Pagdating nila sa tapat ng pinto ay huminto na muna si prey, at nag isip marami kasing katanungan ang gumugulo sa isip niya isa na rito ang hindi pag rereply ng mga kaibigan sa mensaheng ipinapadala niya at ang hindi pag sagot sa tawag niya.
Kaya naman nilakasan niya na ang loob niya at hinawakan ang door knob upang buksan ang pinto, pinihit niya ito ng dahan-dahan at sumilip muna siya sa loob, nakita niya ang matandang babae na naka higa sa maliit na sofa at mahimbing na natutulog.
Sa kabilang bahagi naman ay ang hospital bed, at doon nakahiga ang pasyente, unti unti si prey lumapit sa pasyente naka kumot ito ng kulay puting kumot , at mahimbing itong natutulog ngunit may aparato sa gilid nito ang naka kabit sa bibig nito at may naka kabit din na dextrose sa kanang kamay, ang kaliwang braso nito ay may bendang puti na naka semento.
Naalimpungatan naman ang bantay nito kaya nag bangon ito at hinarap si prey.
" Mano po lola caring". Ani prey sa matanda, simula pagkabata ay ito na ang kasama ni jon minsan dito din sumasabay si prey sa pag pasok at pag uwi sa eskwela.
" Bakit ngayon ka lang napadalaw". Anang lola caring ni jon.
" Pasensya na po lola kanina ko lang po nalaman na andito kayo madalas sa hospital, hindi ko po alam na si jon pala ang binabantayan niyo dito". Naluluhang saad ni prey sa abuela ni jon.
" Ganun ba, alam mo isang buwan ng ganyan ang apo ko, na mi miss kona ang makulit at masayahing jon, napaka lambing ng batang ito kaya mahal na mahal ko ito, sa akin na ito lumaki dahil busy ang anak ko sa pag hahanap buhay sa ibang bansa". Naluluhang paglalahad nito.
" Ano po bang nangyari sa kanya?". Usisa ni janeth sa matanda.
" Si janeth po pala lola caring kaibigan ko". Pagpapakilala nito sa kaibigan at humalik naman ng kamay si janeth sa matanda.
" Kaawaan ka ng diyos apo". Anang abuela.
" Nag paalam lang sakin ang batang iyan na mag dadaos ng pagka panalo nila sa basket ball, ang saya-saya pa nga niyan ng umalis ng bahay, naka pormal pa nga iyan dahil yun daw ang napag usapan nila, kaya nagulat nalang ako kina gabihan ng may tumawag sa akin at dinala nga daw si jon sa hospital". Muli nanamang nangilid ang luha nito sa mga mata.
" Bakit po may mga pasa siya at bali sa kamay". Ani janeth.
" Sabi ng pulis pinag tulungan daw sila ng isang grupo ng mga kalalakihan, hindi lang si jon ang sinaktan ng mga iyon maging ang nobya nitong si elise at matalik nitong kaibigan na si crade". Anang abuela ni jon.
" Ehh, asan po pala si crade?". Alalang tanong ni prey sa abuela.
" Ang huling balita ko nasa saint lukes ito at gaya ng apo ay wala din itong malay, pero dadalhin daw ng mommy nito sa states para doon ma operahan, na diagnose kasi na may bukol si crade sa ulo, nakalimutan ko na ang tawag dun, tu..tu.. ba iyon, mabuti na lang nga at dumating si crade para tulungan si jon kaso ganun naman nangyari kay crade". Anang abuela ni jon.
" Alam nyo po ba ang room number ni crade sa saintlukes?". Ani janeth.
" Hindi eh!!, itanong nyo nalang sa mommy ni elise sa kabilang kwarto, kaibigan kasi nun ang mommy ni crade". Anang abuela.
Lumapit muna si prey sa tabi ng matalik nitong kaibigan. " Jon lumaban ka huh!!, kailangan pag balik ko dito gising kana, kundi ako ang bubugbog sa iyo". Iyak tawang saad ni prey sa kaibigan.
Nang makapag paalam na sila sa abuela ni jon ay agad naman nilang tinungo ang kabilang silid nito, doon naabutan ni prey ay ina ni elis na nag babantay dito.
" Hi po tita ella, pasensya na po ngayon ko lang nalaman ang nangyari kay elise". Nag pahid pa ito lang luha dahil sa bigat ng nararamdaman ay hindi mapigil ang kumawala ng butil ng luha sa mata nito.
" Pasok kayo". Anang ina ni elise.
" siya nga po pala ang kaibigan ko si janeth, siya ang mommy i elise si tita ella". Pag papakilala ni prey.
" Kumusta na po si elise?". Alalang tanong ni prey sa ginang.
" Awa ng diyos medyo ok, ok na siya nag karoon nga lang siya ng temporary amnesia kaya malamang pag nakita ka niya hindi ka niya makikilala". Anang ginang.
" Mabuti naman po at maayos na siya, si jon po kasi commatose parin, si crade naman". Tumigil muna siya at muli nanamang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
" Wala nga din akong balita kay crade, ang anak ko kasi ang sinisisi ni celine kaya napahamak si crade hindi na ako kinakausap nun kahit ang pangungumusta ko sa anak niya ay binalewala niya din". Na ang tinutukoy nito ay ang mommy i crade.
" Dati kasing manliligaw ni elise si dark, kaso hindi nagustuhan ni elise ang ugali ni dark kasi mayabang at salbahe, kaya naman ng manligaw si jon ay sinagot agad ni elise para layuan siya ni dark, dun sila nag pang abot sa labas ng restaurant, dahil matalik na kaibigan ni crade si jon at elise kaya nagalit ito ng makitang naitulak si elise at tumama sa semento ang ulo ng anak ko, kaya yun sinapak ni crade si dark, pinag tulungan naman ng mga kasama ni dark si jon at crade, mabuti na lang at naka kuha kami ng cctv footage sa harap ng restaurant kaya nalaman namin ang may kagagawan nito kaya hayun kasalukuyang pinag hahanap ng mga pulis ang mga iyon.
" Pwede ko rin po ba makita". Ani prey, at pinakita naman ng ginang dito ang video na naka save sa cellphone nito.
Lalong napa luha pa si prey ng makita ang taong minamahal niya, ang ganda ng ayos nitoy bumagay sa pangangatawan nito at sa tindig nito, naka coat ito na parang aatend ng corporate meeting ganoon din ang suot ni jon, ayon daw nga sa abuela nito ay iyon daw ang napag kasunduan nilang suotin.
Nakita niya kung paano ito nakipag laban sa mga grupo ng mga kalalakihan, marunong itong mag muay thai, marahil ito ang naging dahilan ng kabilang grupo, sa kawalan ng ibang ma isip kundi ang hampasin na lang sa ulo ang binata na siyang ikina hina nito.
Ayon sa kwento ng abuela ni jon ay na diagnose daw na may tumor ito sa ulo kaya ganoon na lang marahil ang naging epekto ng pagkakahampas ng mga kalaban nito.
Pagka hampas kay crade ay si jon naman ang sinunod, nawalan agad ng malay si jon kaya nagsipag takbuhan na ang mga ito, si crade naman ay makikitang may tinawagan pa sa cellphone nito habang naka upo sa gilid, at unti-unti naring nawalan ng malay.
May lumapit pa sa tabi nito upang pag nakawan ang mga ito, ilang minuto pa ang lumipas at may mga pulis na dumating.
Ayun na marahil ang huling tawag ni crade sa kanya, sakto sa oras na nakalagay sa cctv footage, wala na siyang nagawa pa kundi ang tumangis, halo-halong emosyon ang nadarama niya ng mga oras na iyon.
Gaya ng ginawa niya kay jon ay lumapit din siya sa tabi ng matalik na kaibigang si elise.
" Elise mag pagaling ka huh!!, miss na miss na kita, kahit hindi mo man ako maalala ngayon alam ko puso mo ang mag tuturo kung sino kami, lagi mong tatandaan marami kaming nag mamahal sa iyo". Dire-diretso lang sa pamimilisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.
Nag paalam na rin sila sa ina ni elise, pag labas ng pinto ay inalalayan siya ni janeth hangang maka labas sila ng hospital, dahil wala naman siyang makakasama sa bahay ay pinili niya na muna ang bumalik sa paaralan nila kasama si janeth.
" Tingin mo ba buhay pa si crade". Nagugulumihanang tanong ni prey kay janeth.
" Isa lang ang sigurado ako, yun ay ang matinding pag mamahal niya sa iyo". Tanging naitugon nito.
" Ako, alam ko sa puso ko na babalikan niya ako, alam ko babalik siya". At nag simula nanaman itong tumangis.
" Tahan na prey, diba ikaw na din nag sabi na babalik siya, tingin mo ba pag bumalik siya at ganyan ka, matutuwa yun??". Ani janeth.
Nag pahid na siya ng mga luha at pinilit na patatagin ang sarili, ipinangako niya sa sarili niya na ano mang mangyari ay mag hihintay siya sa pag babalik ni crade, dahil alam niya na mahal na mahal nila ang isa't isa.