic ang isip niya, hindi siya ganun kagalingumangoy kaya naman Natakot siya sa maaaring mangyari sa kanya. Mabuti na lang at may sumagip sa kanya, inalalayan siya nito upang maka ahon sa tubig, hangang sa madala siya nito sa may mababaw na bahagi ng swimming pool. " Are you ok?". Anang pamilyar na tinig sa kanya. Uubo ubo man siya ay tumugon parin siya sa tinatanong nito " Yes im ok, thank you". Pag mulat niya ng mata ay nabigla siya sa nakita niya, biglang lumukso ang puso niya at tumibok ng mabilis. " By the way miss, im crade leius nga pala, and you?". Magalang na pag papakilala nito sa kanya. Biglang naguluhan ang sistema niya, buhay si crade at kasama nila ngayon, sa tuwa ay bigla niyang niyakap ito, na ikinagulat naman ng binata. " Crade miss na miss na kita mine!!, sabi na nga ba ay babalik ka eh!". Ani pa ni prey sa binata na ikinakunot naman lalo ng noo nito. " I, im sorry miss, hindi kasi kita matandaan eh!!". Anang binata. Nangingilid man ang luha sa mga mata ni prey dala ng kaligayahang nadarama, nagagalak ang puso niya sa isiping buhay si crade at nakayanan nito ang naging operasyon nito. " Ok lang kahit hindi mo ako matandaan ang importante sakin ay buhay ka at makakasama pa kita". Masayang sambit ni prey kay crade. Matapos nun ay hindi niya na hiniwalayan si crade, lagi na siyang naka bantay dito ngunit nakaramdam siya ng selos at galit ng may lumapit na babae kay crade. " Babe asan kaba nag punta? Kanina pa kita hinahanap". Anang babae kay crade. Wala na siyang nagawa kundi ang matulos sa kina uupuan niya, mas lalo pang nanikip ang dib-dib niya ng gawaran ito ni crade ng halik sa mga labi nito. " Babe naman tinulungan ko lang itong si, ano nga palang pangalan mo?". Ani crade kay prey. Nangingilid na ang mga luha sa magkabila niyang mata, dahil sa sakit na nararamdaman. " Prey ang pangalan ko ". Tanging naisagot niya sa binata. " Well, ingat ka nalang prey, dun ka lang mag swim sa mga abot lang ng paa mo, baka kasi malunod ka pa, sige nice to meet you". At nag paalam na ito. Dahil sa nasaksihan ay inilublob niya na lang ang sarili niya sa pool at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman niya. Ng mahimas-masan na siya ay umahon na din siya, doon niya nakita ang nag aalalang mukha ng mga kaibigan niya. " Ok ka lang prey?". Alalang tanong ni janeth sa kanya. " Hayaan mo na prey, andito naman kami para sa iyo eh!!". Pagpapalubag loob naman ni luz kay prey. Matapos nun ay nag ayos na din sila ng mga gamit upang makauwi na, alas singko na ng hapon, kaya naman kanya-kanya na silang ayos ng mga gamit nila. Pag sakay ng bus ay tulala parin si prey, masakit sa loob niyang tanggapin na may ibang minamahal na pala si crade, buong akala niya ay sakanya parin ito babalik, dahil pinanghahawakan niya ang pangako nito na babalikan siya nito. Dahil sa pagod at lungkot ay hindi na ni prey napigilan ang makatulog, marahil nasaktan siya sa isiping may iba ng mahal ang mahal niya, pero sa kabilang banda ay masaya na rin siya para dito, dahil nagawa nitong malagpasan ang bingit ng kamatayan, nagawa nitong lumaban para mabuhay ito. Marahil hindi talaga sila ang para sa isa't-isa, may bahagi man ng isip niya ang nlulungkot at nasasaktan, pero inisip niya na lang na kailangan niyang mag pakatatag at harapin ang buhay ng wala ng crade, dahil may iba na itong mahal. Na alimpungatan si prey dahil sa liwanag ng ilaw na nasa gilid nila, dahil siya ang nasa bintana kaya tanaw na tanaw niya ang sasakyan na pagewang-gewang. Nagulat na lang siya ng makita itong tumawid sa ka ilang lane, at sumalpok sa isang truck ng semento. Nanlalaking matang napatayo siya mula sa kina uupuan, sa buong buhay niya ay ngayon lang siya naka kita ng ganung pangyayari. Mabuti na lang at mabilis na nakapag preno ang driver ng mixer, ilang minuto pa ang lumipas may lalaking lumabas mula sa driver seat ng sasakyang bumangga sa mixer, duguan ito at gewang-gewang na lumakad. Nakatingin ito sa gawi ni prey, at mukhang tinatawag nito ang dalaga, pinag masdan naman mabuti ni prey ang lalaki, at laking gulat niya ng mapagsino ito, walang iba kundi si crade, tinatawag siya nito mula sa labas ng bintana ng bus. Base sa buka ng bibig nito ay naiintindihan niya ang sinasabi nito. "lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, ikaw lang ang pinaka mamahal ko at wala ng iba, kahit lumayo man ako ay babalik at babalik parin ako sa iyo, sa iyo lang ako mine". Paulit-ulit na iyon ang naririnig ni prey. Bigla namang, nagising si prey mula sa pag kakahimbing nito, nakatulugan niya na ang pag iisip kay crade, kaya siguro niya napanaginipan ang binata. Muli nanaman bumalik sa isip niya ang tagpo kanina sa hospital, walang malay na jon at may amnesiang elise ang lalong nag pahina sa loob niya, idag-dag pang hindi niya parin nakikita si crade at wala siyang kahit anong balita mula sa mga magulang nito. Mas lalo pa siyang napa tangis ng makita niya ang mga niregalo ni crade sa kanya, ikinagulat pa niya ng may bagong regalo nanamang naka lagay sa lamesa nila, at ang ipinag tataka pa niya ay mismong sulat kamay ni crade ang nakalagay doon, gayong ilang buwan na pala itong nasa hospital at walang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD