Chapter 44

3102 Words

Kaagad nang natigilan si Grezia nang makita niya sa kanyang harapan ang bulto ng katawan ni Dameil. Matamang nakatitig ang mga mata nito sa kanyang namumungay na mga mata ngayon. Sa kanyang isipan ay tila ba totoong-totoo ang imahe ng lalaking kanyang nakilala sa Isla noon. At maging ang amoy nito ay pamilyar sa kanyang pang-amoy, nanunuot iyon sa kanyang ilong. Bagay na ang buong akala niya ay hindi tunay at naguguni-guni lang niya ang mga pangyayari. Mahina siyang humalakhak sa pag-aakalang imahinasyon lang na naman niya ang imahe nito. At hindi iyon naging dahilan at hadlang upang matigilan siya sa kanyang patuloy na pagsasayaw sa dance floor. Lalo pa niyang ginalingan habang may kakaibang ngiti sa kanyang labi. Bahagya na iyong nang-uuyam habang titig na titig pa rin sa mukha ni Dameil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD