" Apo gising kana pala". Anang lola clara ni prey sa kanya.
" La a..alam nyo po ba ku..kung paano ito napunta dito". Sumisigok na tanong ni prey sa kanyang lola clara.
" Maupo ka muna apo, eto uminom ka muna ng tubig". Anang lola in prey.
" Matagal ng binili ni crade ang regalong iyan para sa iyo". Nagulat si prey sa paglalahad ng abuela niya.
" Pa..pano nyo po nakilala si..si crade lola?". Ani prey.
" Matagal na apo, mula bata pa lang kayo". Paglalahad pa nito.
" Pa.. pa ano pong matagal na?". Nagugulumihanang saad ni prey sa kanyang lola clara.
" Diba sa mga imperial ako nag luluto?, si crade ang apo ng mga imperial". Anang lola niya na ikinabigla naman ni prey.
Hindi niya lubos akalain na ang imperial na amo ng lola niya at ang pamilya ni crade ay iisa, ayon pa sa lola clara niya ay matagal na daw nag paalam si crade sa kanya na liligawan siya nito, ngunit hindi ito pumayag nung una, pero panay daw ang pangungulit nito sa kanya, kaya wala ng nagawa ang lola niya ng malaman na sinagot na ito ni prey, boto naman ang lola niya sa binata, ngunit masyado pa silang bata para pumasok sa isang relasyon ayon dito, dahil nga sa bugso ng damdamin nila ay napasagot din naman siya nito.
Ayon pa sa lola niya ay matagal na nitong binigay ang regalong ito para sa araw ng mga puso, ang plano kasi ng pamilya ni crade ay lumipad sa u.s para sa birthday ng lola ni crade na may sakit, kaya ibinigay na ito sa lola clara niya, dahil nag aalala itong baka mataon na wala si crade sa araw ng mga puso.
" May balita na po ba kayo sa kanya?". Usisa pa ni prey sa abuela.
" Wala akong balita sa kanila apo, umalis na sila ng tuluyan, upang ipagamot si crade sa ibang bansa, at doon na sila ma mamalage kaya nga si perla ay umuwi na sa mga anak niya ibinenta na din kasi nila ang bahay nila dito sa manila". Mas lalong ikinalungkot ni prey ang nalaman, na malabo na talaga silang magkita ni crade.
Marahil hangang doon na lang talaga ang pag mamahalan nila, hindi rin naman sigurado ni prey kung anong kahihinatnan ng operasyon ni crade, kaya sa ayaw niya't sa gusto kailangan niya harapin ang bukas ng walang ng crade sa buhay niya.
Mabilis na dumaan ang mga araw, ang ilang araw na pangungulila ay naging lingo at ang ilang linggong pangungulila kay crade ay naging buwan, pinilit niyang sanayin ang buhay niya na walang crade, ngunit kahot anong pag papanggap na hindi niya na ito na aalaa ay sa puso niya ay permanente na itong naka ukit.
Malapit na mag tapos ang araw ng pebrero, ilang buwan na lang ay ga graduate na sila kaya naman itinuon niya na lang ang sarili sa pag aaral ng mabuti, nag bunga naman ang pagsisikap niyang ito dahil siya ang running for valedictorian ng school nila, ayon pa sa mga guro nila si crade dapat iyon ngunit dahil sa nangyari ay siya na ang pumalit sa pwesto nito.
Kasalukuyan silang gumagawa ng project ni luz, group project iyon sa values, kailangan nilang mag hanap na ma iinterview upang magawan nila ng report, kailangan ay yung mga taong mahirap na pamilya ngunit naka pag patapos ng mga anak.
Kaya naisip nilang si janeth na lang ang interviewhin, si janeth kasi ang ang paaral sa ate niya noong nag aaral pa ito ng college, nag paubaya ito at nag trabaho upang matus-tusan ang pag aaral ng ate nito hangang sa maka graduate ng college ngunit nag asawa din agad, kaya kasalukyan siyang nag iipon ng perang pang tustos isang taon nalang naman ang bubunuin nito sa kolehiyo at makaka graduate na ito.
Matapos nilang interviewhin si janeth ay ginawan agad nila ng report paper, at ipinasa sa guro nila.
Matapos nun ay namasyal na muna silang tatlo, upang malibang si prey nag tungo sila sa mall upang maka pag ikot-ikot.
Doon ay hindi inaasahang naka salubong nila si francine, ang dating matalik na kaibigan ni luz. " Ohh luz ikaw pala yan, kasama mo din si nerd, bakit wala kanang salamin nerdy". Pang bubuska nito kay prey.
" Well obviously hindi na malabo ang mata niya kaya wala na siyang salamin". Ani luz.
" Oo nga pala alam mo na ba ang balita kay crade?, dinala na siya nila tita sa america para ma operahan but sad to say na hindi niya kinaya ang operation, kaya nga iyak ng iyak si tita celine". Ani francine.
Parang natulos si prey sa kinatatayuan niya, biglang nanghina ang mga tuhod niya, parang anumang oras ay mabubuwal siya sa narinig na masamang balita mula kay france.
Kaya naman dali-dali siyang inalalayan ng mga kaibigan niya upang paupuin.
Sa amusement park sila dinala ng mga paa nila, kaya naman hindi niya maiwasan ang maalalang muli si crade, pero pilit niyang tinatatagan ang loob niya upang hindi tumulo ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Napansin ng magkaibigang janeth at luz ang biglang pananahimik ni prey, marahil dahil sa masamang balitang narinig nito mula kay francine.
Kaya dali-dali nila itong hinatak palayo sa lugar na iyon, at dinala ito sa likod ng mall sa likod nito ay may dagat at doon nila pinaupo si prey.
Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang tao, kaya doon sila sa tagong parte nag punta, doon nila pina upo ang kaibigang si prey upang kumalma.
" Prey kailangan mona sigurong ibaling ang pag mamahal mo sa iba upang hindi kana masaktan". Suhesyon ni luz.
" Oo nga prey hindi kasi kami sanay na ganyan ka, hindi yan ang prey na nakilala ko, ang prey na kilala ko ang matapang, matatag". Ani janeth.
" Ngayon lang kasi ako nag mahal, tapos ganito pa iiwan lang din pala ako. Tumatangis na saad ni prey.
" Sariwa pa kasi sa iyo ang mga nangyari, kaya sige iiyak mo lang iyan, para mabawasan ang bigat diyan sa puso mo". Ani luz
" Mahal na mahal ko si crade at ganun din siya saakin, hindi ko alam na may ganoon pala siyang karamdaman, ang saya-saya pa namin nun, kahit mahirap lang ako tinanggap niya ako, siya ang nag tatanggol sa akin pag may umaapi sakin, marahil hindi siguro talaga kami ang para sa isat-isa". Pagkatapos nun ay tumayo ito sa tabing dagat at doon ibinuhos lahat ng saloobin nito.
CRADE LEIUS IMPERIAL III
SALAMAT SA LAHAT NG ALA ALA MO SA LAHAT NG GINAWA MO PARA SAKIN, HINDING HINDI KITA MALILIMUTAN, MAHAL NA MAHAL KITA, KAHIT INIWAN MO NA AKO PIPILITIN KONG MAGING MATATAG, ALANG ALANG SA PAGMAMAHAL NA IBINIGAY MO SAKIN, MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT, HINDING HINDI KITA MALILIMUTAN, I LOVE YOU MINE, DITO KA LANG LAGI SA PUSO KO.
Matapos isigaw ang saloobin ay tumangis pa ito na parang bata, panay alo lang ang nagawa ng mga kaibigan nito.
" Mula ngayon kailangan ko nang mag paka tatag, ipinapangako ko sa sarili ngayon lang ako iiyak, para kay crade magpapatatag ako". At nag yakap silang tatlong mag kakaibigan.
Matapos nun hindi na siya muling umiyak, kaya naman napag pasyahan nilang i celebrate ang araw na iyon, kaya nilibre sila ni janeth sa mcdo.
" Para sa pagbabagong buhay ni prey". Ani janeth.
" Ay kriminal ba si prey?". Ani luz. Na ikinatawa lang ni prey.
" Oh edi para sa pagiging matatag at matapang ni prey". Bawi ni janeth sa tinuran.
" Ayun, hahahaha". At nag cheers pa sila gamit ang fries.
" Ang takaw mo prey, parang may anaconda ka sa tyan mo". Natawa lang sila sa tinuran ni luz.
Masaya nilang pinag saluhan ang pagkain, at masaya din silang nag usap na anim'oy walang pinag daanang kalungkutan si prey.
Pus-pusan na ang pag rereview ni prey at luz, dahil sa nalalapit sa exam nila, sunog kilay kung sunog kilay, eka nga nila.
Hangang dumating ang araw na pinaka hihinta nila, ang araw kung saan galit-galit muna sila, kampante naman ang mag kaibigan na maipapasa nila ang exam.
Matapos nilang mag exam ay pinuntahan nila ang bahay nila luz, tuwang tuwa kasi ang mommy at daddy nito, dahil sa mga grades nito, magmula daw ng maging kaibigan ni prey at janeth ang anak nila ay bumalik na ang dating luz na masipag mag aral.
" Hi mom, hi dad ito po pala si prey at ito naman po si janeth". Masayang pakilala nito sa mga kaibigan.
" good afernoon po ". Ani janeth at prey.
Maraming niluto ang mga ito para sa kanila, pasasalamat daw nila ito sa dalawa dahil naging normal na ulit ang buhay ng kanilang anak na si luz.
" Ang sarap po ng mga pagakain". Masayang puri ni janeth.
" Oo nga po andami kong nakain". Ipinakita pa ni prey ang tiyan na busog na busog. At nagtawanan naman ang lahat.
Dahil sa tuwa ng mommy ni luz kay prey ay pina baunan pa silang dalawa ni janeth.