Mabilis ng ikinurap-kurap ni Grezia ang kanyang mga mata, nakatitig pa rin sa piraso ng pulang rosas na nakalahad sa kanyang harap. Mariin niya ng kinagat ang kanyang labi, dahil alam niya sa kanyang sarili na galing iyon kay Dameil. Si Dameil na hindi man lang niya napasalamatan pa bago ito umalis pagkatapos siya nitong ihatid sa lugar na iyon. Masyado siyang naging excited na makita si Jholo na hindi niya lubos maisip na ganun pa ang kanyang aabutan na sitwasyon dito. Ganunpaman ay itinanong pa rin ng dalaga sa guard kung kanino ito nanggaling. Ninanais pa rin ni Grezia na marinig ang sagot ng guard kahit na deep inside her heart ay alam na naman niya kung kanino ito mismo nanggaling. Kilala niya ang itsura ng bulaklak, at alam niya na never na si Jholo ang gagawa ng bagay na iyon sa kan

