Chapter 38

3010 Words

Inilibot ni Grezia ang kanyang paningin sa VIP room a inuukopa ng kanyang nobyong si Jholo, bahagyang makalat iyon dahil marahil sa pagmamadali nitong araw-araw na ginagawa dito. Naiintindihan naman niya ang nobyo, hindi rin likas sa lalaki ang makalat may mga pagkakataon lang siguro na ganito dahil sa pressure na kanyang nararamdaman nang dahil sa negosyo nila.   “Kumusta ang summit mo dito?” pagbasag ni Grezia sa katahimikan na lumulukob sa kanila.   “Ayos naman Hon, heto malapit ng matapos.”   Tumango-tango lang sa kanya si Grezia, wala ng masabi pa sa nobyong kaharap niya. Binitawan niya ang hawak na handle ng kanyang maleta. Sinundan ni Jholo ng mga mata ang galaw ng kanyang nobya, agad na napuna niya ang bahagyang pagpayat sa katawan ni Grezia ngunit hindi na ito naisatinig pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD