Kinabukasan ay nagising silang magkatabi sa higaan, si crade na ang nag luto at nag hain ng almusal nila, at inalalayan nalang nito si prey upang makapag ayos na at sabay na silang pumasok sa eskwelahan.
Parang lumulutang parin sa mga ulap ang pakiramdam ni crade ng mga oras na iyon,
Officially girlfriend niya na ang babaeng sinusundan niya lang dati, kaya mas lalo niyang pinag igihan ang ginagawang pag pa practice lalo pa ngayong inspirado siya.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ni prey, masaya dahil sinagot niya na si crade takot dahil sa mga ma aaring mangyari, malayong malayo ang estado ng buhay nito sa buhay na kinagisnan niya, pakiramdam niya ay hindi sila bagay, pero alam niya sa puso niya mahal niya na si crade at ayaw niyang mawala ito sa buhay niya, muli nanaman siyang nakahanap ng kaibigan at pamilya sa katauhan ni crade.
Ilang araw ang lumipas puro saya at kilig ang nadarama niya sa tuwing magkasama sila ni crade, parang ayaw niya ng matapos ang mga araw dahil maghihiwalay nanaman sila, lalo pa ngayon ay may kalayuan na ang bagong nilipatan nitong bahay, pero pag may pagkakataon na maihatid at sundo siya ni crade ay sinasamantala na ng binata, palapit ng palapit ang kapaskuhan pa busy naman ng pa busy ang mga schedule nila ni crade dumating sila sa punto na sa cellphone na lang sila nag uusap.
Laking pasalamat niya kay crade dahil sa binigay nitong cellphone kaya kahit hindi sila magkasama nag kakausap naman silang madalas kaya napapawi nun ang pangungulila nila sa isa't-isa.
Ngayon ang huling araw ng pag susulit, at ngayon din ang finals ng basketball, dalawang school na lang ang natitirang mag lalaban ang holy angels at ang saint dominique.
Dahil ang saint dominique ang lamang noong huling laro ay sa saint dominique gaganapin ang finals, kaya naman parang foundation day ng araw na iyon sa schooll nila, andaming mga sasakyang nakaparada at mga estudyante ng holy angels, pero hindi din naman nag patalo ang saint dominique sa pag che-cheer sa mga pambato ng mga ito.
Kasalukuyang nasa loob pa ng classroom si prey dahil tinatapos nito ang pagsusulit, dala ng ilang araw na ka kulangan sa tulog at pagod ay nakaramdam siya ng hilo.
Ngunit hindi na ito pinag aksayahan ni prey dahil nangako siya kay crade na manunuod siya ng laban ng mga ito, isa pa andun din ang matalik niyang kaibigan na si jon kaya naman napag pasyahan niyang daanan ang girlfriend nitong si elise.
" Prey tara nood tayo". Masayang bungad nito ng makita siya nito.
" Kaya nga ako dumaan dito para may kasabay akong pumunta doon". Masayang tugon niya sa kaibigan.
" Prey ok ka lang ba? Parang ang putla mo, masama ba pakiramdam mo?". Alalang tanong ni elise sa kaibigan.
" Ok lang ako, medyo nahihilo lang ako pero kaya ko naman, ilang araw na kasi akong puyat sa ka rereview eh". Ani prey at nag tungo na sila sa court ng paaralan.
Pag dating nila sa nasabing lugar ay 2nd quarter na ang naabutan nila, at medyo nagkaka initan na ang laban kaya naman panay na ang tayo ng mga na nunuod ng laban.
Nagkakainitan na ang kaibigan niyang si jon at ang lalaking naka jersey no. 2, siniko nito si jon ngunit hindi ito natamaan kaya naman mas lalo pa itong dumikit kay jon, sapilitan nitong inagaw ang bola at mayabang itong nag dribol.
Sa likod nito ay si jon at crade at ng aagawin na ni crade ang bola ay siniko nito ang bibig ni jon na nasa likuran nito, dahilan kaya tumawag ng foul ang couch ng saint dominique, dumudugo ang ibabang bahagi ng bibig ni jon, kaya naman napatayo na si elise sa sobrang pag aalala nito.
Sa inis ni elise ay sumigaw ito ng, panget ka jersey no.2, kaya ka inayawan ang sama mo kasi, parang natigilan saglit ang naka jersey no. 2, si jon naman ay lumingon sa kina uupan ng dalawang magkaibigan .
Kumaway naman si elise kay jon, at nag flyingkiss pa na lalong ikina ngit-ngit ng kalaban nila jon na naniko dito.
" I love you mine". Sigaw naman ni crade kay prey na ikinamula ng buo nitong mukha,
at nag yuko na lang ng ulo si prey.
Muli nanamang inulit ng naka jersey no. 2 ang paniniko nito kay jon, dahil sa alerto na si jon ay hindi na ito tumama sa bibig niya.
Nang makita ni crade ang ginawa ng naka jersey no.2 ay sinamantala niya iyon upang makuha ang bola dito, dahilan upang maka 3 point shoot ito.
Nang mashoot ni crade ang bola ay sumigaw nanaman ito" Para sa iyo yun mine". Masayang hiyaw pa nito.
Ngumiti lang si prey sa tinuran ni crade, maya-maya ay mas lalong nagkaka initan ang laban, may ipinasok na isang player mukhang matapang ang mukha nito, lumapit agad ito kay crade at sumenyas ng animo'y sigurado na itong matatalo ang grupo nila crade.
Kaya naman sinenyasan din ito ni crade na ito ang matatalo, maya-maya pa ay nagulat nalang si crade ng biglang may lumapit ditong babae at pinunasan ang pawis nito ng panyo, agad naman napatingin si crade kay prey, wala naman reaksyon na mababakas sa mukha ni prey, dahil kilala niya ang nasabing babae.
At alam niyang malala ang tama nito kay crade kaya naman ipinagkibit balikat niya lang ito, ng mapalingon siya sa gawi ni crade ay mahahalata sa mukha nito ang pag aalala, nag aalala kasi itong baka magalit si prey dahil sa babaeng nag punas ng pawis sa mukha niya, ngunit nabuhayan naman ang loob nito ng makitang nakangiti lang ang nobyang si prey, kaya naman kinindatan ni crade si prey.
Sa ikatlong quarter ay naka focus na ang lahat sa pag lalaro, may mga kinakabahan na dahil lumamang ang holy angels ng 2 points.
Dahil sa pagiging desidido ni crade na maipanalo ang laban ay hindi nito ininda ang paniniko at panunulak ng kalaban, kaya naman ng maagaw nito ang bola ay tumira ito ng dalawang mag kasunod na 3point shoot.
Kaya apat na ang lamang nila sa kalaban nilang paaralan, na lalo naman ikinapikon ng mga kalaban nila, lantaran na ang paniniko ng mga ito at panunulak, pero hindi ininda ng grupo nila crade ang mga ginawa ng mga ito sa kanila kahit dumudugo na ang gilid ng labi ni crade, dala ng pagkakasiko ng kalaban.
Sa bwisit naman ng kakampi ni crade na si drake ay pasimple din itong bumawi at tinuhod nito ang kalaban dahilan upang ma out of balance ito at madapa, sa galit ng kakampi nito ay tinulak ang kaibigan ni crade, kaya itinago ito ni crade sa likod at si crade ang nakipag sukatan dito.
Inawat na sila ng couch at tinakot na pag hindi naayos ang paglalaro ay ma di disqualified silang lahat at masasayang lang ang hirap at pagod nila.
Habang nakaupo si prey ay nakakaramdam nanaman siya ng hilo at pamimigat ng pakiramdam para na siyang lalagnatin ng mga oras na iyon, kaya hinintay niya na lang na matapos ang laban.
Sa fourth quarter ay mas naging mainit ang labanan nag babalyahan at nag sisikuhan na parehas ang magkabilang grupo, kaya naman tinambakan na ng saint dominique ang holy angels, tinadtad sila ni crade ng puro 3 points kaya mas lalong nag ngingitngit ang kalaban nila at si crade na ang pinupuntirya ng mga ito, mabuti na lang at matindi ang depensang ginawa ng mga ka team mate ni crade, kaya naman panay 3 points na mag kakasunod ang ginawa nila.
" Go imperial". Anang babaeng nag punas ng pawis ni crade, naka suot ito ng holy angels na uniform pero sa saint dominique ito nag che-cheer.
Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan ng natambakan ng saint dominique ang holy angels, kaya naman hindi na maipinta ang galit sa mukha ng mga kalaban nila, animo mga dragon na anuman oras ay magbubuga na ng apoy sa bibig.
20 seconds na lang ang natitira at matatapos na ang laro kaya naman mas pinatindi ng kalaban ang maduming laro, nag tagumpay ang mga ito ng ma injury si crade sa braso, dahil sa tindi ng paninikong ginawa ng kalaban na nag banta kay crade kanina,
Pero kahit injured ay hindi parin nag pa sub si crade, 5 segundo na lang ang natitira pantay na ang score ng dalawang kuponan, kaya naman kahit masakit ang braso ay pinilit ni crade ang maka shoot at siyang bilang naman ng 4,3,2,1.
Parang tumigil ang mundo ng lahat ng taong andun, dahil pag patas ang score ibig sabihin maglalaro pa uli para malaman kung sino talaga ang panalo.
Tipikal na umikot ang mundo ni prey dahil sa kaba at pag aalalang nararamdaman batid kasi nito na nasasaktan si crade sa tinamo nito sa kalaban, kaya naman napatayo na siya ng matapos na ang laro, na iiyak siyang tumingin sa gawi ni crade, pinag halong pag aalala, awa, at pag mamahal ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Nagulat pa ang lahat ng makipag buno ang mga kalaban nila crade, bigla nalang kasing nanuntok ang kalaban nilang naka jersey no.2 sinuntok nito si jon, kaya naman napatulala si elise sa kinalalagyan ng makitang may dugo sa gilid ng labi ni jon.
Ayon kay elise ay dati niyang masugid na man liligaw ang lalaki at matalik din niyang kaibigan ngunit hindi siya natuwa sa ugali nito kaya naman pinatigil niya na ito sa panliligaw sa kanya at sinagot na si jon.
Panay naman awat ng mga tao sa paligid nila, sunod naman na sinuntok ng kasama ng naka jersey no. 2 ay si crade na ilagan ni crade ang suntok nito, at natadyakan niya ang lalaki, sa inis ng lalaki ay tatayo pa sana ito ng biglang humarang ang babaeng nag punas sa pawis ni crade, walang iba kundi ang maarteng si francine.
At base sa sigawan ng dalawa ay dating karelasyon ni francine ang naturang lalaki, at si crade ang pinag bibintangan nitong dahilan ng paghihiwalay nila ng babae.
Dali-dali ng bumaba ang mag kaibigang elise at prey para puntahan ang mga nobyo ng mga ito.
" Tumigil kana nga rowi, ayoko nga sa iyo ilang beses ko bang dapat sabihin pa sayo?". Patuyang anas ni elise sa binata, mas lalo pang nanlisik ang mga mata nito sa galit at nag banta pa na humanda daw si jon, hindi daw ito papayag na ipagpapalit lang siya ni elise kay jon, at umalis na ito.
Ang kaaway naman ni crade ay panay duro kay crade, hindi daw ito papayag na makipag hiwalay si francine dito, kaya naman lumapit na si prey upang, sabihin sa lalaki na boyfriend niya si crade at hindi nito gusto si francine, ngunit bigla nanaman siyang nakadama ng pagka hilo dahilan upang hindi na maituloy ni prey ang dapat sana'y sasabihin niya sa lalaki.
Nang mapansin iyon ni crade ay dinaluhan siya nito at inalalayang maka upo at pina inom siya nito ng tubig nito.
Pag labas ng mga taga holy angels ay panay hiyawan ng mga estudyant ng saint dominique, talo kayo, talo kayo uwi,uwi,uwi saint dominique parin.
Puro sakit man ng katawan ang inabot ng team nila crade ay masaya naman sila dahil sa pagkaka panalo nila, nag ka ayaan pa silang mag daos ng selebrasyon dahil sa pagka panalo ngunit hindi na sumama si prey dahil sa sama ng pakiramdam nito.
Kaya naman hinatid na muna ito ni crade pauwi sa bahay nito at pinag pahinga, nilagyan naman ni crade ng yelo ang namamaga niyang braso at putok ng labi.
Nang masigurong tulog na si prey, ay hinalikan nya muna ito sa ulo bago lumabas ng silid nito, parang may nag pipigil sa kanyang iwan ito pero nangako kasi siya sa mga kaibigan na susunod na lang.
Nasa ganoon siyang isipin ng biglang tumunog ang cellphone niya, si francine ang tumawag sa kanya upang humingi ng paumanhin, kaya naman inanyayahan siya nito upang makabawi daw sa nagawa nito sa kanya, kaya naman nag desisyon na siyang kausapin na ito upang tigilan na siya at layuan.
Nag ring ng muli ang cellphone niya at si jon naman ang tumawag.
" Pre papunta na ako pero dadaanan ko muna si france, oo dun na lang tayo magkita ok". At siniguro muna nitong naka lock ng maayos ang pinto ng bahay nila prey sa likod at harap pati na rin ang mga bintana.
Nang masigurado nitong naka lock na ay ni lock nya na din ang harapan na pinto nasa kanya kasi ang isang duplicate ng susi ng bahay nila prey, pero hindi niya sinabi ang bagay na iyon kay prey.
At umalis na siya upang magtungo sa lugar na napag usapan nila ni france at jon.