Ang pang liligaw

3009 Words
Unang araw ng pag sundo ni crade bilang legal na manliligaw ni prey, kaya naman maaga siyang gumising upang mag luto ng babaonin dinagdagan niya na din ang baon na ulam para hati sila ni prey. Pag dating sa bahay ni prey ay nag hintay lang siya ng ilang segundo, bago lumabas ang dalaga, nagulat ito ng makita si crade sa tapat ng gate nila, suot ang matamis nitong ngiti ng masilayan siya nito. " Good morning my prey". Masayang bati ito sa dalaga. " Good morning crady". Tugon ni prey sa tinuran ni crade. " I like that, crady im your crady my prey". Malambing na turan nito kay prey. Pagdating sa school ay sumalubong sa kanila ang malaking banner at naka lagay ang congratulations at naka lagay doon ang mukha nila ni prey. " Kita mo, para tayong hero may pa banner pa". Pabirong saad ni crade, natawa naman si prey sa tinuran ng binata. Dahil madilim pa ay nag pasya si prey na ipakita kay crade ang tambayan nila ni janeth, si janeth ang madalas niya kausap tuwing breaktime at dito sila sa likod ng school kumakain malapit sa locker room ni janeth ay may tagong garden at tanging sila lang ni janeth ang nakaka alam, dah si janeth ang nag aalaga sa mga halaman na naroon. " Wow, hindi ko alam na may hidden paradise pala dito". Na hihiwagaang saad ni crade kay prey. " Ang ganda no?, pag hindi mo ako makita sa classroom ko madalas andito ako, kung hindi naman ay nasa library ako nag babasa". Pag lalahad ni prey kay crade. " Now i know, kung saan kita hahanapin pag hindi kita makita". Ani crade . Matapos ipakita ni prey ang hidden paradise nila ni janeth ay umakyat na sila sa kanya-kanya nilang silid. Sakto alas dose ang oras ng breaktime nila prey, tulad ng sinabi ni crade ay sinundo niya si prey upang kainin ang dala niyang pag kain, doon naman siya dinala ni prey sa hidden paradise. " Pag pasok sa loob ay nakita nilang nag aayos si janeth ng gamit nito at mukhang nag mamadali ito. " Prey wait lang pala, nakalimutan kong bumili ng inumin natin". Umalis na muna sa crade para bumili ng inumin nila. " Hi janeth!!, nag mamadali ka yata?". Ani prey sa kaibigan nito. " Ayy, oo may lakad kasi kami ni lola, nakalimutan ko kasi na check niya pala ngayon, mauuna na ako, alam mo naman kung paano isara ito diba?, sa susunod na lang tayo mag sabay kumain". At nag paalam na ito. Pagbalik ni crade ay naka handa na ang mga dala nilang pagkain at may nakalatag na sapin sa damuhan, at naka upo na si prey sa ibabaw ng sapin. " Wow picnic". Masayang saad ni crade. At masaya nilang pinag saluhan ang mga baon nilang mga pagkain. " Ang ganda dito no?". Ani prey kay crade. " Yes, ang ganda dito, its like a paradise for me, from now on ito na ang hidden paradise natin". Masayang saad nito sa dalaga. Ng mga oras na iyon ay parang may ibang nakitang ngiti si prey kay crade, parang biglang may pumasok sa isip niya, ang masayang mukha ni crade at unti-unti itong lumalabo na animoy anino na lang hangang sa mag laho ito na parang nilipad ng hangin. " Prey!!, are you ok?". Dahilan upang bumalik sa ulirat si prey, at matuon ang buong atensyon sa kasalukuyan. " Prey, are you ok?". Muling tawag ni crade kay prey. Binalewala nalang ni prey ang nakita niya, hindi niya maipaliwanag sa sarili niya kung ano ang nakita niya, at bigla siyang kinabahan sa nakita, parang anino si crade na unti-unti nag laho sa hangin. " Ahhh, yes,yes, tara na kain na tayo!!" Tanging naging tugon ni prey, masayang masaya si crade habang pinag sasaluhan nila ang mga pagkaing dala nila, may dala siyang, piniritong spam, at corn beef na guisado, may dala din siyang, leche flan, at mini chocolate cake para sa dessert nila, ang baon naman ni prey ay hotdog at tocino, matapos kumain ay halos hindi sila maka tayo sa kabusugan, nanatili pa sila ng ilang minuto bago nag pasyang bumalik sa mga classroom nila. Sa uwian ay hinatid na muna ni crade si prey sa bahay nito, at bumalik na lang sa school nila para maka pag practice ng basketball, nalalapit na kasi ang labanan ng mga school kaya, puspusan na ang pag papractice nila. " Pre, lakas talaga ng tama mo kay prey no?, biruin mo since grade school sinusundan mo na siya, pati ba naman sa highschool, sinundan mo talaga, diba sabi ni tita cel, sa holy angels ka mag aaral?, pinag pilitan mo talaga na dito ka mag aral para makasama mo si prey no?". Anang kaibigan niyang si jon, ngumiti naman si crade ng nakakaloko at pinaningkitan nito si jon ng mga mata. " Bakit, ikaw nga kay elise ganun din eh!!, ginamit mo pa ang best friend mong si prey para lang mapalapit kay elise, unggoy ka talaga eh!!". Ito kasi ang nag sabi na mag apply si prey sa karinderia nila elise, upang makapag trabaho para pang dag-dag sa pag aaral ni prey, narinig kasi ni jon ang usapan ng nanay ni elise at ng serbidora nito ng minsang kumain siya sa nasabing lugar, kailangan daw nila ng partime na serbidora dahil dumadami na ang kumakain sa nasabing lugar, habang kumakain si jon doon, kaya naman dali-dali niyang sinabi kay prey ang bagay na iyon, at doon na naging magkaibigan si prey at elise. " Kaya nga tayo magkasundo pareho kasi tayo ng sabaw eh!!". Ani jon kay crade. " Sa tingin mo pre, sasagutin kaya ako ni prey?". " Hindi pa kasi nagkaka boyfriend si prey eh!!, malay mo pag nagustuhan niya ang ugali mo, hindi naman kasi yun mahilig sa materyal na bagay at panlabas na anyo, mabait si prey mabuting apo kay lola clara, matalino at maabilidad, maganda pa, kaya pre wag mong sasaktan si prey huh!!, kundi nakita mo ba itong muskles ko na ito". At mwestra nito sa brasong may maliit na umbok. " Ahh, ganun". At hinabol na ito ni crade. " Wag ka mag alala pre, kilala mo ako hindi ko ugali manakit ng babae, i love prey very much". At ngumiti na ito sa kaibigan. Matapos nilang mag practice ay nag pahinga muna sila ni jon at nag asaran, tapos nun ay sabay na silang naligo at umalis sa eskwelahan nila, si crade naman ay dumaan muna sa bahay nila prey, tulad ng dati walang kasama si prey sa bahay nila dahil gabi na umuuwi ang lola clara niya. " Ohh!!, crade ikaw pala yan". Ani prey. " Dinaanan kita para ayain ka sanang mag dinner". Yakag naman nito sa dalaga. " Huh!!, ehh, mag sasaing na nga sana ako para sa hapunan eh!!,". Tanging nai tugon ni prey sa binata. " Wag kana mag saing kumain na lang tayo sa labas". Pamimilit nito sa dalaga. " Sige na nga, mag isa lang naman din akong kumakain pag gabi eh!!, teka lang kukunin ko lang ang wallet at cellphone ko". Ani prey. Matapos makuha ang mga gamit ay bumaba na din ito para sumama kay crade na kumain sa labas. " Uhhhmm, pero mag palit ka muna ng damit at short". Ani crade sa dalaga. Nawala kasi sa loob ni prey ang suot niyang maiksing short at manipis na t-shirt dahil sa pagka bigla sa pagdating ni crade. " Ito ok na ba ito?" Ani prey kay crade. " Much better, kesa kanina pero magsusuot ka lang ng short pag ako kasama mo, ok?". Ani crade. Sa mall siya dinala ni crade, nag ikot-ikot muna sila sa mall, dahil may bibilhin daw ito, huminto sila sa bilihan ng relo, na una ng pumasok si crade at mataman nitong tinignan ang g gshock na kulay blue and pink. " Miss buy one take one ba itong blue and pink?". Anito sa sales lady. " Yes po sir, discounted pa po yan, from 13,500 naging 9,000 na lang po yang dalawa". Anang sales lady. " Patingin nga, water resist na din ito right?". Usisa pa nito. " Yes po, kagaya po nung binili nyo nung nakaraan". Segunda pa nito. " Water resist pala yun, niregalo ko kasi yun kay mommy". Ani crade. " Itong bibilhin ko ngayon para sa amin". At tinuro pa nito ang nakatayong si prey sa sales lady. " Aaahhh, girlfriend nyo sir?". Usisa pa ng sales lady. " Hindi pa, nililigawan ko palang". Masayang tugon ni crade sa sale lady. " Ang swerte naman ni maa'm". Masayang saad nito. " No ate, mas ako ang swerte sa kanya". Nag mamalaking tugon nito sa sales lady. " Ayyyiiieee". At tumawa naman sila ng sales lady. Walang kamalay-malay si prey sa tinatakbo ng usapan ng sales lady at ni crade, nakatuon lang ang atensyon niya sa mga relong naka display, nalula siya sa presyo ng mga naka display doon, tatlong buwan pa niyang pag tatrabahuhan ang perang maaari niyang ipam bili sa relo pero kulang parin, kaya naman manghang-mangha siya sa mga relong naka display doon. Matapos ipa swipe ni crade ang card ay ibinigay na sa kanyan ang dalawang relo na binili niya. Mamaya niya nalang ibibigay kay prey ang binili niyang relo para dito, sunod nilang pinuntahan ay ang department store, doon naman sila tumingin ng mga pabango, gaya kanina ay lumapit agad ang sales man kay crade. " Sir anong pabango ang hanap nila?". Anang sales man sa binata. " Meron na bang polo sport?". Ani crade sa lalaki. " Naku sir wala parin pong dumadating, baka gusto nyo po i try ito.". At inisprayan nito si crade sa kamay. " Ang bango nga". Ani crade, at tinawag nito si prey upang ipa amoy din ang masabing pabango. "Mabango nga ito, magkanu po ang ganitong pabango?". Tanong ni prey sa salesman. " 2,000 po yan ma'am, naka sale na po yan". Anang salesman habang nakangiti sa kanila, nalula naman si prey sa presyo ng pabango nito, kaya pasimple niyang hinatak si crade sa isang tabi, at doon ito kinausap. " Bakit ang mahal naman ng pabango na iyon?". Anito sa binata. " Huh!!, kasi original iyon, matagal mawala ang amoy". Paliwanag ng binata dito. " Kahit na may mura naman pero matagal din mawala ang amoy". Ani prey kay crade. " Ok sige, saan ba yung sinasabi mong mura pero matagal din mawala ang amoy?". Tanong ni crade dito. " Sumunod ka saakin, ituturo ko sa iyo.". At sumunod nga ito sa dalaga. Huminto sila sa harap ng isang stall ng pabango, at kinausap ni prey ang sales lady dito upang tanungin. " Ate patinging nga po ako ng kulay green nito, papa amoy ko lang sa kasama ko". At inabot naman ng sales lady ang tester ng nasabing pabango at pina amoy nito kay crade. Natuwa naman si prey sa biglang pagliliwanag ng mukha ni crade, mukhang nagustuhan nito ang amoy ng naturang pabango na pinaamoy niya dito. " Mabango nga, gusto mo ba ito na lang ang pabango ko?". Tanung pa nito kay prey, tumango naman ito at ngumiti ng pagka tamis tamis sa binata. "Ok, ate may malaki ka bang size nito?". At kumuha ito ng dalawang malaking pabango. Sunod naman nilang tinungo ay ang kainan sa harap ng department store, habang nag hihintay ng pagkain ay nag paalam muna si crade na may bibilhin lang, kaya naman naiwan si prey mag isa at hinintay ay pag dating ni crade. Pag balik nito ay may bit-bit na itong paper bag ng department store, kumain na muna sila, matapos nun ay nag pasya na din silang umuwi. Pag dating sa bahay nila prey ay nag taka siya kung bakit naka bukas ang ilaw, ganoon din ang pinto ng bahay nila, sila lang ng lola niya ang may hawak ng duplicate sa bahay nila, kaya naman pinigilan niya na muna ang sariling mag panic mabuti na lang at mukhang naintindihan nito ang nais niyang ipahiwatig, kaya naman dinala siya nito sa likod niya at kumuha ng kahoy na ma aaring ipang palo sa nanloob sa bahay nila prey. May nakita siyang isang lalaki na paakyat sa itaas ng bahay, ang isa naman ay palabas ng bahay, kaya nag tago na muna sila, pag labas ng lalaki ay hinampas niya agad ito sa ulo, manlalaban pa sana ito ngunit, hinampas ulit ni prey ng bato ang ulo nito dahilan upang mawalan ito ng malay at agad naman itong ginapos ni crade sa paa at kamay. " One down". Ani crade. Nagulat pa sila ng mag salita ang isang lalaking kasama nito. " Pre wala dito yung dalaga, maganda pa naman yun at masarap, mukhang virgin pa". Anang isang lalaki, dahilan upang mas lalong magalit si crade, mas lalo siyang nanggigil ng marinig ang pakay ng mga ito kaya naman hinintay niya na muna itong lumabas at doon niya ito pina ulanan ng magkabilang suntok, tadyak at sipa sa mukha, halos ayaw niya na itong bitawan dahil sa galit niya dito, natauhan lang siya ng yumakap mula sa likod niya si prey at umiiyak na ito. " Tama na crade, baka mapatay mo siya". Ani prey kay crade, doon lang nakaramdam ng pag kalma ang binata at binitawan ang lalaking naka handusay at wala ng malay. Maya-maya pa ay napalibutan na sila ng mga kapit bahay, galit na galit din ang mga ito, mabuti na lang daw at nahuli na ang mga ito dahil madalas na pala ang nakawan sa lugar nila. Nang dumating na ang barangay ay sumama na muna pansamantala si prey at crade upang mag bigay ng testimonya at mag file ng kaso, ganun din ang ibang kapit bahay na nabiktima ng pag nanakaw, matapos nun ay umuwi na sila sa bahay nila prey. " Anong oras darating ang lola mo?". Ani crade. " Hindi siya uuwi ngayon kasi umuwi sa probinsya ang amo niya aattend daw ng fiesta kaya sinama siya upang mag luto doon". Paliwanag nito kay crade. " Ibig sabihin ay mag isa ka lang pala ngayon dito?, gusto mo dito na lang din ako matulog para may kasama ka?". Alok nito sa dalaga upang hindi matakot ang dalaga. Gustuhin mang tumanggi ni prey sa alok ni crade ngunit, nahihintakutan parin siya sa nangyari kanina, lalo pa at siya pala ang punterya ng mga ito maliban sa kinuha nitong pitaka ng lola niyang naka lagay sa aparador. " O.. ok lang ba sa iyo? Hindi aircon ang bahay namin, at hindi malaki ang higaan namin, hindi rin ganun ka lambot". Ani prey. " Walang problema sakin yun ang importante ay masiguro ko na ligtas at maayos ka". Ani crade na ikinalundag ng puso ni prey. Gustong- gusto niya na ang binata ngunit hindi niya kinakalimutan ang usapan nila ng kanyang lola clara. Tinulungan muna siya ni crade na i usog ang upuan para iharang sa likod ng pinto tinakpan din muna nito ang door knob ng plywood na kapiranggot. Dahil sinira ito ng mga nanloob kanina. At sinigurong nakasarado ang pinto sa likod, ganun din ang mga bintana, matapos nilang masigurong sarado na lahat ay umakyat na sila sa itaas. " Crade, paano nga pala ang unifom mo na gagamitin bukas?". Alalang tanong ni prey sa binata. " May extra akong jersey dito pati undies, kaya lagi kong dala itong bag ko, hindi naman ako papasok bukas dahil excuse kami sa mga teacher malapit na kasi yung competition ng mga school basketball, kaya pus-pusan na ang pag hahanda". Ani crade. Kaya naman nakahinga na ng maluwag si prey, dahil iisa lang ang higaan sa kwarto ay sa lapag na lang si crade natulog. Mabuti na lang at pumayag si prey na dito na siya matulog, dahil kung sa bahay nila malamang ay hindi siya mapakali sa kakaisip kay prey. Kinabukasan ay medyo late na sila nagising dahil exam nila kaya late na ang oras ng pasok nila, kagaya ng nakagawian ay naligo muna si prey at nag luto ng almusal nila. Masaya silang nag salo sa agahan, matapos nun ay sabay na silang pumunta sa school. Matapos ang exam ay umuwi na din si prey pinagamit na ni crade ang bike niya kay prey dahil marunong naman itong mag maneho ng bike kaya dito na ipinag katiwala ni crade ang kanyang bike, sa susunod kasi ay lilipat na din sila ng bahay kaya sa ibang way na ang daan niya pauwi, para hindi na daw mahirapan si prey sa pag pasok ay ibinigay na ni crade kay prey ang bike nito, electric naman kasi ang bike ni crade kaya kahit hindi na si prey mag pedal ay hindi ito mahihirapan. Umuwi na muna si Crade upang kumuha ng mga damit pamasok, dahil balak nito sa bahay ulit nila prey matulog, habang wala pa ang lola nito. " Prey may dala akong ulam natin, wag kana ma luto". Masayang bungad ni crade sa dalaga. " Sakto ka luluto lang ng kanin, kain na tayo baka gutom kana". Ani prey at pinag saluhan na nga nila ang pagkaing dala ni crade. " Ayan double lock na ito ewan ko nalang kung mabuksan pa ito ng mga kawatan na iyon". Ani crade, kinabitan na kasi nito ng doorknob ng pinto nila prey at nag lagay din siya ng dalawang lock sa likod ng pinto, para sigurado silang hindi na ito mapapasok ng mga kawatan. Bago matulog ay nag usap muna sila ni prey, at wala sa hinuha ay naitanong niya sa dalaga ang estado nilang dalawa. Kaya naman nabuhayan siya ng loob ng tumugon ang dalaga at ang sagot nito ay matamis na oo, para kay crade ay ito na ang pinaka masayang araw ng buhay niya, kaya naman pinupog niya ng halik ang dalaga na ikinabigla naman ng dalaga, ngunit mas lumalim pa ang pag sasanib ng kanilang mga labi at nauwi sa mas malalim at banayad, mababakas sa mga mata nila ang pag mamahal nila sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD