Pupungas-pungas nang idinilat ni Grezia ang kanyang nanghahapdi pang mga mata. Kaagad niyang isinara iyon nang masilaw siya ng masakit na liwanag. Ilang beses na gumala ang kanyang paningin sa kabuohan ng silid. Kinikilala niya ang lugar kung nasaan siya. Maliit siyang napangiti nang makita niyang ilid niya iyon, pamilyar ang interior designer nito. Iinot-inot na siyang bumangon, paglapat ng kanyang mga paa sa malamig na sahig ay nakangiwi na niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Pilit niyang nilalabanan ang gutom na kanyang nararamdaman na bunga ng mabangong amoy ng ulam na kanyang nalalanghap. May nagluluto noon at sigurado rin siya na paborito niya ang pagkaing iyon. Mahuhulaan niya na kaagad sa sambulat ng amoy. Saan galing iyon? Sino ang nagluluto sa kusina ko? Hindi kaya si Mommy at p

