Nagising si prey na nakahiga na siya sa kanyang higaan at wala na si crade sa loob ng bahay nila, labag man sa loob niyang paalisin ito ngunit kailangan nitong sumama sa selebrasyon ng pagka panalo ng team nito.
Alas sais na ng gabi ng magising si prey, dahil nakakaramdam na siya ng gutom ay bumaba na siya sa kusina, napangiti na lang siya ng madatnan na may pagkain ng nakalagay sa mesa nila, galing yun sa isang fast food at base sa naka sulat ay alam niya kung kanino galing ang mga iyon.
Pagaling ka mine, ayokong magkasakit ka lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.
I love you very much ikaw lang ang buhay ko
Your mine and im yours.
My soon to be Mrs. Imperial❤❤❤
P.S Crade Leius Imperial III
Nakaramdam si prey ng tuwa at kilig sa naka sulat sa note, kaya naman kinuha niya iyon para itago, at sinimulan niya ng kainin ang pagkaing nakalagay sa mesa, dahil bumuti na ang pakiramdam niya kaya hindi niya na ininom ang gamot na naka lagay sa lamesa.
Alas otso na ng gabi ay wala parin siyang text at tawag na natatanggap galing kay crade, marahil ay napasarap ang mga ito, baka naman nag inuman ang mga ito at nagkakasarapan na, pero hindi parin maalis ang kaba na nararamdaman ni prey ng mga oras na iyon.
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon, kaya naman taimtim siyang nanalangin, matapos maka pag dasal ay gumaan na ang pakiramdam niya, kaya naman nag pasya na siyang matulog nalang.
Alas diyes ng gabi ay nagising si prey sa tunog ng kanyang telepono at laking tuwa niya ng si crade ang tumatawag.
" Mine na istorbo na kita?". Anito sa kabilang linya.
" Hi,hindi mine kanina pa nga kita hinihintay na tumawag eh!". Ani prey, narinig pa niya ang sunod-sunod na malalim na pag buntong hininga ni crade sa kabilang linya.
" Mine ok ka lang ba?". Alalang sambit ni prey.
" Yes mine, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, ikaw lang ang pinaka mamahal ko at wala ng iba, Mula bata palang tayo ikaw na ang mahal ko kaya promise me na aalagaan mo lagi ang sarili mo and please promise me na ako lang ang mamahalin mo, kahit lumayo man ako ay babalik at babalik parin ako sa iyo, sa iyo lang ako... ok?". Naguguluhan man si prey sa sinasabi ni crade ay sumang ayon na lang siya dito, marahil lasing na ito kaya ganun na lang ang mga sinasabi nito.
" Yes mine, ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang mamahalin ko, dont worry aalagaan ko ang sarili ko, i love you mine". At naputol na ang kabilang linya.
Ipinag patuloy nalang ni prey ang pag tulog dahil naalimpungatan lang ito.
Kinabukasan ay parang panaginip lang ang mga namagitang pag uusap sa kanila ni crade, paulit-ulit kasi itong tumatakbo sa isip ni prey.
Dalawang araw na ang nakakaraan ay wala parin siyang natatanggap na tawag at text mula kay crade, may usapan pa naman silang magkikita ngayong linggo para i celebrate ang monthsarry nila.
Lunes ng umaga ay hindi ni crade sinundo si prey, kaya naman nag commute na lang si prey at iniwan ang bike ni crade sa loob ng bahay nila, medyo nag tatampo parin kasi siya kay crade.
Wala ring crade na pumasok sa kabilang silid kaya naman, nangingiyak na siya sa takot na baka iniiwasan na siya ni crade at may iba na ito, kaya naman ng mag ring ang bell bilang hudyat ng breaktime ay nag madali siyang pumunta sa hidden paradise nila ni crade naupo muna siya sa upuan na nakalagay doon at tahimik na siyang kumain mag isa, wala din kasi si janeth, marahil ay nag lilinis pa iyon.
Nagulat nalang siya ng biglang may humalik sa pisngi niya, para siya kinilabutan sa lamig ng pagkakahalik sa pisngi niya, gaya ng inaasahan ay alam niya na kung sino iyon sa amoy pa lang nito ay alam niyang si crade na iyon.
Hindi niya muna pinansin ang binata upang ipaalam dito na may tampo siya dito.
Agad naman nawala ang hinanampo niya dito ng humingi ito ng tawad,sa hindi pag paparamdam at pag sagot sa tawag at text niya.
" Sorry na mine, please wag kana mag tampo masakit kasi ang buong katawan ko kaya buong maghapon akong tulog" ani crade kay prey.
" OO NA!! sorry kung nagtampo ako hindi ka kasi nag rereply sa message at tawag ko eh!!." Ani prey kay crade.
At tumabi na ito sa kanya, at masuyo silang nag usap.
Pagkatapos noon ay umakyat na sila sa classroom nila.
Sa isang lingong nag daan ay sa hidden paradise na sila lagi nagkikita, hindi na nag babaon si crade ng pagkain nito dahil late itong pumupunta sa nasabing lugar at nag pupunta lang ito doon upang makipagkita sa kanya.
Ganoon na lagi ang naging pagkikita nila ni crade, iniintindi niya na lang dahil marami itong ginagawa at dahil sa mahal niya ito ay kaya niya itong unawain.
Lumipas pa ang mga araw ay mag papasko na kaya naman busy na ang lahat, bumalik muli si prey sa karinderia upang tumulong sa pag seserve dahil busy daw ang mommy ni elise dahil sa kaanak nitong nasa hospital, ito ang kasalukuyang nag babantay, marahil kapalitan nito si elise kaya hindi ito nakikita ni prey.
Ngayong araw ng pasko ay tanging lola lang niya ang kasama niya, ganito naman sila lagi tuwing pasko, umalis lang saglit ang lola niya upang mamili ng lulutuin sa darating na bagong taon, dahil dalawa lang sila ay kaunti lang naman ang niluluto nito madalas kasi ay bigay ng kapit bahay ang nagiging handa nila, sa dami ng kapit bahay na nag bibigay sa kanila.
Nagising siya mula sa pagkakatulog ng makita niya nakatayo si crade sa tabi ng lamesa, nakalimutan niya na nasa sala nga pala siya naka tulog.
" Mine!!, merry christmas, ito nga pala ang regalo ko saiyo, ito naman ang gift ko sa iyo para sa newyear, baka kasi hindi pa ako makabalik nun, pupuntahan kasi namin si grandma at grandpa, ilang christmas at newyear na kasi kaming hindi magkasama, kaya mag iingat ka dito mine, mahal na mahal kita". Ani crade.
At bigla naman nagising si prey mula sa pag kakahimbing nito, at naabutan niya ang kanyang lola clara na nag aayos ng mga pinamili nito.
Kaya naman tinanong niya ito kung nakita ba nito si crade, ang tanging naitugon naman nito ay ang regalo daw na iniwan ni crade at inabot ito ng abuela niya sa kanya.
Nalilito man si prey ay pinag walang bahala niya na lang, ang tanging alam niya lang ay dumaan si crade kanina at dala siguro ng antok ay hindi niya na namalayan na umalis na din ito, nag mamadali kasi ito dahil pupuntahan daw nito ang lolo at lola nito upang makasama sa pagdiriwang ng bagong taon.
Enero a ocho ang unang araw ng balik nila sa eskwela, madalang lang tumawag si crade, tuwing hating gabi pa marahil dala ng pagkakaiba ng oras nila, lagi lang nitong sinasabi na mahal na mahal siya nito.
Na ikinatuwa naman ng puso ni prey, gaya ng dati ay ginawang busy ni prey ang kanyang sarili upang hindi niya ma miss ng sobra si crade, ayon kasi dito ay may sakit ang lola nito kaya na adjust ang pag uwi nila dito sa pilipinas,
Lumipas pa ang ilang lingo at nalalapit na ang araw ng mga puso ganun din ang js prom nila.
Muli nanamang umusal ng panalangin si prey, na sana sa araw ng mga puso ay bumalik na si crade kasabay ng araw ng js prom nila, para may makapareha naman siya, ngayon lang kasi siya makaka attend ng js prom nila, dahil sa kakapusan sa pinasyal ay hindi siya sumama noong 3rd year palang siya, ngunit ngayon ay nakapag ipon na siya dahil sa pamamasukan niya sa karinderia nila elise bilang serbidora.
Kaya naman meron na siyang pang arkila ng susuoting damit, matagal niya na iyong pinaghandaan, dahil nais niyang makita siya ng kanyang lola clara sa ganoong ka garbong damit, kaya naman pinag ipunan niya ang ipang aarkila niya sa susuotin niyang damit.
Nagtataka na din si prey dahil bihira niya na din makita si elise at jon na mimiss niya na ang mga ito, hindi niya naman makuhang magtanong sa mommy ni elise dahil palagi itong wala sa karinderia, si jon naman ay laging walang tao sa bahay nito.
Kaya naman nag tungo na lang siya sa hidden paradise nila ni janeth, naabutan niyang nag aayos ito doon.
" Oh!!, prey kumusta ang bakasyon?". Ani janeth sa kanya.
" Ito naging masa na". Ikinakunot naman nito ang sagot niya.
" Bakit masa na?". Tumawa naman siya sa tanong nito, kaya naman sinagot niya na ang tanong nito.
" Masa, masandal lang tulog na". At napahagalpak naman siya ng tawa, ganun din si janeth ng ma isip ang sinabi niya.
" Hindi mo ba nakikita ang mga kaibigan ko? Si jon at elise". Anito kay janeth, bigla naman nag iba ang reaksyon ng mukha nito at bahagyang nanlaki ang mga mata nito.
" Ha...eh... hi..hindi". Ani janeth na nabubulol pa.
" Na mi miss kona kasi sila eh!!". Tanging naiusal niya.
Alanganin naman itong tumingin sa kanya, na parang nag iisip ng malalim, ng muli itong tumingin sa kanya, ay bumukas ang bibig nito ngunit wala naman lumabas na salita.
Kaya naman nag paalam na ito kay janeth upang bumalik na sa classroom, at ibinigay nito ang regalong wallet para kay janeth.