Kasayahan at kalungkutan

2156 Words
Today is february 14 sakto sa j.s prom ng school, lahat ng estudyanteng kasama sa j.s prom ay maagang pinauwi upang maka paghanda. Nasasabik na si prey na makita si crade, ito ang unang valentines day niya na may crade sa buhay niya, ngunit nakakalungkot lang isipin na wala ito sa mismong araw na iyon. Ito na din sana ang araw na tatanggalin niya na ang malaking salamin sakanyang mata. Nag kasundo sila ni janeth na ito ang mag aayos sa kanya kaya naman hindi na siya umuwi sa bahay nila, dinala niya na lang ang damit na isusuot. Doon na din siya naligo sa cr ng hidden paradise, si janeth lang naman ang tumutuloy dito, dahil may sakit ang lola nito na dating katiwala sa paaralan nila kaya si janeth ang pansamantalang namamahala sa iniwan nitong trabaho. Sa loob ng hidden paradise ay may sariling cr at kwarto si janeth, kaya naman doon na siya naki gamit. Kasalukuyan siyang naka upo sa maliit na upuang bilog ni janeth, habang si janeth ay inilabas lahat ng gamit nito, mula sa pang plantsa ng buhok, hagang sa make up nito, rumaraket kasi ito bilang make up artist sa mga graduation photo ng mga estudyante, kaya naman may mga gamit talaga ito. Inilabas na din ni prey ang mga make up na ni regalo ni crade sa kanya, dala daw kasi ito ng mommy niya mula sa ibang bansa. Muli nanaman siyang nalungkot sa pagkaka miss kay crade, sana lang ay umuwi na ito, ang tanging na i usal niya sa kanyang isip. Una nitong tinanggal ang suot niyang malaking salamin sa mata, sunod ay nag lagay muna ito ng paunang make up, dahil maganda na siya ay simple lang ang gagawing makeup ni janeth sa kanya. Matapos siyang lagyan ng make up ay sunod namang inayos ang kanyang buhok, ngayon lang siya mag lulugay ng buhok dahil laging naka pusod ang kanyang mahaba at tuwid na buhok, kinulot ito ni janeth sa dulo at inisprayan para hindi agad mawala ang pagka kulot nito. Pagkatapos ay sinuot na niya ang kanyang gown, red and black lava ang kulay ng kanyang gown at may mahabang slit sa kanang bahagi, at backless ang likod, na hapit na hapit naman sa kanyang katawan, nilagyan pa siya ni janeth ng pekeng pilikmata para mas lalong mabuhay ang maganda niyang mga mata. Matapos ang ginawa ni janeth ay natuwa ito sa kinalabasan ng ginawa sa kanya, ayon dito ay nag mukha daw siyang artista sa tv. Sakto alas singko kwarenta ng matapos ni janeth ang pag aayos sa kanya, kaya naman nag hintay muna siya ng kaunting sandali upang lumabas. Nag usap muna sila ni janeth para pampalipas ng oras, matapos ng masaya nilang pag uusap ay hindi nila namalayan na alas sais ymedia na pala ng gabi. Kaya naman nag pasya na si prey na lumabas na para mag tungo sa gym ng paaralan nila, habang papalapit ng papalapit siya sa lugar ay patindi ng patindi ang kabang nararamdaman niya sa dib-dib. Kaya naman lakas loob niyang binuksan ang pinto at laking gulat niya na marami na palang tao ang nasa loob. Agaw atensyon ang pag pasok niya, lahat ay natulala at namangha na parang nakakita ng anghel na bumaba sa langit. Nahihiya man ay nilakasan niya na lang ang kanyang loob upang mag hanap ng kakilala sa loob, ngunit wala ang mga hinahanap niya, tanging ang grupo lang ni gerlin, matilda at hilda ang nakita niya. Nang matanaw ang kina uupuan ng mga kaklase ay nilapitan niya ang mga ito, nag taka naman siya ng paalisin siya nito sa kina uupuan na nakalaan para sa kanya. " Excuse me miss, naliligaw ka ata para kasi kay prey yang upuan na yan". Anang bago niyang kaibigan na si luz. " Luz hindi mo ba ako nakikilala?". Ani prey sa kaibigan. Tinitigan muna siyang mabuti nito at inalam bawat bahagi ng mukha niya, nagulat na lang siya sa naging reksyon nito, bigla kasing nanlaki ang mga mata nito na animo'y nakakita ng multo sa katauhan niya, at tinakpan pa nito ang bibig ng mapagsino siya. "OMG, IS THAT YOU PREY GRAZE MARQUEZ??". sa lakas ng boses nito ay naagaw na ang atensyon ng lahat ng malapit sa kinauupuan nila. Wala naman naging reaksyon si prey kundi ang ngitian ito habang tumatango. "Ako nga ito luz, do you like it?". Ani pa nito sa kaibigan. " I told you we have same beauty from inner and outside, wooaahh wala na din yung big eye glass mo, im so proud of you my friend". Masayang turan nito kay prey. Si Luz ay transferee from holy angels, na bully kasi ito doon kaya naman nag decide ito na lumipat sa eskwelahan nila, naging mainit naman ang pag tanggap dito, at mabilis niya itong nakasundo dahil natural ang pagiging mabait nito. "Picture tayo para may remembrance". ani luz. At nag post sila ng magkayakap at magkaakbay sa isa't isa. Panay linga ni prey upang hanapin ang mga kaibigan nitong si jon at elise ngunit wala ang mga ito, hindi rin ito sumasagot sa mga tawag at text niya. Maya-maya pa ay nag sayaw na ang mga kasali sa kotilion, matapos nun ay kanya-kaya ng hatak ng kapareha ang mga estudyante para mag sayaw, may dalawang lalaking lumapit sa kanila, ang isa ay sinayaw si luz, ngunit siya ay tumanggi kaya naman ang katabi nilang si pamela nalang ang isinayaw nito. Habang mag isang naka upo ay lalong nag dilim ang buong kapaligiran, at tumugtog na ang love song na king and queen, nagulat na lang siya ng biglang may kamay na nakalahad sa kanyang harapan, nag aalinlangan siya kung tatanggapin niya ang alok nitong makipag sayaw, unti-unti niyang itinaas ang tingin dito. Nabuhayan lang siya ng loob ng marinig niyang mag salita ito, magkahawak kamay silang lumabas sa naturang lugar, at nag tungo sa lugar kung saan malaya silang maka pag sayaw na silang dalawa lang, nag paalam kasi si janeth na may pupuntahan muna kaya wala pa ito sa mga oras na iyon, doon kasi sila matutulog ni janeth dahil gabi na siya makakauwi ay inalok na siya nitong doon na matulog kasama nito. Pag pasok sa hidden paradise nila ay niyakap niya ng mahigpit ang taong matagal niya ng nais makasama, gumanti din ito ng yakap, malamig man sa balat ang dampi ng balat nito ay hindi ito ininda ni prey, tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang makasam ang lalaking pinag alayan niya ng buong pag mamahal her first dance. " Buti dumating ka, miss na miss na kita". Ani prey kay crade. " Wag kanang umiyak andito na ako, miss na miss na din kita". At hinagkan nito ang labi ni prey ng buong pagmamahal. " Dumaan lang ako, hindi din ako mag tatagal". Ani crade. " Huh!!, ok kumusta na pala ang lola mo?". Alalang tanong ni prey. " She's ok now". Habang sinasabayan nila ang tugtog ng musica ay magkayakap sila, habang ang ulo ni prey ay nakasandal sa balikat ni crade. " Mine promise me, na hindi mo ako iiwan huh!!, dahil babalik at babalik ako sa iyo, i love you mine". Malambing na saad ni crade kay prey. " Oo naman mine, mahal na mahal din kita, lagi mong tatandaan yan". Nag tataka man si prey sa mga binitiwang salita ni crade ay pinili niya na lang na ipadama dito ang nararamdaman niyang pag mamahal para dito. Matapos ang tugtog ay nag paalam na rin si crade kay prey, tutol man ang kalooban niya ay wala na din siyang nagawa ng hagkan nitong muli ang mga labi niya at mag paalam sa kanya. Parang panaginip lang ang sandaling pagkikita nila ni crade, mabilis din itong nag laho sa mga paningin niya. Nagulat na lang siya sa pagkakatitig ni janeth sa kanya, parang gulat ito at hindi makapaniwala. " Kanina ka pa dyan?". Tanging nasambit ni prey kay janeth., alanganin naman napatango si janeth sa tanong ni prey. " Nakita mo si crade?, nag punta siya kahit saglit lang". Naluluhang paglalahad nito kay janeth. Naluluha na din ang mga mata ni janeth habang mataman siyang pinag ka titigan nito, mababakas sa mata nito ang awa para sa kanya. Kaya naman lumapit na ito sa kanya upang yakapin siya nito, doon na bumuhos ang halu-halong imosyong kini kim-kim niya sa loob ng ilang buwan. " Bakit ganun janeth, lagi niyang sinasabing mahal niya ako at babalikan niya ak, pero bakit natitiis niya akong hindi makasama ng matagal?". Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni janeth. " Mahal ka nya, prey ayaw ka niyang iwan pero iba na siya ngayon". Makahulugang saad ni janeth sa kanya. " A..a..anong ibig mong sabihin". Kuryosong tanong ni prey kay janeth. " Ganito kasi yun prey". Tumigil muna ito at nag isip kung paano ipapaliwanag sa kaibigan ang ilang buwan niya ng napapansin. " Si crade nga ang nakikita mo prey pe.. pero, spirit niya lang iyon, hindi iyon ang katawan niya". Naguguluhang tumingin si prey sa tinuran ng kaibigang si janeth. Pina upo muna nito ang dalaga at pina inom ng tubig upang mahimas-masan, at doon na nito ikinuwento ang ilang buwan ng napapansin. Ayon dito madalas daw pumunta si crade sa hidden paradise nila, madalas niya din daw makitang nakabantay si crade kay prey mula sa malayo, ilang buwan na daw itong nakikita ni janeth, marahil daw ay may masamang nangyari dito, malungkot daw lagi ang awra nito, marahil dahil sa sobrang pagmamahal ay hindi nito magawang iwan si prey, kaya kahit sa ganoong paraan ay binabantayan nito ang dalaga. Walang nagawa si prey, kundi ang tumangis ng tumangis ng mga oras na iyon, hindi niya lubos ma isip kaya pala laging sinsabi ni crade na mahal na mahal siya nito at babalikan siya dahil iyong ang katotohanan, ngunit hindi na nito maiparamdam dahil wala nga ito. " Actually hindi lang siya nag iisa prey, may kasama siyang isang babae at isang lalaki, nakita ko kung paano nila aluin si crade habang umiiyak ito, marahil hindi pa nito tanggap ang kasalukuyang sitwasyon. Mas lalong kinabahan si prey ng maisip ang huling pagkikita nila ni crade, nag paalam ito na makikipag kita kay jon dahil, mag didiwang ang mga ito ng pagka panalo nila. Puro pag tangis lang ang naging tugon ni prey kay janeth, hindi niya na din nagawang bumalik pa sa loob ng gym, kaya panay pagpapakalma lang ang ginawa ni janeth sa dalaga, matagal niya ng alam na may ibang kakayahan si janeth na makakita ng mga hindi pangkaraniwan, isa ito sa naging dahilan ng pagkakasundo nila, tulad niya ay na bully din ito dahil sa kakayahan nito. Para mapakalma ni janeth si prey ay nangako itong sasamahan ang kaibigan upang alamin ang nangyari kay crade at sa mga kasama nito. Kinabukasan ay sinimulan agad nila ang paghahanap kay crade, dahil sabado naman kaya walang pasok sa eskwelahan nila. Una nilang pinuntahan ang mga ka team mate ni crade para mag tanong kung alam ng mga ito ang tinitirhan ng binata. Si jon ang unang naisip ni prey, dahil ito lang ang kilala niya sa mga ito at ito lang din ang malapit sa kanya, kaya naman pinuntahan nito ang bahay nila jon. " Jon!!,jon!!". Ani prey, ngunit mag iisang oras na sila sa labas ay wala parin nag bubukas ng pinto, kaya nag pasya na silang umalis, ngunit nagulat sila sa babaeng nag salita sa kabilang bahay katabi ng bahay nila jon. " Mga ineng si jon ba hinahanap niyo?" Anang babaeng may katabaan. " Opo alam nyo po ba kung asan siya". Ani janeth sa ginang. " Naku mga ineng ilang buwan ng walang tao sa bahay na iyan". Anang ginang sa kanila. " Po?? Saan naman po kaya sila nag punta?". Ani prey sa ginang. " Umuuwi lang yung lola ni jon pag kukuha ng damit, tapos bumabalik din agad sa hospital". Anito sa dalawa. " Sino po kayang na hospital, ang alam ko po si jon at lola lang niya ang nakatira dito". Ani prey. Bigla siyang nakadama ng kaba sa nalaman, nag karoon man siya ng hinala ay binalewala niya lang iyon. Agad naman ding tinuro ng ginan ang hospital na madalas puntahan ng lola ni jon, kaya naman dali-dali nilang pinuntahan ang hospital na sinabi nito, upang makumpirma ang kutob niya ay nag tanong siya sa information. " Miss saan po ba ang kwarto ni mr. Jon altamirano". Ani prey umusal pa siya ng panlangin na sana ay hindi totoo ang hinala niya. Ngunit agad naman sumagot ang babae at ibinigay ang room number na kinalululanan ni jon, naka ramdam man siya ng panlalambot ng tuhod dahil sa nalaman ay agad niya namang tinungo ang nasabing kwarto nito. Pag dating sa itaas ay hinanap niya ang numerong ng silid nito, kinakabahan siyang nag lakad papunta sa pinto ng nasabing silid ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD